“Emil, calm down please,” iyon ang paulit – ulit na sinasabi ni Sam sa kanya habang nagmamaneho siya pauwi sa bahay nila. Alam niyang nandoon na si Anna dahil tinawagan na siya ni Claire na dumating na ito doon. “I am f*****g i***t to believe someone whom I doesn’t know. Ang tanga ko,” sa pagitan ng mga ngipin ay nasabi niya. Napahigpit pa ang hawak niya sa manibela dahil talagang galit na galit siya. “Just ask her nicely. Mukhang hindi naman nagsisinungaling ang asawa mo,” sabi ni Sam. “She is not my wife! ‘Tang ina! Hindi ko asawa ang babaeng iyon! Hindi ko anak ang batang ipinapaako niya sa akin! f**k!” malakas siyang napasigaw. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya sa galit. He trusted her. Akala niya totoo ang lahat. Akala niya tama ang nararamdaman niya pero ano i