Chapter 2

1201 Words
(Chapter 2) "Joan, Bakit ayaw mong mag salita? Ano bang nangyari? Ikaw ba ang pumatay sa Pinsan mo?" Halos tulala at wala sa sarili ng makita ng mga kaibigan ni Acelle si Joan. Gulat na gulat ang lahat ng makita nilang wasak na wasak ang mukha ng bangkay ni Joan. Halos mag iiyak din si Diana na siyang kapatid nito. "Ate Joan, Ano ba ang nangyari? Sumagot ka naman oh?!" Halos nagwawala at niyuyugyog nalang niya ang tulalang si Joan. Sa sobrang inis ni Diana ay sinampal na nito si Joan. "Tama na, Diana. Hayaan na muna natin siyang matauhan. Mukang pati si Joan ay hindi rin makapaniwala sa nangyari sa kapatid mo kaya tulala siya." Sambit ni Mariel. Isa sa kabarkada ni Acelle. "Kaya baka tulala siya eh, baka siya ang pumatay kay Ate Acelle. Alam kong minsan, nag aaway sila." Sigaw ni Diana. Ang tulalang si Joan ay napatingin kay Diana. Binigyan ni Joan na matinding tingin si Diana. "Oh ano? Nagulat ka sa sinabi ko dahil tama ako?! Na ikaw nga ang pumatay kay ate?" Nang-gagalaiting sambit ni Diana. "Wag kang padalos-dalos sa sinasabi mo! Mismo ako, nagulat din sa nakita ko. Hindi ko din alam ang nangyari sa kanya. Pag gising ko ay nagulat nalang akong ganun na siya. Sa totoo lang, ikaw dapat ang sisihin, Diana! Alam mo kung bakit? Ikaw ang dahilan kung bakit kami napad-pad sa bahay nayun. Hinanap ka namin buong gabi at inabutan na kami ng ulan kaya naisipan naming dun nalang mag magpalipas ng gabi. Ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Acelle." Sa sinabing yun ni Joan ay natahimik ang buong barkada ni Acelle. Nasa hotel na kasi sila habang pinadala na sa puneralya ang mga labi ni Acelle. "Totoo yun, diana. Hinanap ka nila nung mag walk out ka kagabi." Sambit ni Joana. Isa sa barkada ni Acelle. Hindi makasabat si Diana. Alam niya sa sarili niya na nagkamali din siya. "Pero, joan. Ano ba ang natatandaan mo? Hindi mo ba alam na may pumatay kay Acelle? Hindi mo manlang ba naramdaman na pinapatay na siya nung magkatabi kayong matulog. Saka wala kaba manlang narinig ng ingay nung bumagsak sa ulo ni Acelle yung chandlier?" Sunod-sunod na tanong ni Joana. "Hindi ko talaga alam. Wala akong narinig oh, naramdaman man lang. Ang himbing ng pagkakatulog ko." Paliwanag ni Joan na wala manlang emosyon ang mukha. Seryoso itong nakatingin sa bag niya. Bag na pinagsilidan ng sapatos na kinuha niya sa bahay na tinulugan nila kagabi ni Acelle. 1 Week later... Habang nag wawalis ng sahig si Maricar, may biglang nag doorbell sa kanila. "Anak Maricar, May tao ata. Paki tignan mo nga kung sino yun?" Utos ng Mama niyang si Maricris. "Opo." Agad naman na tumungo si Maricar sa pintuan ng kanilang bahay. Pagbukas niya ng pinto ay isang lalaking may hawak na kahon ang nakita niya. "Sino po sila?" Bungad na tanong niya. "Andito ba si Maricar Navelgas?" Tanong nung lalaki. "Ako na nga po yun." Nakangising wika ni Maricar. "Para po sa inyo." Sambit nung lalaking taga deliver, at agad na inabot ang kahon kay Maricar. "S-saakin? Kanino naman galing?" Gulat niyang tanong. "Hindi pinapasabi eh. Paki pirma nalang po." Sagot nung lalaki. Pumirma nalang si Maricar at tinanggap ang kahon. Ngayon lang sa talambuhay nakatanggap si Maricar ng ganung klaseng padala. Inisip nalang niya na suprise yun, sa kanya ng tita niyang nasa America. "Sino daw pakay nung tao?" Tanong ng mama niya pag pasok niya sa loob. "May nagpadala saakin nito." Napatingin naman ang ina niya sa kahon na hawak niya. "Ano yan?" "Hindi ko po alam. Mabuti pa ay buksan ko na ito." "Baka naman bomba yan!" Biglang sabi ni Maricris. kinabahan siya. "Hindi naman po siguro. Saka wala naman tayong kaaway ah." Binuksan nalang ni Maricar ang kahon. Laking gulat nalang niya ng makita niya ang laman nito. "Wow! Napakagandang sapatos. Sino ba nagpadala niyan?" Gulat na tanong ng mama ni Maricar. "Hindi ko po alam. Hindi sinabi nung lalaking taga deliver eh. Ayaw daw ipaalam. Pero napakaganda nga po nito. Transparent na sapatos na mukang mamahalin. Ang ganda talaga! Ang kinang-kinang. Sino kaya nagpadala nito?" Tuwang-tuwa si Maricar. "Baka naman may manliligaw kana anak." Sambit ng mama niya. Bigla namang napatitig sa sapatos ang mama ni Maricar. "Alam mo anak, Pamilyar saakin yang sapatos. Para bang nakita ko na yan dati. Hindi ko lang matandaan kung kailan at saan." "Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang sapatos, Mama. Para ngang babasagin eh. Maisukat nga." Agad na binaba sa lapag ni Maricar ang sapatos. Isinukat niya kapwa ang sapatos. "Wow! Pakat na pakat sayo ang sapatos anak." Tuwang tuwang wika ng Mama ni Maricar. Bigla namang umiikot ang paningin ni Maricar ng isukat niya ang sapatos. Tila ba naliyo siya. "Okay ka lang anak? Bakit tumitirik ang mata mo?!" Gulat ng tanong ng mama niya. "N-nahihilo po ako ata ako." Napahawak si Maricar sa Mama niya. Maya-maya ay nawalan na ito ng malay. Nagising nalang si Maricar na nakahiga na siya sa kama niya. Napahawak siya sa ulo niya na may kirot parin ng konti. "Ayos ka na ba anak?" Bungad na tanong ng mama niya na kakapasok lang sa kwarto niya. "A-ano po ba ang nangyari?" Papungay-pungay pa ang mata ni Maricar. "Bigla kang nawalan ng malay kanina, matapos mong sukatin ang sapatos na pinadala sayo. Masyado ka atang lumigaya sa magandang sapatos nayun at nahimatay kapa sa sobrang galak hahaha!" Patawang wika ng mama niya. Hindi nag alalala ang mama niya dahil nagpapunta agad siya ng doctor matapos mahimatay ang anak. Wala naman daw nakitang sakit si Maricar kaya napanatag na ang loob niya. "Mama naman. Bakit nga po ako nahimatay? May sakit po ba ako?" "Wala naman daw. Nagpapunta ako ng doctor dito kanina. Wala namang nakitang sakit sayo. Pero tignan mo anak ang paa mo. May sugat ka. Sugat na may naka-ukit pang number." Agad na tinignan ni Maricar ang tinutukoy ng mama niya. Laking gulat niya ng makita niyang may number 02 sa isang paa niya at Number 30 naman sa kabila. "Ano ito? Saan po galing yan?" Pagtataka ni MAricar. "Yan nga din pinagtataka ko eh. Baka dahil sa sinukat mong sapatos." Hinala ng mama niya. "Pero bakit tila hindi siya masakit kahit hinahawakan ko. Para siyang hindi sugat. Pero dumudugo parin." Sambit ni Maricar na haplit parin sa kakakapa sa sugat niya. "Wag mo ng kutkutin at baka kung mapano pa yan. Pero teka, ano makakatayo ka na ba o dadalhan nalang kita dito ng pagkain?" "Kaya ko na po. Sige po at mauna na kayo at Lalabas narin po ako." "Okay." Paglabas ng mama ni Maricar sa kwarto niya ay hindi parin naaalis ang tingin niya sa sugat na nasa paa nya. "Nakapagtataka talaga itong sugat. Bakit number pa ang nakaukit?" Sambit niya habang nakatingin sa paa. Biglang nagulat si Maricar ng bumukas kusa ang gripo sa kanyang banyo. Nadinig niya ang pag tapon ng tubig sa timba. Kaya naman agad siyang tumungo dun upang patayin yun. Lalabas na siya ng banyo na bigla siyang magulat at mapatingin sa kama niya. Isang nakakatakot na nilalang ang nakita niya. Hindi na siya nakapagpigil at Nagsisigaw na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD