17

1568 Words
Pagkatapos tumungo ng tatlo sa hospital para sa check up ni Madeline. Habang naghihintay sila sa waiting area ay nagpaalam si Madeline, "Gutom ako, hanap muna ako ng makakain." Napangiti naman si Gaspard dahil pakiramdam niya ay nasa cloud 9 siya dahil masosolo nanaman niya ang binata. Mas galante siyang tingnan kumpara dito dahil naka suit and tie siya na lutang na lutang ang kanyang kagwapuhan at kakisigan kumpara kay Ivan na nakapurontong at tsinelas lang kaya mga mata ng babae ay sa kanya madalas nagningning. Di lang nila alam na patay na patay ito sa katabi. Napatingin naman siya sa nagbubukolan na pantalon ng binata, kaya napatanong ito ng pabulong kay Ivan, "Pre, ilang inch ba yan karga mo?" Nagtaka naman si Ivan, "Ano ibig mong sabihin." Inginuso naman ni Gaspard ang ibaba nito na kinagulat ng binata, "Hindi ko alam. Pati ba naman yan sinusukat?" "Dapat alam mo. May ruler naman. Kung gusto mo, ako na lang ang sumukat niyan so it wouldn't bother you. Katabi lang natin ang CR," anas ni Gaspard sabay kindat. Biglang nagulat na lang sila nang sinigawan at inasar sila ng tatlong bata nakaupo sa harapan nila, "Aaah ha ha! Bakla bakla bakla." Nasira nqman ang mood ni Gaspard kaya umikot ang itim sa kanyang mga mata at pinandilatan ang mga bata at tinakot, "Kayo, pag di kayo nagsisitigil dyan. Dadalawin kayo ni babadok mamayang gabi at pipitikin bawat itlog niyo dyan mga shota kayo!" Natakot naman ang mga bata at tumakbo papalayo sa kanila. "Mga walang hiyang vwacana," sigaw ni Gaspard matapos ay ibinaling muli ang attensyon sa binata. "So, let's start na?" Nainis naman pailalim si Ivan, "Hindi ako isa sa mga lalake mo. Nakwento na sa akin ni Madeline lahat. Na isa kang bakla!" Biglang tinigasan naman ni Gaspard ang boses at pangangatawan niya, "Pre naman? Seryoso ka ba? Ako bakla? Eh nag jugjugan nga kami at nakabuo ng bestfriend mo tapos sasabihan mo akong baklang. Impossible naman pre. Kailan mo ba gusto magparehistro sa gym ko pre. Para masukat natin yang tinatago mong anaconda dyan?" "Bakit? Pati ba naman sa pagsali nang gym kailangan pang malaman kung gaanu kahaba ang ari ng isang lalake?" "Oo naman. Bakit hindi, lalake naman tayo. Dapat nagpapakitaan din kasi may open shower sa gym. Alam mo ba pre, nagulat na lang kami nang may isinama kami sa team namin sa jiu jutsi! Kasi jutay kaya napagtawanan hanggang sa nilayasan kami kaya requirements talaga sa bawat gym ang pennis size, pre! Payo at Usapang lalake lang." Biglang umusok ang ilong ni Ivan at biglaan din niyang kinuwelyuhan si Gaspard. "Alam mo Ranz, silahis ka! Nakakadiri ka talaga. Hindi ko alam ano nangyari sa'yo at nasisiraan ka na talaga ng bait! Hindi mo ba naalala kung paanu mo ako tinraydor at tinuring kita best bestfriend ko tapos iginanti mo lang sa akin ay agawin mo pa pinakamamahal kong babae at binuntis tapos ngayon, pinagnanasaan mo nanaman na itong tit* ko," sigaw nito habang nanlilisik ang mga mata na kulang na lang ay suntokin niya si Gaspard. "Pre naman, chill! I don't know whatchu talkin about. Joke lang sa d**k size at bitawan mo ko. Calm ya t**s bro." Agad naman binitawan ni Ivan ang kuwelo nito at huminga ng malalim at napapikit para alisin ang galit sa katawan. "Pre, you don't have to worry. Sa'yong sa'yo na si Madeline. Kainin mo na siya. Lamunin mo pa, ako, handa ko lamunin mga minions mo pag nilabasan ka ng mala-seahorse na lalakeng nanganganak sa deep blue ocean wide, hehehe." Nang pandidilatan at sasapakin na siya ni Ivan sa sinabi niya ay tamang tama na andon na si Madeline na nagtataka ano ginagawa ng dalawa na nakaangat ang kamao ni Ivan papunta sa mukha ni Gaspard. "Ivan, ano to? Ano ginagawa mo sa asawa ko?" Nainis naman si Ivan at ibinaba ang kamay at nanghingi ng patawad sa itaas matapos mag krus habang nakangiti naman s Gaspard. Hindi nasagot ni Ivan dahil tinawag na silang tatlo ng nurse para pumasok sa loob ng kwarto ng obygini doctor. ~~~ "Hija, sino ang ama ng dinadala mo sa kanilang dalawa." Nang sasagutin na ni Madeline ang tanong ng doctora ay biglang sinupalpalan at inunahan na siya ni Gaspard, "Siya po ang ama. I am just her tiyohin." Bigla naman sumingit ang nurse ng doctor, "Ibigsabihin single ka pa?" Sabay pa cute pa nito at sinabit ang bangs sa tenga at nag beautiful eyes. "Single ako pero hindi ako pumapatol sa babaeng mukhang kumakain ng buhay na manok sa perya," pangiinsultong inis na sagot ni Gaspard na nagbigay ng malaking pagkabigo sa itsura ng babaeng nurse. "Itigil mo yan Gaspard. Wag ka namamatol ng babae. Doc, ako po ang ama ng dinadala niya kaya maaari niyo nang umpisahan ang ultrasound para malaman na ang kasarian ng anak ko." Nanlaki naman ang mga mata ni Madeline matapos ng mabilisan pagpapanggap at pagresponde ni Ivan sa kanya. Kinindatan niya ito dahil nahalata niya sa itsura ng dalaga kung paanu din ito nanlumo matapos ng pagsisinungaling ni Gaspard na tila kinakahiya ang anak sa sinapupunan nito. "Ok, good. Hija, kailan ka ba huling nagpa-check up." "Sa katunanayan po doctora, noong 2 months pa dahil sa dalawang beses na ako muntikan mabinat pero okay naman ang bata sa awa naman ng diyos." Ngumiti naman ang doctora at hinawakan ito sa kamay, "It just means that the baby is born to be alive. Just be too much careful kasi maselang ka pala magbuntis. Sige na at humiga ka na doon para maalalayan ka ng nurse ko." "So exzooted! Sana girl para maayusan ko na parang barbie doll." Napatingin naman sila sa pambabasag ingay na sabi ni Gaspard. Hanggang sa natahimik siya matapos makita silang nakatitig sa kanya. Matapos humiga ni Madeline at kinumotan para i-ultrasound. "Maganda ang heartbeat niya. Everything is fine and normal." Titig naman ang dalawang lalake sa ginagawa sa kanya ng doctor. "5 months na siya kaya ang gender ng anak ninyo ni mister ay lalake." Sumingit ng pasigaw si Gaspard, "Pwede pakiulit. Tingnan niyo mabuti sa ultrasound oh! Mukhang flat na pukelya iyong nasa ibaba ng fetus." "Gaspard, bakit parang mas magaling ka pa sa doctor," inis na hayag ni Ivan. "Pwet po yan nung bata. Ito iyong kanyang ari. Tingnan mo, parang straight line which means it's a boy." Tumawa naman silang lahat sabay inasar si Gaspard. Paglabas na paglabas nila doon ay agad naman nagpaalam sa kanila si Ivan, "Sige na Madeline, kailangan ko nang umalis. May trabaho pa ako. Gaspard, kaw na bahala sa asawa mo." "Ok, wala bang kiss bago mag good bye," ngisi ni Gaspard kay Ivan sabay nagsesenyas na ngumunguso. Nagulat na lang siya nang biglang nakawan ng halik ni Ivan ay si Madeline sa labi. Hindi maintindihan ni Gaspard na parang may kumurot sa kanyang puso. Ang alam lang niya ay infatuation lang ang feelings niya kay Ivan pero bakit bigla siya nasaktan nang halikan nito si Madeline. Pati si Madeline ay gulat at napahawak sa labi na parang na freeze. "Paalam, sapakin mo si Gaspard. Siya nag utos na halikan daw kita bago ako umalis," pangaasar ni Ivan kay Madeline sabay kinindatan ito at umalis. Nang naglaho na ito ay muling nagsalita si Gaspard, "Sana nag alert kayo sakin mga shota kayo bago kayo magtukaan sa harap ko. Zero love life ako ngayern tas nagpapa-inggit pa kayo mga vwacana b***h kayo." Nagmadali naman iniwan ni Gaspard si Madeline at naglakad ng mabilis kaya hinabol siya ni Madeline upang sundan dahil sa kanya ito sasakay. Nang nasa parking lot na sila ay halos hingal na hingal si Madeline dahil sa imbes na buntis ito ay halos habulin niya sa paglalakad si Gaspard dahil sa mukhang galit ito sa kanya. Pagkasakay nila sa kotse... "Ano ba problema mo Ranz." "Ewan ko sa'yo. Nagpapalandi ka kasi dyan kay Ivan. Sa harapan ko pa. Alam mo naman na may gus...." Di natuloy ang pagsasalita ni Gaspard nang bigla din siyang halikan ni Madeline. Hindi niya alam bakit parang tinamaan siya ng isang daang boltahe sa katawan matapos magkadikit ang labi nila. Ngunit mabilis din kumawala ang labi ni Madeline. Hindi mapalagay si Gaspard sa mabilisang halik na iyon, sa katunayan ay mas gusto niya damahin ng matagal ang labi nito na tila kay lambot at bango kung kakagatin at explore. Walang sapilitan na hindi niya maintindihan ang sarili bakit para siyang lumutang kumpara noong pinupugpog siya ng halik ni Regina. "Ayan, masaya ka na? Inilipat ko sa'yo ang halik ni Ivan? Na alam ko naman na may gusto ka sa kanya? Diba tama ako? Mahal kong baklang asawa," Inis ni Madeline pagkatapos manulo ang luha niya. Gusto din niyang patagalin ang halik na iyon na matagal na niyang miss na miss sa asawa. Ang problema ay takot siyang magalit ulit ito sa kanya dahil tanggap na niyang bakla ang asawa niya pero minsan hindi niya maiwasan na manumbalik lagi ang mga alaala ni Gaspard bilang Ranz na kilala niyang tanging lalake na nagpakita ng tunay pagibig at tanging lalake na kanyang tunay na minahal. Naawa naman si Gaspard at kinuha ang tubig sa backseat at iniabot sa asawa, "Okay ghorl. Tama na ang eklavung drama! Inom ka muna. Kasi naaawa ako sa'yo para kang aso na lawit na lawit ang dila sa pagod. Baka magka-spotting ka nanaman at isumbong mo nanaman ako kina ma at pa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD