Chapter 1

1100 Words
(Chapter 1) "Ang alikabok naman!" Nakasigaw na nag iinarteng wika ni Joan. "Wala tayong magagawa dahil mukhang hindi titila ang ulan." Sambit ni Acelle habang lilingap-lingap sa paligid. "Masasapak ko talaga yang kapatid mo! Nandahil sa kanya magpapalipas tuloy tayo ng gabi sa abandunadong bahay na ito,na mukang ang creepy at ang alikabok-alikabok pa!" "Sobrang arte mo talaga, Joan! Sino ba kasing may sabi na sumama ka saakin? Ikaw tong buntot ng buntot saakin! Ayan napala mo!" Inirapan siya nito. "Alam mo namang mag pa iwan ako sa mga katropa mong hindi ko naman kilala. Saka bakasyon ang pinunta natin dito. Ibig sabihin, dapat nag sasaya tayo. Eh, ano itong nangyayari? Bakit ba kasi nag walk-out walk-out pa yang magaling mong kapatid na si Diana. Saka, sure kabang dito sa gubat tumakbo yun? Naku buti nalang talaga at may bahay dito, Kundi, maliligo tayo sa ulan at sinisigurado kong sakit ang aabutin natin bukas." "Oo. Dito tumakbo yun. Lintek kasing nung babaeng yun eh, ang arte! Ikaw at yang si Diana, Panira kayo ng bakasyon ko. Sumama pa kasi kayo dito!" "Hello acelle, mama mo ang nagpasama saamin dito at baka daw kung ano na naman ang gawin mo. Bantayan ka daw namin. Saka pwede ba, pumasok na tayo sa loob ng makahanap manlang tayo ng tutulugan ngayon gabi, buti full charge pa yung phone ko at may flashlight tayo. Bukas nalang natin hanapin yang si Diana. Saka hindi naman lalayo yun at hindi naman niya kabisado ang lugar nato." "Teka, baka may tao o may may-ari niyang bahay, mapagkamalan pa tayong magnanakaw." "Ikaw ang shunga-shunga mo talaga! Mukha bang titirahan itong ganyang itsura na ang bulok-bulok na bahay? Halika kana at pagod na ako." Sinimulan na ni Joan na buksan ang pinto. Lumangitngit ang pinto at sumaboy ang mga alikabok sa kanilang ulo. Napaubo naman ang dalawa sa sobrang alikabok sa loob. "Grabe! Ang laki naman pala ng bahay na ito. Sa sobrang luma ang kakapal na ng alikabok. Paano tayo nito makakatulog dito?" Nag-uubo na sambit ni Acelle. "Ayun may hagdan. Tara sa taas at baka may kwarto dun." Aya ni Joan. "Joan, natatakot ako. Nakakatakot dito. Parang mas gusto ko pang matulog sa gubat." "Pwede ba, Acelle. Ayoko nga dun. Mamaya gapangan pa tayo ng ahas dun. Eeew! Saka muka namang walang multo dito. Wala akong nararamdaman." May naaninag si Joan na parang may kumikinang na dalawang bagay sa may hagdan. "A-ano yung bagay na kumikinang sa may hagdan? Tignan mo? Acelle." Agad naman na napatingin si Acelle sa hagdan. "Oo nga no! Halika tignan natin." Naintriga ang dalawa kaya naman umakyat na sila sa hagdan. "Teka, Sapatos ata." -joan "Oo nga. Wow! Ang ganda naman niyan!" Pinulot agad ni Acelle ang magkaparehas na sapatos at saka niya pinagpagan pa ng alikabok iyun. "Grabe! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang sapatos. Saka mukang mamahalin at ang ganda-ganda talaga!" Sambit ni Acelle na talaga namang tuwang tuwa sa sapatos. Agad naman niyang nilapag iyun sa lapag at saka isinukat. "Uy pakat na pakat sa paa mo, acelle." Masayang sambit ni Joan. "Oo nga. Ang ganda!" Bigla namang nakaramdam ng panlalamig si Acelle. Nakita ni joan na nag iba ang itsura ng mukha nito. Pakiramdam ni Acelle ay para bang may mata na nakatingin sa kanila. "B-bakit Acelle? Bakit tila napunit ang mukha mo?" Litong tanong ni Joan. "Para bang bigla akong nanlamig na parang may biglang kumibot sa tiyan ko." "Gaga! Umuulan kasi kaya malamig. Saka baka kumibot naman yang tiyan mo ay dahil gutom kana hahaha! Kanina pa kasi tayo hindi kumakain, buhat ng hanapin natin si Diana. Ako nga nagugutom nadin eh." "Hindi. Para bang may kakaiba akong nararamdaman." Hinubad na niya ang sapatos. Laking gulat nalang ni Acelle na biglang nagdugo ang kapwa paa niya. Dugo na may nakaukit na number 03 sa isang paa at 50 naman sa kabilang paa. "Ano yan? bakit nag ka number ang paa mo?" gulat na tanong ni Joan. "Ewan ko. Pero pinagtataka ko, hindi siya masakit." "Naku, iwan mo na nga diyan yang sapatos na yan at matulog na tayo.Tara na sa taas." Biglang nanlata si Acelle. Pag akyat nila sa taas ay nakahanap sila ng isang kwarto. Nilinis muna nila iyun bago sila tuluyang matulog. Habang mahimbing sila sa pagkakatulog. Nagising nalang bigla si Acelle nang may biglang humatak sa paa niya. Bumangon siya. Malamig yung kamay na humawak sa kanya. Napaupo bigla si Acelle at agad niyang nilibot ang mata sa buong paligid. Madilim ang buong paligid pero, may konting liwanag na tumatagos sa bintana ng kwarto na galing sa buwan. tumila narin ang ulan. Habang todo siya sa pag tingin sa buong paligid. Isang anino nalang bigla ang nasagip ng mata niya malapit sa bintana. Anino ng babaeng mahaba ang buhok na may suot na mahabang bistida. Napatili si Acelle kaya naman nagising bigla si Joan. "Ahhhhh!!!" "B-bakit?! Anong nangyari, Acelle? Bakit ka sumigaw?" Nakatakip ng mukha si Acelle. "J-joan, may babaeng nakatayo malapit sa bintana." Nakaturong sambit ni Acelle habang nangangatog sa takot. Pilit namang hinahanap ni joan ang sinasabi ni acelle, pero ni anino nung sinasabi niya ay hindi niya makita. "Asan? Ala naman ah!" Sambit ni joan. "Kitang kita ko siya kanina. Anino ng babae. Maniwala ka, Joan. Umalis na tayo dito. Natatakot ako..!" "Wala naman eh. Baka naman nananginip ka lang. Saka 1:30 palang oh. Bukas na tayo bumalik sa hotel. Antok na antok pa ako eh." Inis na sambit ni Joan. Niyakap nalang ni joan ang pinsan para hindi matakot. ilang sandali lang ay nakatulog ulit sila. 03:50 am ng magising ulit bigla si Acelle. Nagising siya ng may madinig siyang bumubulong sa tenga niya. "Bakit mo sinukat, Acelle?!" Biglang tinubuan ng takot si Acelle sa boses ng tila galing sa ilalim ng hukay. "S-sino ka? Anong sinukat? " Sambit ni acelle. Nagsimula na naman mangatog ang buong katawan niya. Isang babaeng inaagnas na mahaba ang buhok na nakasuot ng gown na kulay sky blue ang biglang sumulpot sa harap ni Acelle. Hindi na siya nakasigaw dahil bigla nalang nag katahi ang labi niya. Halos tumulo ang dugo sa baba ng labi niya. Napapaingit nalang sa sakit si Acelle. "Oras na para mamatay ka, Acelle." Sambit nung nakakatakot na babae. Lumangit-ngit ang chandlier sa itaas ng kisame at bigla bigla nalang itong nalaglag sa ulunan ni Acelle. Halos nabasag at napirot ang bungo ni acelle. Puro bubog naman ng ilaw ang tumusok sa mukha nito. Walang kaalam-alam si Joan na patay na ang kasama nito. Mahimbing parin itong natutulog sa tabi ng bangkay ng kanyang pinsan na si Acelle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD