kabanata 4

1478 Words
Phoebe POV "Asan na kaya ang lalaking 'yun? " Tanong ko sa aking sarili habang nakasilip sa aming bintana dito sa kwarto.Kanina ko pa kasi tinatawagan si Kenjie at hindi nito sinasagot ang tawag ko.Nag aalala na ako sa asawa ko,kung bakit kasi umiral ang pagiging selosa ko.Bigla nag-ring ang cellphone ko at dalian ko ito sinagot ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. "Hello,Asawa ko.Sorry na ka-" "Aba! Teka! Don't tell me nag away kayo ni Kenjie?." Napasimangot ako ng marinig ang boses ng kaibigan kung si Lara Monde.Elementary pa lamang kami ay kami na ang solid na magkaibigan na walang iwanan.Dahil nga sa wala akong kapatid na babae kaya ito na ang itinuring kung kapatid na babae. "Hay! Naku! Ikaw pala 'yan Lara.Bakit ka napatawag ng ganitong oras?" Wika ko kay Lara,Sana wag na itong mangulit pa sa akin about sa maliit namin na tampuhan ni Kenjie.Baka pag nalaman pa nito ang kagagahan na ginawa ko masirmunan pa ako nito. "Oo! ako nga! Anong nangyari sa inyo ng Asawa mo? Nag away ba kayo? Ano naman dahilan? Ikaw talaga Phoebe!,Ano nanaman ka baliwan ang ginawa mo huh!" Sunod sunod na tanong ni Lara,sinasabi ko na nga ba hindi ako nito tatantanan.Magtatanong at magtatanong pa rin ito tungkol sa pag aaway namin mag asawa.Kaya naman wala na rin ako. nagawa kundi ang sabihin dito ang naging dahilan ng pag aaway namin ni Kenjie. Total kapatid na ang turing ko dito at halos lahat na ata ng lihim at buong pagkatao ko ay alam na alam na na nito.Kaya alam kung magsinungaling man ako hindi pa rin ito maniniwala sa akin.Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. "Ano napapabuntong hininga ka pa babae ka!Ano na nga kasi!, ang tagal naman magkwento nito eh." Reklamo ni Lara sa kabilang linya,kahit kailan talaga ang isang ito lagi na lamang atat hindi talaga marunong makapag hintay.Kung ako'y mahaba ang pasensya kabaliktaran naman 'yun ni Lara.Mainitin ang ulo nito at laging handa makipag sambunutan o makipagbasagan ng mukha pag may kumanti sa kanya o kaya ay sa akin.Malambing din ito at ubod ng sexy at ganda.Hindi nalalayo ang itsura namin kaya naman mas madalas na napagkakamalan kaming magkapatid. "Oo na! Atat ka na naman babae ka!" Naiinis kung wika kay Lara na kinabuntong hininga pa nito, na akala mo naman ay inip na inip na kakaintay.Hindi talaga ito marunong mag intay isang bagay na kinaiinisan ko sa kaibigan kong ito 'yun ay ang pagiging mainipin nito. "So,Ayon nga nagtampo si Kenjie, pinagbintangan ko kasing nambabae e! " Hindi pa ako tapos magkwento pero ang O.A na agad ng reaction ng bestfriend kong si Lara. "Pwede ba Lara! Patapusin mo muna ako okey!" Naiinis kung wika kay Lara, na buti naman at kumalma agad sa pagiging O.A ipinaliwanag ko dito ang lahat nang nangyari,At himala na bigla itong tumahimik. "Hello,Lara ano nand'yan ka pa ba? " Wika ko muli kay Lara,na tinuklaw na ata ng ahas sa kinaroroonan niya. "Haist, hindi lang kasi ako makapaniwala sa kagagahan mong taglay.Ang bait bait ng asawa mo tapos pag iisipan mo pa ng ganoon.Ano ka ba Phoebe?,sure akong hindi ka lolokohin ni Ken-" Bigla nanaman itong tumigil sa pagsasalita na kinakunot ng noo ko. "Ano na nawala ka na naman babae ka." Maya maya pa muli itong nagsalita at ngayon naman ay pabulong ito magsalita na halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya. "Ano ba Lara! Ako naiinis na sayo huh!",Ano?! Seryoso ka bang babae ka?! Lara, wag mo akong mabiro biro ng ganyan huh.Hindi magagawa ng Asawa ko 'yang sinasabi mo." Bigla bumilis ang t***k ng puso ko kasabay ng pag init ng mukha ko.Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko sa sinasabi ngayon ni Lara. "Totoo ang sinasabi ko Phoebe,Gago itong asawa mo! Ahy naku! Pag ako hindi makapag pigil susugurin ko na itong Asawa mong salawahan kasama ng babae niya.OMG!!!" Gusto kung maiyak sa sinasabi ngayon ni Lara sa akin.Bigla itong nag request ng videocall kaya agad kung binuksan ang videocall nito at ganoon na lamang ang panlulumo ko nang makitang may kahalikang ibang babae ang Asawa kung si Kenjie.At hindi ako maaring magkamali ang secretary nito ang kahalikan nito.Unti unting bumagsak ang mga luha ko. "Hoy! Gaga ka! Huwag kang umiyak iyak diyan noh! Pumunta ka dito at sugurin natin ang mga hayop na ito." Napaupo ako bigla dahil bigla na lamang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko.Hindi pa rin ako makapaniwala na Ginagago talaga ako ng asawa ko.Siya siguro talaga ang katalik ng secretary nito nung tumawag ako dito.Bakit nagawa ako nitong lokohin at nagawa din nitong magsinungaling sa akin.Wala na ako nagawa kundi ang humagulhol ng iyak.Habang imik ng imik si Lara,Puro mura ang lumalabas sa bibig nito.Maya maya pa nakita ko itong nag ayos ng kanyang suot na Dress at akmang pupuntahan ang pwesto nila Kenjie kasama ang pinsan nitong si Kenzo at iba pang barkada nila.Nasa isang sikat na bar ngayon si Lara kasama ang mga ka officemate nito.At ang magaling kung asawa ay nandoon din pala. "Lara please! huwag muna silang sugurin.Ako nang nagmamakaawa sayo! PLEASE LARA!" Sigaw ko dito.Kita ko ang gulat sa mukha ni Lara kaya naman napaupo muli ito.At bumuntong hininga.Ako naman ay patuloy lamang sa pag iyak. "P-pero Bes! Niloloko ka ng hayop mong asawa! Ano ka ba! Tutunganga ka na lang ba d'yan.!" Wika ni Lara,umiling iling ako habang patuloy sa pagsasalita si Lara.Ayaw ko nang gulo at ayaw kung magkahiwalay kami ni Kenjie nang dahil lamang sa isang babaeng mas makati pa sa hikad.Magpapanggap akong walang nakita,gusto kung maging okey pa rin kami ng Asawa ko.At naniniwala akong mahal ako ni Kenjie marahil lasing lamang ito at ang babaeng iyon ang gumawa ng unang move. "Ano na Phoebe? Kanina pa ako imik ng imik dito sabihan mo lang ako susugurin ko talaga itong gongong mong asawa." Muli akong napatingin sa screen ng aking cellphone nakita kong napapaiyak na din ang bestfriend kong si Lara na kanina lamang ay puro mura ang namumutawi sa kanyang bibig. "Okey lang ako Bes,wag muna silang sugurin.Alam kong nilandi lamang ng babaeng hikad na 'yan ang asawa ko.Naniniwala akong hindi magagawa ni Kenjie sa akin 'yang ganyang bagay." Pinahid ko ang natitirang luha sa aking pisngi.At nakataas naman ang kilay ni Lara habang pinagmamasdan lamang ako nito. "Ohh,Teka.Paalis na sila Bes, kasama ang babaeng hikad na 'yun" Tiningnan ko ang camera ni lara nakatutuk iyon kay Kenjie,na ngayon ay nakaakbay sa secretary niyang hikad.Hanggang sa makalabas ang mga ito,ayaw ko mang isipin pero mukhang alam ko na kung saan ang deretso ng mga ito.At parang gusto ko na naman umiyak sa isipan na may ibang nakakatalik ang lalaking mahal na mahal ko.Hanggang sa hindi ko nanaman mapigilan ang aking mga luha sa paglalandas sa aking pisngi. "Tumigil ka na nga Phoebe,Iyak ka ng iyak d'yan.Alam mo kausapin mo 'yang magaling mong asawa huh! Isumbong mo sa mga biyanan mo ng mapagsabihan nila.Hay naku! Phoebe baka matagal ng may relasyon ang dalawang iyon." "Ayaw kung lumaki pa ang simpleng problema namin mag asawa.Isa pa ayaw ko sumama ang tingin ng inlaws ko sa asawa ko.Kahit anak nila si Kenjie alam mo naman kung ano kayang gawin ni Daddy Rafael sa anak niya." Oras na malaman ng mga magulang ni Kenjie ang ginagawa nito.Paniguradong hindi lamang suntok ang aabutin ng asawa ko sa mismong Daddy niya.Baka bawiin pa nito ang kompanyang pinamana na nito kay Kenjie.Isang bagay na ayaw mangyari ni Kenjie.Ayaw nito mapunta lamang ang pamamahala ng kompanya nila kung kanino pinsan niya lamang.At alam ko rin kung gaano kamahal ng Asawa ko ang kompanyang pinamana ng kanyang Ama sa kanya. Kaya nga nang hilingin nitong pumasok ako bilang secretary sa isa pang mas malaking kompanya ay pumayag ako dahil gusto nitong makakuha pa ako ng ibang idea sa pagpapalago ng isang malaking kompanya. kaya sinabihan ako nito noong una pa lang na pumasok ako sa kompanya kung saan ako ngayon pumapasok.Pero kinalaunan gusto na ako nitong patigilin sa pagtatrabaho.At sa bahay na nga lang daw ako magstay. Pero dahil nagustuhan ko na sa kompanya ni Sir Oliver pinilit ko na lamang si Kenjie na hayaan ako.Kahit na ayaw na ayaw na nito akong papasukin sa kompanya ni Sir Oliver. "Ay,Naku! Ewan! Bahala ka nga sa gusto mo Phoebe.Alam mo bang ako ang mas nasasaktan pag nakikita kita umiiyak.Gago kasi 'yang Kenjie na 'yan. Sarap sipain sa ano niya-" "Pagsinipa mo ang ano niya.Baka hindi na kami magkaanak niyan.Pwede ba sa mukha mo na lamang suntukin." Wika ko kay Lara na napaawang pa ang bibig sa pagkakasabi ko.Hindi siguro nito akalain na sa sitwasyon ko ngayon,ay magagawa ko pang magbiro." "Baliw ka talaga Phobe! Bahala ka na nga diyan!. " Ibinaba na nito ang tawag.At nasapo ko ang aking mukha.Ayaw ko na umiyak pero ito at tuloy pa rin sa pag bagsak ng mga luha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD