Kabanata 5

1455 Words
Lara POV Nakakainis talaga ang kaibigan kung 'yun.Niloloko na siya lahat lahat ng Gagong Kenjie na 'yun,nakuha pang magbiro.Paano niya nakakaya ang ginagawa ng magaling niyang asawa na,buong akala ko'y matino.Isa rin pala ito sa mga lalaking kakilala ko at katulad rin pala siya ng mga pinsan niyang mga playboy. "Hey,bigla ka na lamang natahimik d'yan Lara,Sino ba ang kausap mo knina si Phoebe ba?" Napatingin ako sa boyfriend kung si Chadie,Na ngayon ay umakbay na sa akin. "Sino pa ba,Syempre si Phoebe lang naman ang madalas kung kausap.Teka nga bakit ang tagal mo atang bumalik huh?! Baka nambabae ka na sa Restroom,kaya ang tagal mo." Agad naman ako nitong hinalikan sa aking pisngi,Tatawa tawa pa ito ng hawakan ang isa kung kamay. "Nagselos nanaman ang aking Mahal,Mahaba ang pila sa Restroom kaya ako natagalan." Sagot nito sa akin na kinataas pa ng kanang kilay ko. "Ewan ko sayo,Pare-pareho naman kayong mga lalaki mawala lang kayo sa paningin namin mga babae kung sinu-sinong babae na ang lilalandi niyo.D'yan ka na nga!" Tumayo na ako at iniwan kung nakatulala si Chadie,Mabilis naman ako nitong nasundan sa labas. --- Lasing na lasing ako kagabi at sa sobrang kalasingan ko sa bahay na ni Carmina ako nakatulog. Dalian ko pinulot isa isa ang mga damit kung nasa sahig.Nilingon ko muna si Carmina na nakadapa habang tulog na tulog pa rin.Wala itong kahit na ano mang suot,kaya naman kitang kita ko ang kabuan ng hubad nitong katawan.Napailing iling na lamang ako kung tutuusin mas sexy pa rin ang asawa kung si Phoebe at sa kinis ay walang sinabi si Carmina.Isa sa nagustuhan ko sa babaeng ito mas magaling ito sa kama kesa sa asawa ko.Ngunit ang babaeng katulad ni Carmina ay pampalipas oras ko lamang,hindi ko ito kailanman se-seryosohin.Bigla itong gumalaw kaya naman bago pa ito magising dalian na ako nag shower. "Sir,Ang aga niyo po ata." Bungad sa akin ng isa sa mga security guard na pang gabi.Mag a-alas syete pa lang kasi ng umaga ng makarating ako ng aking opisina,dito na ako dumeretso.Ayaw kung magtanong si Phobe kung saan ako nanggaling gusto kung isipin nito na dito ako sa opisina ko mismo natulog.Alam kung maaga itong tatawag dito sa Opisina para hanapin ako. "Pagtumawag ang Asawa ko sabihin niyo dito ako natulog sa opisina maliwanag ba?" Wika ko sa security guard,na tumango tango lamang sa sinabi ko.Pagkatapos kung kausapin ito ay umakyat na ako papunta sa mismo opisina ko ng makarating ako sa loob,Kinuha ko ang aking cellphone at pinictureran ang papalitaw pa lamang na sikat ng araw.Pinost ko agad ito sa akin **,panigurado akong makikita kaagad ito ni Phoebe.Gusto kong isipin nito na dito talaga ako sa opisina ko natulog.Baka makahalata ito at magsumbong pa sa aking mga magulang. ... Halos hindi ako nakatulog buong magdamag kakahintay sa aking asawa na si Kenjie,Hindi ito natulog dito sa bahay. Gusto ko maiyak muli dahil mukhang sa bahay no Carmina ito natulog.Tinatawagan ko rin ito pero patay na ang cellphone nito.ngayon lamang ginawa ni Kenjie ang ganito.Kung tutuusin siya itong may kasalanan sa akin dahil sa pambabae niya pero ito at siya pa itong nagtatampo at gumagawa sa akin ng ganito.Muling tumulo ang aking luha,isipin ko pa lang kung paano nilalandi ng babaeng 'yun ang asawa ko ay para na ako mababaliw. "Kenjie,please,umuwi ka na." Tanging nasambit ko habang tinititigan ang malaking larawan namin na nakasabit dito sa kwarto namin.Nakita kung umilaw ang aking cellphone agad ko iyon kinuha.Pagbukas ko ng notification ko nakita ko kaagad ang post ni Kenjie sa kanyang instagram.Agad kung pinahid ang mga luha sa aking mata. "Sa Opisina pala niya ito natulog,Ayan kasi self,palagi kang hinala eh." Sambit ko sa aking sarili.Agad kung idinial ang numero nito para makausap na ang mahal kung asawa.Sobrang na miss ko ito isang gabi lamang kami hindi magkasama natulog,ang pakiramdan ko miss na miss ko ito. "Hello,Asawa ko.Sorry na." Agad kung bungad kay Kenjie.Narinig ko pang bumuntong hininga ito sa kabilang linya.Halatang nagtatampo pa rin ito,pero bakit nakukuha pa niyang magtampo gayong nahuli ko na itong nambabae. "Orderan mo ako ng almusal dito sa opisina." Sagot nito sa akin.Kung gayon sa opisina niya mismo ito natulog talaga.Nakahinga ako ng maluwag.Ang sakit lang isipin na matutulog ito sa kama ng ibang babae. "Sige,Sige.Asawa ko ngayon din o-orderan kita ng almusal mo." Mabilis kung tugon kay Kenjie. "Salamat. Asawa ko,Sorry din kagabi hindi na ako nakauwi d'yan. Nagkaakitan kami nila Kenzo mag bar sa sobra kalasingan ko naisip ko dito na lamang sa opisina matulog.Ang totoo naiinis kasi ako na ikaw na mismo asawa ko ay paghihinalaan ako." Napakunot noo ako sa sinabi ni Kenjie,Bakit kung umasta ito akala mo'y wala siyang ginawa kasalanan sa akin. Gayong huling huli ko itong kahalikan ang secretary niyang si Carmina.Ang babaeng hikad na 'yun humanda siya sa akin pag nakita ko siya.Sisiguraduhin kong siya mismo ang mag kukusang mag resign sa trabaho niya. "Sorry,Asawa ko. Wag ka na magalit." Kahit naiinis ako at gusto kong maluha muli,mas pinili kung magkunwari na lamang na wala akong alam.Kahit na alam kung niloloko at binibilog lamang ni Kenjie ang ulo ko.Mas pipiliin kung maging okey kami ng asawa ko Dahil sobrang mahal ko talaga ito. "Oh,sige na.Wag na lang sana maulit ang pambibintang mo sa akin Asawa ko." Wika nito Napangiti ako ng pilit kahit na alam ko sa sarili kung nagiging tanga na ako dahil sa pagmamahal ko sa Asawa ko. "Pangako,hindi na 'yun mauulit pa." Sagot ko dito,Bigla ko naman naisip na ako na mismo ang maghanda ng pagkain ni Kenjie at dadalhan ko na rin ito ng bagong damit paniguradong hindi pa ito nag bibihis ng damit niya,simula kagabi. Isa pa na miss ko rin ito kahit isang gabi ko lamang ito hindi nakatabi sa pagtulog. "Sige na Love, May gagawin na muna ako.Kailangan ko pirmahan ang mga papeles na nasa table ko.Bye,I love you." Magsasalita pa sana ako ng bigla na nitong patayin ang tawag.Bumangon na ako at agad naligo at nagbihis.Mabilisan akong nagluto ng almusal ni Kenjie balak kong sabay na kami mag almusal.Matagal tagal na rin ako hindi nakakadalaw sa opisina nito.Kaya naman nag ayos ako ng todo. Isinuot ko ang isang kulay pulang dress na habit na habit sa aking katawan kaya naman bakat na bakat ang hubog ng aking katawan.Itinali ko ang aking buhok na pa messy.Nag make up din ako ng kaunti,Nagsuot din ako ng high heels. "Excuse me,Pwede bang paki park ng sasakyan ko." Saad ko sa dalawang security guard na nakamanga sa akin.Halos tumulo ang laway ng mga ito nang makita ako. "Hello,Naririnig niyo ba ako?" Ulit ko sa mga ito,saka lamang natinag ang mga ito at dumeretso pa ng pagkakatayo ang dalawa.Samantalang ang ibang empeyadong papasok ng building ay manghang nakatingin sa akin. "A-Ahh,Ma'am,Saan po ang punta ninyo?" Tanong ng isang security guard sa akin.Mukhang bago lamang ito sa kompanya ng Asawa ko.Buti na lamang dumating si Berto,Ang security guard na matagal nang nagtatrabaho sa company nila Kenjie.Ang alam ko ito na ang head ng mga security guard dito. "Ma'am,Phoebe,Kayo po pala 'yan.Ngayon lang po kayo muling napadalaw dito ah." Wika ni Berto,habang nakangiti sa akin.Hindi pa rin ito nagbabago palangiti pa rin ito gaya ng dati.Ilang buwan din ako hindi nakadalaw sa opisina ni Kenjie kaya maraming empleyado na ang hindi ko kilala o hindi ako kilala. "Hi,Berto. Hindi ka pa rin nagbabago palangiti ka pa rin.Nand'yan na ba ang Boss mo? " Tanong ko dito,Tumingin muna ito sa dalawang security guard Bago ako sagutin. "Tulungan niyo si Ma'am Phoebe,Bilis! Yes,Ma'am Phoebe dito natulog si Boss." Nakahinga na ako ng maluwag atleast alam kung dito talaga natulog ang Asawa ko at hindi sa kama ng hikad na secretary nito.Ngumiti ako ng malapad kay Berto at sa dalawang security guard. Ang isa ay kinuha ang susi sa akin at siya na mismo ang nag park ng kotse kong dala.Samantalang ang isa naman ay kinuha ang dala dala kong paper bag na naglalaman ng pagkain at damit ni Kenjie Halos lahat ng madaanan ko ay manghang nakatingin sa akin.At ang iba ay nagbubulungan pa. "Yari,na ang Carmina na 'yan." Wika ng isang empleyado.Narinig ko pa ang bulongan ng iba.Puro Carmina na ang pangalan na naririnig ko.Talaga sigurong matagal nang may relasyon ang dalawang iyon. "'yan ba ang Asawa ni boss,Grabe! ang ganda pala niya talaga ano.Walang sinabi si Carmina sa Asawa ni Boss.Para itong artista,Sana all maganda at sexy!" "Oo nga e,nakakatumboy naman ang asawa ni Boss,Hayop sa katawan at kinis." Ilan lamang 'yan sa narinig kong mga komento ng mga empleyado ni Kenjie.Kaya naman lalo akong nagkaroon ng self-confidence.At ngayong araw matitikman ng Carmina na 'yon ang bagsik ko.Tingnan ko lang kung hindi pa aalis sa kompanya ng Asawa ko ang babaeng iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD