Chapter 13

3271 Words
Chapter 13 DOLORES POV Tuwing pag sapit ng umaga, ugali talaga ni Dolores ang mag lakad-lakad sa kanilang maganda at malawak na lupain. Simpleng bestida na puti ang kanyang suot, na lumalabas ang kagandahan ng kanyang katawan na humulma doon at lumilitaw din ang kaaya-aya niyang kagandahan. Pinag dikit lamang ni Dolores ang kanyang palad at dinaraanan ng tingin ang mga taga silbi nilang nag tra-trabaho mismo sa kanilang balay, bitbit lamang ang coron na laman ng tubig. Ilan naman sa mga kalalakihan na naka tayo sa labas ng kanilang balay, nag babantay at nag mamatyag. Iyon naman ang katiwalang tauhan ng kanyang Ama kaya’t walang sinuman ang basta-basta ang mag papangahas na pumasok na lang sakanilang balay na walang pahintulot na lamang dahil bantay-sarado ang mga iyon. Hinawi ni Dolores ang kanyang mahabang buhok at pasimple na lamang tinignan ang kanilang balay na gawa lamang sa kahoy. Malaki at mas malawak iyon subalit maganda at matibay rin ang pag kakagawa. Ang kanilang balay ang pinaka malaki at rangya, kaysa ibang balay na kanilang nasasakupan. Literal na tandyag at mayaman na pamilya ang kanilang angkan na tini-tingala talaga ng lahat ng lahat. Ang malalim na lamang na pag mamasid ni Dolores, kaagad na natigil na lumapit sakanya ang katiwala niyang si Bughaw bahagyang may bumulong sa kanyang taenga kaya’t sumilay na lang ang matamis na ngiti sa dalaga. Matapos ipag paabot ni Bughaw ang kanyang balita, lumayo ng konti ito sakanya para lamang mag bigay galang sakanya. “Sige, iharap mo siya sa akin.” Wala nang narinig pa si Dolores na sagot mula sa kanyang katiwalang tauhan at nag lakad na ito paalis. Naiwan na lamang siyang naka-tayo at hindi inaalis ang mata sa kawalan, ilang sandali lamang narinig na ni Dolores ang pares ng yabag ng paa na parating na hindi lamang si Bughaw nag iisa, kundi may kasama na ito. Kusa nang tumigil ang yabag ng paa kaya’t lumabas na lamang ang ngisi sa labi ni Dolores bago humarap sa panauhin na matagal niya nang gustong maka-usap. “Magandang umaga, Mang Kadyo.” Pinagandahan pa ni Dolores ang kanyang pag bati na maka harap ang matanda. “Magandang umaga rin sa’yo Binibining Dolores.” Magalang na pag bati na lamang ng matanda at hindi mapigilan ni Dolores na palihim na obserbahan na lamang ito. Simple at luma lamang ang kanyang kasuotan, na mas maganda pa nga ang kanyang damit at ang kutis at balat naman nito maitim at medyo magaspang. Sinusukat lamang ng tingin ni Dolores ang matanda na maayos na naka tayo sa kanyang harapan, alam niya rin na nag iinggat at malaki ang respitu nito sa kanilang angkan. “Gusto kong malaman kong bakit niyo ako pinatawag?” “May gusto lang ako malaman at ikaw lamang ang makakasagot no’n Mang Kadyo.” Pinagandahan pa ni Dolores ang ngiti sa kanyang labi na hindi pinuputol ang titig niya sa matanda. “Tungkol ito kay, Ligaya.” Hindi na siya nag paligoy’-ligoy pa at diniretsa niya na itong tinanong. Kusa na lamang napa-lunok ang matanda ng laway at hindi na ito maka-direstso ng tingin sakanya. Hindi siya pinanganak kahapon lamang, na hindi niya malaman na may kakaiba nga sa pinag gagawa nito. “May naka abot kasi sa akin na balita, na madalas ka raw na pumu-punta sa kanilang balay at sa pag kakaalam ko naman na wala naman na sakit sa kanilang pamilya. Sabihin nga sa akin, ano nga ba talaga ang sadya doon?” Wika niya na lamang na may pag dududa na kusang napa-kurap ang mata, nababasa niya sa mukha lamang nitong may nangyayari talaga at iyon ang gusto kong malaman. “Wala ho talaga Binibining Dolores.” Wika nito. “Madalas lang naman akong pumupunta roon para lamang gamutin si Binibining Ligaya sa kanyang iniindang sakit sa tyan.” Napa-awang na lang ng labi si Dolores, hindi kumbinsado kong ano man ang sinabi nito. Nag tugma naman ang sinabi ni Ligaya na rason ng kanyang sinabi, kagaya ni Manang Kadyo ngunit hindi ako tanga. Alam kong may mas malalim pang rason kong bakit pabalik-balik siyang bumabalik doon na hindi lamang iyon simpleng sakit lamang ng tyan. “Alam mo naman siguro Mang Kadyo, na mayaman at ma-impluwensiya ang aming angkan. Ikaw rin ang katiwalang manggagamot sa ating Nayon, alam mo rin siguro ang pinaka-ayaw ng aking Ama ang hindi tapat sakanya.” May laman niyang tugon na hinuli ang mata ng matanda kaya’t nag katitigan na lamang sila sa mata. “Sabihin mo nga sa akin, totoo ba iyong sinasabi?” “Opo Binibining Dolores.” Walang gatol at pag aalinlangan naman na wika nito. “Tapat po ako sainyo at kahit na rin sa inyong Ama, lahat ng aking sinabi pawang katotohanan lamang at hindi ako mag papangahas na biguin at mag sinunggaling sainyo.” Aniya na lamang nitong dire-diretsong tinig. “Pinaniniwalaan ko ang iyong sinasabi.” “May karagdagan pa ba kayong itatanong, Binibini?” “Wala na, makaka-alis kana.” Nag bigay galang na lang ang matanda sakanya bilang pag yuko ng konti ng kanyang ulo at nag lakad na ito paalis. Sinundan na lamang ito ng tingin ni Dolores, na may pag tataas ng isa niyang kilay at naramdaman niya ang pag hinto na lamang ng katiwala niyang tauhan na si Bughaw sa kanyang likod. “Gusto niyo po ba Binibini, na sundan ko Mang Kadyo at alamin ang totoo?” Wika na lamang ni Bughaw na malagong na boses, na pinag dikit muli ni Dolores ang palad. “Huwag na Bughaw.” Wika niya na hindi inaalis ang mata sa matanda at sumilay na lang ang ngiti sa kanyang labi. “Hindi naman importante sa akin, ang impormasyon na makukuha natin sakanya at kahit na rin kay Ligaya. Sapat na sa akin kong ano man ang mga nalaman ko ngayon.” “Sige po Binibini.” Katahimikan ang nag panig sakanilang dalawa. “Siya nga pala, may naka rating sa akin na balita, nag kagulo raw no’ng isang araw at si Makisig daw ang nag simula?” “Opo, Binibini.” “Ikwento mo nga sa akin, kong ano ang nangyari?” “May naka-initan si Makisig, na isang lalaking na bago sa Nayon natin at hindi naman malala ang kanilang away dalawa na kaagad din naman naputol.” “Bago sa Nayon natin na Ginoo?” Pag uulit niya pa na ngayon niya pa lang narinig iyon. “At ano naman ang kadahilanan ng kanilang pag-aaway?” “Si Ligaya po, ang dahilan nila Binibining Dolores.” Sa isang iglap naging matalim at hindi na maganda ang pinakitang emosyon sa mata ni Dolores na marinig ang binalita sakanya ni Bughaw. Nabigyan ng bigat sa kanyang dibdib, na malaman na si Ligaya na naman ang puno’t-dulo na hindi mabigyan ng katahimikan ang kanilang Nayon. So ikaw pala ang dahilan muli, Ligaya. “Si Mang Kadyo ba ang dumaan ngayon, Dolores?” Ang boses na lamang ng bagong dating ang mag papukaw sa atensyon ni Binibining Dolores. Lumayo naman ng konti sakanya si Bughaw na kaagad kina-hanap niya ang boses na makita niya naman ang kanyang Ama na nag lakad papunta sa gawi niya. “Ama.” Ang galit sa mata ni Dolores, kaagad napalitan ng matamis na ngiti na sinalubong ang Ama na makita ito. “Magandang umaga po Ama.” Humalik si Dolores sa pisngi ng kanyang Ama at umayos siya ng tindig sa harapan nito. Pasulyap-sulyap ang kanyang Ama na alam niya sa sarili na tinitignan ang paalis na mangangamot lamang at parang nag dududa. “Bakit kausap mo ang manggangamot sa Nayon, natin Dolores?” “Wala ho, Ama.” “May nararamdaman ka bang sakit?” “Wala ho.” Wika niya na lamang. “May tinanong lang naman ako sakanya, kasi medyo sumama ang tyan ko kaninang umaga pero huwag kayong mag aalala at maayos na rin naman ako ngayon.” Tumango na lamang ang kanyang Ama sa kanyang sinabi. “Mabuti naman kong ganun.” Aniya na napawi ang matinding pangamba sa kanyang sinabi. “Sumabay kana sa akin papasok sa loob para sabay na tayo makapag-agahan.” Paanyaya na lamang nito. “Opo aking Ama.” Sabay na silang pumasok sa kanilang munting balay, samantala naman naka sunod pa rin si Bughaw na ilang hakbang ang layo sakanila. Nang maka pasok na sila, nakaka-salubong nila ang kanilang ibang taga-silbihan na binabati at pinapakita na lamang ang matamis na ngiti sa kanila. Hanggang sa kanilang pag lalakad, dinala na sila ng paa sa kanilang malawak na hapag-kainan kong saan, bukas na bukas ang pader na gawa sa kahoy kaya’t matatanaw mo talaga ang kagandahan ng kalangitan at masarap rin na hangin na pumapasok. Sa kanilang pwesto matatanaw nila ang malawak na lupain na kanilang nasasakupan at matatayog at kulay berde na mga puno. Gawa sa matibay na kahoy lamang ang kanilang lamesa, na kayang mag okupa na mahigit isang dosena na panauhin. Walang upuan ang kanilang hapag-kainan kaya’t uupo kana lang sa sahig na gawa sa matibay na kahoy at naka patong doon ang malalambot na unan na magiging komportable ka naman uupo at kakain. Hindi maalis ang mata ni Dolores na naka patong na doon ang masarap at nakaka takam na agahan na kanilang pag sasaluhan. Simula lamang sa sariwang isda, itlog at hindi mawawala ang hitik na hitik na mga prutas. Kahit silang dalawa lamang ng kanyang Ama ang mag sasalo, parang pyesta na iyon karami at nag dadagdag pa rin ng ibang pag kain ang ibang katiwala na pumapasok sa kanilang munting hapag-kainan. Nauna nang umupo ang aking Ama, at lumalabas na lamang ang katikasan at magandang hubog na katawan kahit ito’y naka upo lamang. Kahit limamput-walong taong gulang na ang kanyang Ama, hindi pa rin mahahalata na matanda na ito dahil lamang konti pa lang ang puting buhok sakanya at literal na batak at malalakas pa naman ang katawan nito na kaya pa ngang mag patumba ng kalabaw. Malaki ang pangangatawan ng kanyang Ama at may katangkaran din naman, makikita mo na lamang ang mga symbolo na mga tattoo sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan. Mabait ang kanyang Ama at mabuting puso kaya’t mahal na mahal ito ng kanyang nasasakupan. Sa magandang pamamahala at determinasyon na mahigpit na pag papatupad na mag patakaran nito kaya’t nanatiling payapa at maganda ang kanilang pamumuhay. Naupo na rin siya sa sahig at hindi pa nakaka simula ang kanilang pag sasalo, na may pumasok na lang aa kanilang hapag-kainan na lalaki.. Kaagad din naman ito nakilala ni Dolores na madalas kasa-kasama ng kanyang Ama na hindi lamang mag lalaro ang edad nito sa trenta. Mabilis na lumapit ito sa gawi ng kanyang Ama, bahagyang umupo at may binulong sa taenga na ayaw iparinig kong ano man ang binalita sa kanyang Ama. Walang emosyon lamang ang gumuhit sa kanyang Ama na pinapakinggan ang balita nito hanggang, kina-layo na lang ang sarili pag katapos. “Sige, susunod na lang ako mamaya.” Tugon ng kanyang Ama na malagong na boses na, nag bigay pugay naman na pag galang ang lalaki sa pamamaraan ng pag yuko ng ulo at dali-dali naman na umalis sa kanilang hapag- kainan. Umayos na lang ng pag kakaupo ang kanyang Ama at kinuha na ang kubyertos para masimulan na ang kumain. “Mukhang abala ata kayo ngayon, Ama.” Puna na lamang ni Dolores na kina-anggat nanan ng ulo nitong tumingin sakanya. “Tama ka Dolores.” Pag sasang-ayon nito. “Nitong nalalapit na ka-pyestahan sa Nayon natin, marami na akong ginagawa at inaasikaso lalo’t maya’t-maya hinahanap ako ng tao sa aking nasasakupan. Kailangan na naroon ako dahil kailangan nila ang serbisyo ko.” Tumango-tango na lamang siya. Madalas, hindi na sila tagpo ng kanyang Ama sa kanilang balay dahil lamang sa parati itong wala at maraming ginagagawa at naiintindihan naman ni Dolores na hindi nga talaga madali ang posisyon nito lalo’t malaki-laki naman ang kanilang Nayon. Kumuha na rin si Dolores ng ilang pag-kain na kaya niya lang ubusin na mag salita muli ang kanyang Ama. “Isang linggo na lang at sasapit na ang ka-pyestahan, wala ka pa talagang nahahanap na napupusuan mo?” Pahiwatig na salita na lamang. “Wala pa, Ama.” Pinakita na lamang ni Dolores ang matamis na ngiti at seryoso siyang tinignan ng Ama. “Hayaan mo at makaka hanap rin ako.” “Labing siyam na taong gulang kana ngayon, Dolores at dapat kagaya ka rin ng ibang mga kababaihan sa ating Nayon, na dapat maikasal kana rin ngayon sa nalalapit na ka-pyestahan.. Ayaw mo naman sa mga nakaka-pareha ko sa’yong ipapakasal mga mabubuting Ginoo sa Nayon natin.” Wika nitong simulang kumain. “Hindi ko sila gusto Ama,” bumuntong-hiningga na lang ito ng malalim sa naging sagot niya. Wala pa siyang napupusuan at hindi niya rin gusto ang pina-pareha sakanya ng kanyang Ama na mga mabubuting Ginoo. “Dapat may may mapili at makapag desisyon kana Dolores lalo’t ilang araw na lang, ka-pyestahan na dito. Ayaw ko naman na mapasama dahil ako ang nag patupad sa kasunduan na pag papakasal ang mga Dilag sa Nayon natin, sa pag sapit ng labing-siyam na taong gulang tapos ang kaisa-isa kong anak hindi naman pala susunod sa ginawa kong patakaran.. Ayaw kong sumama ang tingin sa akin ng mga tao, Dolores.” Malambing ngunit britonong wika ni Ama. “Naiintindihan ko po aking Ama.” Tumikhim na lamang ito muli. “Naka-usap ko na kahapon si Datu Bangkaya at ang kaisa-isa niyang anak na lalaki na si Bayani, mukhang interesado sa’yo ang Ginoo,.” Pag bubukas lamang ng usapan nito. “Kong hindi ka pa nakakapag desisyon na ayaw mo sa ipinareha ko sa’yong mga Ginoo, handa raw ang kanyang anak na pakasalan at makilala ka at ako’y naman sumang-ayon sa kanyang kagustuhan.” “Opo aking Ama.” “Huwag sanang sasama ang loob mo Dolores, kong pinangunahan ko na ang iyong desisyon.” Aniya nito. “Kailangan natin sa panig natin si Datu Bangkaya, at kailangan mo rin mapangasawa ang kanyang anak na si Bayani.. Ang kanilang nasasakupan likas na makapangyarihan, at may mga magagandang kagamitan na armas kaya’t kailangan natin sila para sa ganun maging matibay at malakas ang ating Nayon.” “Naiintindihan ko po Ama.” “Maraming salamat, Dolores.” Aniya nito na ngumiti ng konti ang kanyang Ama. “Ginagawa ko lang ito para mapa-buti ka. Ikaw na lang ang meron ako Dolores at pinangako ko no’ng mamatay ang iyong Ina na aalagaan at pro-protektahan kita, at hinggid ko lang ngayon na sana maging masaya ka.” Ngumiti na lang siya ng kay tamis dito at pinag patuloy muli ng kanyang Ama ang pag kain. “Sa susunod na mga araw, inaanyayahan ka ni Datu Bangkaya na manatili sa kanilang balay, para sa ganun mag kakilala kayo nang lubusan ni Bayani. Mananatili ka doon ng isang linggo para naman makilala mo siya nang lubusan.” Tugon na lang ng kanyang Ama na kina-ngiti na lang ni Dolores. “Sige po Ama, masusunod po.” Pinakita na lamang ni Dolores ang magandang ngiti sa kanyang labi at tinuon na lang ang mata sa pag kain. MAKISIG’S POV Taas-noo lamang nag lalakad si Makisig, nakaka-salubong niya ang ilan sa mga ka-Nayon niya sa daan na hindi mapigilan ang sarili na mapa-lingon sakanya lalong-lalo na ang mga kababaihan. Ang ilan pa sa kanila, kinikilig at hindi mapigilan ang sarili na mag paiwan sakanya ng matamis na ngiti kong gaano siya katikas at lakas ng dating sa mga ito. Sa kaliwang kamay naman ni Makisig hawak ang iba’t-ibang mga makukulay na mga bulaklak na kanyang napitas. Balak niya itong ibigay kay Ligaya dahil gusto niya lamang na kunin ang loob nito, at mag papansin. Dalawang araw na ang nakaka-lipas simula ang insidente na nangyari at gusto niyang makabawi sa dalaga. Iniiwasan niya rin na gumawa ng gulo lalo’t napapalapit na ang ka-pyestahan na kailangan niyang mga pakitang gilas dito. Gusto niyang maging maganda ang tingin sakanya ng dalaga para sa ganun hindi na rin mahirap sakanya na mapalapit at kunin ang loob nito. Maganda na ang ngiti na pinukulan sa labi ni Makisig habang nag lalakad, na maganda na kaagad ang gising niya simula umaga na hindi niya maintindihan kong bakit. Basta ang alam niya lang masaya siya. Sabik na sabik na siyang masilayan ang magandang mukha ni Ligaya. Sabik na siyang marinig ang mala-anghel na boses nito. Hanggang ang tahimik na lamang ni Makisig na pag lalakad kaagad napahinto na marinig na lamang ang bulong-bulongan ng tatlong binibini sa isang tabi. “Totoo ba ang nasagap kong balita?” Binibini 1. “Oo totoo iyon,” sang-ayon naman ng babae na mahaba ang buhok na binibini 2. “Kwento-kwento sa Nayon natin na madalas raw na makitang mag kasama si Ligaya at ang Ginoo na bago sa lugar natin. Sino nga ang lalaking iyon?” Pag huhula na lamang nito na kaagad uminit ang taenga ni Makisig na pinapakinggan ang pag-uusap. “Dakila, tama nga. Dakila nga ang kanyang pangalan.” Pag kokompirma na mag lakas pa ang bulong-bulongan nila na kahit may distansiya naman si Makisig sakanila, malinaw na malinaw sakanya na marinig ang pinag uusapan ng mga ito. “Iyong Dakila na naka sama niya sa bayan na mag tinda?” binibini 3, na katamtaman lamang ang kutis. “Oo, siya nga iyon.” Binibini 2. “Aww, napaka-guwapo niya naman talaga at napaka tikas. Ngayon lamang ako naka-kita ng napaka gandang lalaki na katulad niya sa ating Nayon na, nahigitan niya pa ang ka-guwapuhan ni Makisig.” “Oo tama ka riyan, kahit nga ako gusto ko ang Ginoo na iyon.” Binibini 1 at pinag dikit ang kanyang palad, at nag huhumaling kahit bukas naman ang mga mata. “Ang guwapo-guwapo talaga ni Dakila at kahit sino naman ang mag kakagusto sakanya, hindi ba?” Lumingon ang binibini sa kanyang mga kaibigan na kaagad naman sinang-ayunan iyon na pag kompirma na si Dakila ang kanilang gusto. Lumapit ang binibini pangatlo sa kanyang kasamahan, na may sasabihin na ayaw iparinig na kahit na sino. “Atin-atin na lang ito, at sana hindi na maka-labas. No’ng mag kita kami ni Marikit sa bayan kahapon, kinompirma niya sa akin na mag kasintahan na pala si Dakila at si Ligaya kaya’t parati silang mag kasama. Nag sasama na nga sila sa balay, ayon sa mga naka-kita.” Bumigat na lamang ang pag hingga ni Makisig sa kanyang mga narinig at hindi niya namalayan ang kanyang mata’y nanlilisik sa galit. Ano? Kasintahan ni Ligaya ang Dakila na iyon? Tangina. Bumigat pa lalo ang kanyang pag hingga at naragdagan ng galit ang kanyang puso, na ang isang baguhan lamang na isang kagaya ni Dakila ang kakalaban sakanya! Umigting ang kanyang panga at nakaka-takot ang emosyon na pinapakita na kahit na sino, matatakot sa mata niyang umaapoy na sa galit. Hindi na pinakinggan pa ni Makisig ang anumang narinig sa mga Binibini sa isang tabi at hindi niya namalayan na naka-kuyom na pala ang pag kakahawak sa kamao, na konti na lang mapuputol na lamang ang tangkay ng bulaklak na kanyang mga pinitas sa galit at pag titimpi. Binitawan ni Makisig ang bulaklak na hawak kaya’t ito’y nalaglag sa lupa, hindi na siya nakapag hintay pa nang pag kakataon na mag lakad at kusa niyang naapakan ang bulaklak na masira at mag kahati-hati na iyon. Tiim-baga at para bang nag hahamon siya ng gulo na mag lakad at ang mata’y puno ng dilim at galit. Tangina! Akin ka lang Ligaya! Hindi ko hahayaan na may mag agaw sa’yo, mula sa akin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD