Chapter 37

3545 Words
Chapter 37 LIGAYA'S POV Tahimik kong binabaybay ang daan papunta sa aming munting lupain, sa kabila ko naman na kamay bitbit ang basket laman ng pag kain na aking inihanda para sa aming magiging tanghalian para mamaya. Dapit alas dyes pa lang nang umaga, at napaka ganda ng panahon. Kulay asul naman ang langit at napa tinggala na lamang ako na pinapanuod ang nag sisiliparan na mga ibon sa kalangitan. Bahagyang napa pikit na lang ako ng mata na, masilaw na lang ako sa sinag ng araw at tinaas ko na lamang ang kaliwang kamay, para hindi gaanong dumirekta sa aking mata ang init. Nag patuloy na lamang ako sa pag lalakad, na binabaybay ang mabato at madamong daan. Napaka tahimik ng paligid na wala kanang maririnig o makikitang ibang tao na aking makaka salubong sa daan. Tanging huni ng ibon at ibang hayop na lang ang aking narinig na mag pagaan naman ng aking damdamin. Maka lipas lamang ng ilang minuto, naka rating na ako sa aming malaking lupain at una kaagad na bumunggad sa akin si Tiya Belinda at ang kapatid kong si Lira na abala ang mga ito sa pag aani ng aming ibang mga pananim sa aming lupain. Napa ngiti na lang ako na pinapanuod sila na puspusan na pag tra-trabaho lamang at sa ilang segundo na pag mamasid lamang, napa baling naman ang tingin ko sa kabilang dako kong saan mag paagaw ng aking atensyon ang isang bulto ng isang tao sa isang tabi. Isang bulto ng isang taong abala sa kanyang ginagawa. At isang bulto ng tao, na kaagad mag pakawala nang matamis na ngiti sa aking labi na makilala kong sino iyon. Walang iba, kundi si Dakila. Abala si Dakila sa kanyang ginagawa, na hinahakot lamang ang malalaki na mga basket at lalagyan. Napuno na iyon ng kanilang mga naunang mga naani kanina at pag katapos nilalagay niya iyon sa isang tabi. Sarap na sarap akong pinapanuod na lamang siya ng palihim na abala sa kanyang ginagawa. Humigpit na lamang ang pag kakahawak ko sa basket, at hindi ko namalayan sa aking sarili na hinakbang ang aking paa palapit sa kanyang kinaroroonan. "Mahal." Tawag ko na lang kay Dakila na kina-tigil naman nito sa pag aayos. Humarap siya sa akin at sumilay na lang ang matamis na ngiti sa aking labi na mapako na lang ang mata ko sa aking asawa. Maanggas siyang tumindig sa harapan ko at hindi ko mapigilan ang aking sarili na obserbahan na lamang siya ng palihim na ngayo'y bagay na bagay naman sakanya ang kupas na maong na pantalon na kanyang suot. Sa pang itaas naman na kasuotan ang isa lamang dark green na longsleeve na pang gapas na, humubog ang kanyang katikasan at kagandahan ng kanyang pangangatawan sa kanyang suot. Seryoso na tumitig na lang sa akin si Dakila, walang bakas na emosyon ang kanyang mga mata at malamlam niya akong tinitigan. Kahit dumaplis na ang pawis sa kanyang noo at leeg, at medyo nabasa rin ang suot niyang damit ng pawis sa puspusan na pag tra-trabaho, ewan ko ba kong bakit hindi siya dugyot para sa akin kong tignan kahit pawisan na siya at pinag halong dumi sa katawan sa pag tra-trabaho. Dumagdag atraksyon pa sa akin ang kanyang dating na tila ba’y ang bango-bango niya pa rin kong tignan. “Tignan mo na oh, pawis na pawis kana." Puna ko na lamang na makita ang daplis na pawis na namunuo sa kanyang noo. Kinuha ko na lamang ang panyo ko sa bulsa at malaya kong pinunasan ang bakas na pawis sa kanyang noo. Habang pinupunasan iyon, ramdam ko naman ang pag sunod ng mata niya sa akin na ginagawa ko iyon, wala siyang imik at naka pako lamang ang mga mata sa akin na pinag aaralan ang ginagawa ko. Pinag patuloy ko lang ang sarili ko sa aking ginagawa, hindi ko maipaliwanag kong bakit bigla ako hindi naging komportable sa paraan ng titig niya sa akin, puno iyon nang lagkit lamang at ibang pahiwatig. "Mag pahingga kana muna, basang-basa na ang damit mo oh. May dala akong pang palit mong damit, mahal.” "Ayos lang mahal, at tyaka mamaya na at marami akong gagawin. Kailangan ko pang tulungan si Tiya Belinda sa pag hahakot ng mga naani namin." Aniya na lang ni Dakila, na kina baling ng tingin sa kabilang dako. Sinundan ko naman kong saan siya naka tingin, at nakita ko na lang si Lira at Tiya Belinda na may kalayuan sa pwesto namin na abala silang dalawa pareno na pinupuno nila ang basket na kanilang dala-dala lamang ng kanilang mga naani. "Kahit na, mag pahingga kana muna." Tugon ko na lang na kina-balik naman ng atensyon ko sa pag pupunas lamang sakanya. "Huwag na munang pagudin ang sarili mo. Ibaba ko lang itong dala-dala kong pananghalian natin at mamaya tutulong rin ako sainyo para sa ganun, mabilis tayong maka tapos." Wala akong narinig na anumang sabihin kay Dakila, na padampi-dampi ko naman na pinupunasan ang bakas ng pawis sa kanyang noo, at kay lagkit niya akong tinitigan. Tumitig na lang ako sa guwapong mukha ni Dakila na ngayo'y nag tagpo ang mga mata namin. Mariin na lang ako napa lunok ng laway na ngayo'y ibang emosyon at lamlam niya ako kong titigan ngayon, na para bang may ibang pahiwatig. Kahit may distansya man ang katawan ang layo ko sakanya, naramdaman ko kaagad ang kakaibang init at kuryente ang nanalaytay sa katawan ko at sa aking kina-tatayuan. Malaya kong napag mamasdan na mas lalo siyang gumuwapo sa aking paningin, hindi ko naman talaga maikakaila na napaka guwapong Ginoo naman talaga ni Dakila. Matangkad at maganda ang kanyang pangangatawan. Mayron siyang perpektong panga at medyo tumubo naman ang begote niya subalit, mas lalo siyang naging maanggas at guwapo sa itsura niya ngayon. Unti-unti naman na umakyat ang aking mata papunta sa kanyang malambot at mamula-mulang mga labi, na mariin na lang akong napa lunok. Mayron siyang matangos na ilong, mapungay at kulay kayumangging mga mata na kahit ako mismo hindi ko mapigilan ang sarili kong tumitig na lang ng matagal doon. Ewan ko ba, pero sa akin iba ang dating ng kakaibang lamig at lamlam ng mga mata ni Dakila na para bang may tinatago at nag kukubling ibang pag katao doon na kahit ako mismo, nababalutan pa rin ng mysteryoso ang mga mata na iyon. Ilang segundo akong mapa titig sa mata ni Dakila, na para ba'y hini-hypnotismo niya ako sa paraan na titig niya sa akin, na kaya nitong palambutin ang mga tuhod ko at tumitig na lang nang matagal sa mga mata na iyon. Hinawakan na lang no Dakila ang kamay kong nag pupunas pa rin ng pawis sa kanyang noo, tila ba'y may anong kuryente akong naramdaman sa simpleng pag hawak niya lang sa akin. "Huwag na mahal." Anito na lang na paunti-unti niyang binababa ang kamay ko sa pag pupunas sa kanyang noo. "Kaya na namin ito, at isa pa malapit na rin naman kami matapos sa aming ginagawa. Huwag kanang tumulong sa amin, at baka mapagod ka pa." Hinawakan na lang ni Dakila ang aking kamay, na ngayo'y mag kahawak kamay na kami. May naramdaman akong kakaibang kiliti at kilig sa simpleng hawak kamay namin dahil napaka lakas na ang kalabog ng aking puso na maramdaman ko ang mainit niyang palad. "Sige." Tugon ko na lang. "Mukhang napaka sarap ang hinanda mong tanghalian ngayon, mahal. Bigla akong naka ramdam ng gutom na maamo'y ang masarap na niluto mo." Pakao naman ang mata ni Dakila sa hawak kong basket kong saan nasa loob ang hinanda kong ulam para sa aming lahat. Kahit naka balot iyon, manunuot pa rin talaga sa iyong ilong ang masarap at kaaya-ayang aroma na kahit ikaw siguro matatakam at makaka ramdam ng gutom. Sumilay na lang ang matamis na ngiti sa labi ko at humarap sakanya. "Aba, syempre naman, mahal." Pag mamalaki ko na lamang. "Nag handa ako ngayon ng paborito mong ulam na gustong-gusto mo. Nag luto na rin ako ng ilang putahe para sa ganun hindi tayo mabitin mamaya." Tinaas ko na lang ang hawak kong basket para ipakita na lang kay Dakila, na mapa awang na lang siya ng gilid ng kanyang labi sa aking sinabi, na nag kangitian na lang kaming dalawa. Sabay na kaming nag lakad ni Dakila papunta sa kabilang dako ng aming lupain na madalas kong saan kami nag papahingga at tumatambay. Mag kahawak kamay naming naming binabaybay na dalawa ang daan hanggang maka punta na kami sa isang patag na damuhan. Mula sa pwestong iyon, malaya mong makikita ang malawak naming lupain at hindi rin gaanong direktang nasisinagan doon ng araw dahil napaka limlim dala ng mayayabong na mga puno sa paligid. Nang maka rating na kami doon ni Dakila, bumitaw na ako sa pag kakahawak sa kanyang kamay. Nilapag ko muna ang hawak kong basket sa isang tabi, at nilabas na rin ang dala kong kumot na aking dala para mag latag doon para mamaya uupo na lang kami doon habang sabay-sabay na kumakain nang tanghalian. Habang inaayos ko pa ang kumot, ramdam ko naman ang pag tulong sa akin ni Dakila sa pamamaraan ng pag labas lamang ng ilan sa mga dala-dala ko kanina sa loob ng basket. "Ako na ang bahala riyan Mahal, mag pahingga ka mun——" "Ahh." Hindi ko na natapos ang anumang sasabihi mo na nabitawan ni Dakila ang hawak na basket, na ngayo'y naka hawak na siya ng mariin sa kanyang ulo na sumasakit na iyon. "Ahh." Daing niya na lamang ng mahina na labis naman akong mataranta na ngayo'y naka upo na si Dakila sa damuhan at namimilipit na ito sa sakit. "Mahal." Wala sa sarili kong tinig na napaka lakas na ang kalabog nang aking puso na binitawan ko muna saglit ang ginagawa ko para lapitan lamang siya. "Mahal, anong nangyari? Ha?" Ramdam ko na ang pamumutla ng aking labi sa labis na pag kataranta at hindi malman ang gagawin na ngayo'y hindi na maipinta ang kanyang mukha sa sakit. "Ahh, aray!" Humigpit ang pag kakahawak ni Dakila sa kanyang ulo, na ngayo'y pikit-mata na siya at nakikita ko ang sakit at hirap na kanyang dinaraanan. "Ahh!" Ungol niya na lamang na diniinan pa lalo ang pag kakahawak niya sa kanyang ulo para sa ganung paraan maibsan ang kirot at sakit na kanyang nararamdaman, subalit hindi pa rin iyon sapat na mawala ang sakit. Namimilipit na siya sa sakit at na namula na ang mukha ni Dakila na hindi niya alam kong saan niya ibabaling ang kanyang ulo sa sakit na kanyang nadarama. Lumabas na ang ugat sa kanyang leeg at ramdam ko ang kasunod na mabibigat niyang pag hingga pag katapos. Nanginig na ang aking katawan sa takot na hindi ko alam ang gagawin ko para matulungan lamang siyang mawala ang sakit ng kanyang ulo. Naka tayo lamang ako sa kanyang harapan na ngayo'y nangilid na ang bakas na luha sa mata ko sa takot at pag aalala lamang na pinapanuod siyang namimilipit na sa sakit. “M-Mahal." Tawag ko na lamang na kinakapos na siya sa kanyang pag hingga at kasabay no’n ang mahinang pag ungol pag katapos. Napaka lakas ang pintig ng aking puso at nanghihina na lamang akong naupo si Dakila sa damuhan, na tila ba'y nahimasmasan na siya na nawala na ang pananakit ng kanyang ulo. Mariin niya na lang pinipikit ang kanyang mata at makikita ko talaga sa kanyang mukha kong gaano niya tiniis ang sakit at kirot. Dali-dali naman akong kumilos na kinuha ang lalagyan ng tubig at kumuha rin ng baso at sinalinan ng malinis na tubig doon. Walang pag aalinlangan na naupo ako sa tabi ni Dakila at inabot ko ang tubig sakanya "Mahal, inumin mo ito." Inabot ko sakanya ang inumin na ngayo'y naka pikit ang isa niyang mata. Pinanuyuan siya ng laway sa kanyang lalamunan at kinuha niya sa kamay ko ang tubig. Naririnig ko na lang ang malakas nang kalabog ng aking dibdib, at aaminin kong dumapo na lang ang takot sa aking puso na makita ko siyang nahihirapan kanina. Napa lunok na lang ako ng laway, hindi inaalis ang mata ko sakanya na ngayo'y nilalagok ang tubig na tila ba'y nahimasmasan na siya na humahagod sa kanyang lalamunan ang preskong inumin. Kinuha ko na sa kamay ni Dakila ang baso nang matapos na siyang maka-inom at katahimikan kaagad ang bumalot sa pagitan naming dalawa. Hindi ko mapigilan ang sarili kong palihim siyang obserbahan sa tabi ko, walang kibo at naka tingin lang siya sa kawalan. "Kumusta ang pakiramdam mo, mahal? Maayos na ba?" Naitanong ko na lang iyon at walang buhay naman na lumingon sa akin si Dakila. “Oo, okay lang ako.” Pilit siyang ngumiti sa akin, na kahit ipakita niyang maayos lang siya alam ko pa rin sa sarili kong hindi gaanong maayos ang pakiramdam niya. Pinapakita niya lang sa akin, na maayos lang siya kahit sa loob-loob naman, hindi naman talaga. "Sigurado ka ba, mahal? Hindi na ba masakit ang ulo mo?" Sunod-sunod kong tanong na tumitig na lang siya sa akin at hindi sumagot. "Sandali lang, kukunin ko lang ang gamot mo, para hindi na sumakit ang ulo m——-" akma akong tatayo sana para kunin ang gamot ni Dakila, subalit napa hinto na lang ako nang hawakan niya ang kamay ko. Napa tigil na lamang ako at tumitig na lang sa malamlam na mga mata ni Dakila, nag papahiwatig na huwag ko nang gawin. May kakaibang emosyon at ningning lamang ang aking mga mata na, tumitig sakanya na alam kong nahihirapan siya. “Huwag na mahal, maayos na ang pakiramdam ko.” Giit na lamang nito na mababa na tono na kahit ganun, hindi pa rin maalis ang bigat at parang tinik na naka pasan sa aking dibdib. "Pero, mahal kailangan mong uminom ng iyong gamot at baka sumakit na naman ang ulo mo." Wika ko na lang na mababang tinig dahil hindi ako makakapanti hangga’t hindi ko talaga masisiguro na maayos na talaga ang kanyang kalagayan.. “Mas mainam na iyon, para masiguro ko talagang maayos kana talaga na hindi na sumakit ang ulo mo.. Sabi ko naman sa'yo eh, huwag kanang mag papagod nang masyado, tignan mo ang nangyari s-sa'yo.” Naiiyak ko na lamang na tinig, hindi ko mawari kong bakit nadala na lang ako ng emosyon ko. Uminit na lang ang sulok ng aking mga mata at pinipigilan ko ang aking sarili na maiyak sa harapan niya. Siguro, natakot at nag aalala lang talaga nang husto na makita siyang nahihirapan sa tuwing sumakit ang ulo niya kanina. Nadala lang talaga ako ng aking emosyon at takot para sa sarili ko, na baka kong ano nang mangyari sakanya. Ayaw ko nang makita siyang nag kakaganun. Natatakot ako, sa tuwing nakikita ko siyang sinusumpong na sumasakit ang kanyang ulo. Pinisil na lang ni Dakila ang aking kamay, para sa ganung mapanatag ang aking kalooban pero kahit ganun hindi pa rin maalis-alis ang pangamba sa aking dibdib. Gamit ang isang kamay ni Dakila, humawak siya sa aking pisngi at buong ingat niyang hinaplos iyon ng malambing na mag bigay gaan sa aking dibdib. “Maayos lang talaga ang pakiramdam ko, mahal. Pasensiya na kong pinag aalala pa kita nang husto.” Anito na lang na wala sa sarilinh napa titig na lang ako sa kanyang mga mata. “Huwag kang mag aalala at hindi na ako mag papakapagod pa nang husto, ayaw kong nag aalala ka sa akin, mahal.” Kay lambot at gaan ang pag haplos niya sa aking pisngi na maka ramdam ako ng saya at init sa simpleng ginawa niya. May kakaibang kislap at ningning ang mga mata ni Dakila kong paano niya ako tignan, na kahit paano mag pagaan ng aking nararamdaman sa sinabi niya. Pilit na lang akong ngumiti na tumitig na lang sakanyang mukha. STILL LIGAYA’S POV Matapos nang ilang oras naming pananatili sa lupain namin, napag pasyahan naming umuwi na. Dapit alas dos na nang hapon pasado iyon nang matapos na sila sa kanilang pag aani ng mga pepino at ilang mga pananim na tanim ni Tiya na mga gulay at prutas. Nauna na si Tiya Belinda at Lira umuwi kaya’t kami na lang ni Dakila ang mag kasama na binabaybay ang daan pauwi sa aming balay. Pasimple ko na lang sinilip si Dakila na seryoso ang kanyang mata na naka pako sa daan, kanina pa siya tahimik simula no’ng umalis kami kanina sa balay ni Tiya Belinda. Nabalutan ng malamig na hangin ang pagitan namin, na walang gusto sino man na putulin ang katahimikan. Hawak ni Dakila sa isang kamay ang katamtaman lamang na basket laman ng konting gulay at prutas na bigay sa amin ni Tiya at sa kabilang naman hawak nito ang kamay ko. Ilang minuto pa ang pag babaybay namin ng daan, naka rating na kami sa balay. Nauna na akong pumasok sa balay at ramdam ko naman ang pag sunod sa akin ni Dakila, na nilagay nito sa lamesa ang bitbit nitong basket. Habang isa-isang inaayos ni Dakila ang mga dala namin kanina na mga gulay, hindi pa rin natapos ang palihim kong pag obserba sakanya. “May gusto ka bang sabihin, sa akin mahal?” Ang malagong na salita na lang ni Dakila ang mag palakas ng kalabog ng aking dibdib. Napa kurap na lang ako ng aking mata na ngayo’y abala siya sa kanyang ginagawa na naka tuon lang ang atensyon niya doon. Sandali, napansin niya? Napansin niya na palihim kong panunuod sakanya? Binaba na muna ni Dakila ang hawak nitong gulay at parang naging slow-motion lang siyang humarap sa akin. “Ah, kasi ano.” Nauutal ko pang tinig. Nanatili lang siyang naka tayo medyo may ilang distansiya sa akin at hindi maalis ang puno ng seryoso at lamlam niya ako tinitigan. “Kanina ko pa napapansin, na kanina ka pa pasulyp-sulyap na tumitingin sa akin, habang naroon pa tayo sa lupain niyo.” Mariin na lang akong napa kagat labi na lang. Takte, maski iyon napansin niya pa rin? “May gusto ka bang sabihin sa akin mahal? Ano iyon?” “Ano, kasi.” Mariin akong napa lunok. “Wala lang.” Wika ko na lang na hinakbang niya ang paa niya palapit sa akin na naririnig ko naman ang mabigat niyang yabag ng paa. Huminto na lang si Dakila sa harapan ko kaya’t kusa naman akong napa tinggala dahil may katangkaran din naman siya kumpara sa akin. “Ano kasi iyon? Sabihin mo na.” Malagong na wika na lang nitong hindi naputol ang titig naming dalawa. “Wala talaga mahal.” Giit ko na lamang at napa kagat labi na lang ako na naka titig lamang siya at nag hihintay nang sasabihin ko. “Ang totoo kasi niyan, nag aalala lang kasi ako na baka sumpungin naman na bigla na lang sumakit ang ulo mo ulit.” Napa anggat na lang ng labi si Dakila sa naging sagot ko at hinawakan niya ang aking pisngi gamit ang mainit niyang palad. Hinaplos niya iyon na maka ramdam ako ng kiliti at gaan sa kanyang ginagawa, na hindi naputol ang eye contact naming dalawa. “Alam kong nag alala ka sa akin nang husto mahal, pero maayos na talaga ang pakiramdam ko. Hindi mo na kailangan pang mag alala pa.” “P-Pero kasi hindi mo naman maalis sa akin ang mag alala lalo’t baka bumalik na naman an——“ hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na yumuko si Dakila at binigyan lamang ako na mabilis na halik sa labi. Napa kurap naman ako ng mata at pinamulahan naman ako ng pisngi sa simpleng halik nitong kay tamis lamang. Nilayo ni Dakila ang konti ang mukha niya sa akin, na ilang pulgada na lamang ang layo ng mukha namin sa isa’t-isa na maling kilos at galaw ko lamang mag lalapat ang mga labi namin. Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama ng sandaling iyon, lalo’t nakaka tunaw ang paraan ng malagkit niyang pag titig sa akin na kaya niyang palambutin ang mga tuhod ko. Kay bilis rin ng kalabog ng aking dibdib na hindi maalis ang mata ko sa guwapo niyang mukha. “Maayos na ako, hindi ba?” Pag uulit na lang nito. “P-Pero kas—-hmmp.” Hindi ko na naman muli natapos nang siniil niya ako ng mainit na halik sa labi, at sa pag kakataon na iyon puno ng pusok at pangangailangan. “Hmm.” Mahinang unggol ko na lamang na nilaliman niya pa ang pag halikan naming dalawa na nilulunod niya ako sa sarap at nakaka ninibugso kong damdamin na kina-pikit ko naman ng aking mga mata na gumanti rin ng halik sakanya. Ramdam ko ang mainit na palad ni Dakila na humawak sa aking baywang at hinatak niya ako palapit sakanya, kaya’t nag kadikit ang katawan namin. Tila ba ako’y napapaso at may kakaiba akong kuryente akong naramdaman na naka hawak siya sa baywang ko samantala naman ang isa niyang kamay patuksong humahaplos sa aking balikat, at unti-unti niyang binababa ang strap ng suot kong bestida. Mariin na lang akong napa singhap sa kanyang ginagawa at sa huling pag kakataon, bumigay na naman ako sa simpleng halik at mga haplos niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD