Kabanata 2: Becoming His Secretary

1547 Words
Halos mapanganga na rin ako sa babaeng nakikita ko ngayon sa aking harapan. Ang ganda ng outfit ko. Bagay na bagay sa akin ang puti kong chiffon blouse na may malaking ribon sa harap na tinernuhan pa ng kulay itim na above the knee na pencil cut skirt.   Idagdag mo pa ang kakaibang make up ko ngayon. Feeling ko tuloy medyo nag-ibang tao ako. I hope no one would realize I’m Herena Maxine Devarux. Well, wala rin naman masiyadong nakakakilala sa akin to start with.   Okay now focus Herena. You are Bliss Fernatto, a simple New Yorker and a degree holder. That’s all I have to bear in mind.   “Whoa! You never really fail to surprise me, huh?” biglang singit ng isang boses na kagabi ko pa pilit pinapatahimik.   Paglingon ko sa kanya ay bahagya akong na-impress ng kunti. Maayos na itong nakadamit ng pang-opisina. Dapat lang. Siya na kasi muna ang tatayong acting CEO habang wala pa ako sa kumpanya.   “Ito na pala ‘yung mga papeless na pinahanda mo Herena, or should I say Bliss?” pag-aasar nito sabay abot ng folder. Binuksan ko ito at mabilisang pinasadahan ng tingin kung kumpleto na ba o hindi. So far, wala naman akong nakitang palya.   “By the way Alexis, sabihin mo nga sa akin, kung ikaw ba si Calix, makikilala mo ba na ako ito?” curious na tanong ko. Mamaya niyan mabuking ako ng hindi pa nagsisimula.   Nag-isip naman siya saglit bago sumagot. “To be frank, kahit walang makeup ay hindi ka pa rin mamumukhaan ng ex mo. Una, matagal na panahon na ang nagdaan simula noong huli kayong nagkita. Eight years ago pa iyon, aber. Pangalawa...” Huminto siya saglit at ngumiti ng nakakaloko.   “Pangalawa ano?” curious kong tanong. Mahilig itong mambitin eh.   “Nevermind,” tanging sagot niya at tsaka akmang maglalakad na palabas nang pigilan ko siya.   “Ano nga?” muling tanong ko.   Tumawa siya ng maliit. “Pangalawa, para kang si Eya ng Diary ng Panget noon. Ngayon ka lang naki-glow up,” anito sabay halaklak na parang demonyo.   Tinulak ko na lang siya at naglakad na palabas. Kahit naman papaano ay alam kong cute ako noon kahit hindi ako ganoong kaganda noong kabataan ko. Haist! Makaalis na nga. Wala ring patutunguhan kapag pinatulan ko pa siya.   Pagkatapos ng halos kalahating oras ng pagmamaneho sa traffic na daan ay nakarating na rin ako sa Dexigrous Empire Building. Napalaki ang aking mga mata nang tumingin ako sa relo. Gosh! Ten minutes na akong late.   Halos patakbo kong tinungo ang elevator at tsaka pinindot ang floor kung saan gaganapin ang nasabing interview para sa pagiging sekretarya ng CEO.   Ting!   Tumunog ang elevator na siyang naghuhudyat na nakarating na ako sa akong destinasiyon. Bumukas ito at lumabas na rin ako.   Mabilisan ko ng inayos ang aking sarili at tsaka with poise na tinungo ang kinauupuan ng mga female applicants para sa posisiyon. Mga nasa bilang benta silang lahat. At dahil sa ako ang pinakahuling dumating ay umupo ako sa pinakahuli. Haist! Kailangan ko talagang maghintay ng mas matagal kaysa sa usual.   Linabas ko na lang ang aking selpon at tsaka binuksan ang sinend nilang monthly sales report ng kumpanya namin. Mabilisan ko itong binasa at in-assess. So far, maganda naman ang ratings namin na halos paunti-unting tumataas ang sales kada-buwan.   Napatingin ako sa harapan nang biglang may matinis na boses ang sumigaw. “I told you, I want to see him now!” bulyaw ng naka-orange dress na dalaga sa guard na pumipigil sa kanya na pumasok sa loob ng interview room.   Pagkuwa’y may isang babaeng may katandaan na nakasuot ng pormal na business attire ang lumapit sa kanila at inabutan ang eskandalosang dalaga ng selpon. Padabog naman itong hinablot ng dalaga at tsaka kinausap ang kung sino mang tao sa kabilang linya.   Hindi ko marinig ang usapan nila pero pagkatapos noon ay umalis na rin dilag. Okay. I admit na maganda naman talaga siya kaso nga lang ‘yung ugali niya, hindi naaayon sa ganda ng pisikal niyang itsura.   Pagkatapos ang mahabang paghihintay ay sa wakas dumating na rin ang turn ko. Huminga ako ng malalim at tsaka pinaalalahanan ang aking sarili. ‘Come on Herena, kaya mo ‘yan. Just be professional. Huwag kang magpaapekto kapag nakita mo siya sa loob. You are confident na ikaw ang makukuha sa posisiyon. Give your best shot.’   “Good morning, Sir,” bati ko nang makapasok na ako sa loob nang nakayuko ang ulo. Pagkuwa’y unti-unti ko itong inangat upang harapin siya. Haist! Salamat sa Diyos at nakatalikod siya sa akin. Tanging ang malapad niya lang na mga braso ang nakikita ko.   Bahagya akong napahinto nang mapansin kong tila ba iba ang kulay at haba ng buhok niyo kumpara sa nasa litrato ng balita. Kulay blonde ito at sayad hanggang balikat. Alangan namang nagawa niyang magpahaba ng buhok sa loob lang ng ilang araw.   At nakumpirma ko nga ang aking hinala nang inikot na nito ang kanyang swivel chair paharap. “Good morning too...” bati nito sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. “...beautiful lady,” dugtong niya sa pabati sabay kindat. Mabilisan ko siyang tinitigan. This is definitely not Calix!   “Take a seat,” paanyaya niya na ginawa ko naman. If this is not him, then who the hell is this man? Sa pagkakaalala ko ay nakasulat sa banner na ang CEO mismo ang magka-conduct ng interview bakit tila ata hindi nasunod.   “So you are Bliss Fernatto?” pagve-verify nito habang mabilisang binasa ang aking resume. ‘No,’ mabilis namang sagot ng aking konsensiya ngunit binali ng aking bunganga.   “Yes, I am,” pagsisinungaling ko.   “By the way, I’m Devon Drake Dexigrous, older brother of the CEO, and I am acting on his behalf,” pagpapakilala niya sa kanyang sarili. Ngayon ko lang mapagtantong wala akong ni isang kakilala sa family members at relatives niya noong kami pa. Masikreto kasi ito at hindi niya binabanggit ang patungkol sa kanyang pamilya.   Nagsimula na siyang magtanong ng mga common questions about sa background at aspirations ko kung bakit ako nag-a-apply sa posisiyon ng pagkasekretarya hangga’t sa dumating sa puntong tinanong niya ito…   “Do you have a boyfriend or a fiance of some sort?” Halos malaglag ang panga ko sa naging katanungan niya. Seriously? Kailangan ko ba talagang sagutin ‘yun. Ang out of the topic naman sa matter involved ngayon.   Sasagot na sana ako nang narinig ko ang tunog ng pagbukas ng pintuan sa aking likuran. “What the hell?!” sigaw ng pamilyar na boses sa likuran.   At kahit hindi ako lumingon ay alam ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Ang baritono niyang tinig...ang lamig ng kanyang aura… lahat ng iyon ay tugmang-tugma sa Calix na nakilala ko noon, though, may kunting pagbabago na. Naging mas mature na ito.   Ang sigaw na iyon ay nasundan ng mga yabag na papalapit. Gosh! Ayan na papalapit na siya. Ramdam ko ang paglakas ng kabog ng aking dibdib. Kinakabahan ako sa muli naming pagkikita matapos ang walong taong nagdaan.   “Easy brother. See, tinulungan lang kita sa interview,” rinig ko ang pabirong saad ni Devon sa kapatid.   “That’s the point. Gusto kong ako mismo ang humarap sa kanila sapagkat pagsisilbihan nila ako balang araw!” mataas pa rin ang tono niyang sumbat.   Pakiramdam ko ay hindi niya napansin ang presensiya ko kung kaya naman ay yumuko na lamang ako para hayaan silang magbangayan.   Pagkaraan ng ilang minutong pagtatalo nila ay nakarinig ako ng yabag papalabas ng pintuan. Tinaas ko ang aking ulo upang sundan ito nang tingin at halos matunaw ako sa aking reyalisasiyon.   Si Devon ang lumabas… so meaning naiwan akong mag-isa kasama ang kapatid niya, which is my plan after all pero hindi ko pa rin talaga maiiwasang manerbiyos. Come on, Herena.   Napilitan akong harapin siya nang humingi ito ng paumanhin sa nangyari kanina. “I’m apologizing for letting you see that,” anito sa naging bangayan nila.   “Ahh...i-it’s o-kay,” tanging sagot ko. Gosh! Herena please huwag kang mautal. Ramdam ko ang pagtitig niya sa aking mukha. Namumukhaan niya ba ako? Buking na ba ang tunay kong pagkakakilanlan?   Pilit kong linabanan ang aking nararamdaman at tsaka matapang na sinalubong ang kanyang mga titig. ‘Be professional,’ pagpapaalala ko sa aking sarili. Pagkuwa’y binasag niya ang titigan namin upang mabilis na i-scan ang aking resume.   “Let’s get to the point. Why do you want to be my secretary?” pormal na tanong nito.   Ngumiti ako bago sumagot. “As you can see, I have the qualifications to do so and I want to use it in supporting your journey of making Dexigrous Empire greater than it is now.” I mean it.   “Okay you are hired! Start reporting at eight o’clock,” anito sabay abot ng work schedules ko. Masaya ko itong inabot at tsaka nagpasalamat sa kanya.   Thank goodness! Sekretarya na niya ako. It would too much to say pero I honestly feel like I am one step closer to BECOMING HIS WOMAN!    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD