Pagkauwi nila Gaspard at Madeline. Hindi nagpahalata si Gaspard na medyo may naramdamang siyang iba simula nang matanggap ang mainit na halik ng kanyang asawa. Kaya naman dumating silang matamlay si Madeline. Lalo na't wala man lang reaksyon o interest na pinakita si Gaspard sa pinagbubuntis nito. Inisip na lang ni Madeline na malamang ay hindi talaga nito gusto ang kasarian ng kanilang baby. Kaya naman ay malungkot na lang niyang hinayaan ang pagwalang bahala ng kanyang asawa.
Ngunit sa kalauna'y nagbago si Gaspard. Dahil lagi ito nagpapaluto kay Madeline ng Tinola dahil gustong gusto nito ang Tinola ni Madeline. Tila hindi niya matiis at maitanggi ang lasa nito.
Nang isang araw, habang nagmamadali si Gaspard pumasok sa kanyang opisina dahil late na sa kanyang trabaho.
"Gaspard, tapos na itong niluto kong tinola. Kain muna tayo."
"Sorry bakling, busy akech! wala na me oras. Babush!" Parang hinahabol nang aso si Gaspard na diretsong lumabas sa condo matapos magpaalam sa asawa.
Bumigat naman ang dibdib ni Madeline, dahil unang beses na hindi nito pinansin ang tinola niya. Bigla na lang tumulo luha niya, "Gaspard, bakit mo naman hindi kinain niluto ko. Kahit doon lang ay masaya na akong nakakasama ka kumain ng sabay. Doon pa lang gumagaan na loob ko na parang nanunumbalik ang dating ikaw pero bakit parang muling dinudurog muli ang puso ko. Hanggang kailan ako magtitiis. Siguro, may bago ka nanaman kinababaliwang lalake sa opisina ninyo o sa gym mo na parang niwawalang bahala mo nanaman ako."
Inilagay na lang ni Madeline ang tinola sa loob ng tupperware at inilagay sa ref matapos ay naghanda na din siya para pumasok sa kolehiyo.
Habang sa opisina naman. kasadsagan ang pagtatrabaho ni Gaspard ay bigla niyang parang naramdaman ang masarap nitong tinola sa kanyang bibig at naamoy. Agad siya napasandal sa kanyang swivel chair at napaliyad matapos hilotin ang ulo. Hindi niya alam anong mahika ang mayron ang luto ni Madeline. Parang hinahanap hanap niya at adik na siya sa luto nito.
Nainis siya kaya dumayal na lang siya sa telepono, "Hello, tanders na bakla! Pabili ng tinola."
"Jokla ka? Seryoso? Shota!?"
"Yas mama! Dali!"
"Akala me, allergic ka sa mga..." Hindi na pinatapos ni Gaspard at ibinaba na niya ang telepono.
Agad siya napangiti ng maalala ang dahilan ng paghalik sa kanya ng asawa. Hindi niya maintindihan kung kinikilig ba siya dahil kay Madeline o dahil galing iyon kay Ivan.
Hanggang sa kinatok na ng ibang teaboy ang pinto ng kanyang opisina.
"Come in bitches."
"Where is your head? Si Tanders na Filimon."
"Boss, madami pinapagawa tatay niyo sa kanya. Kaya pinadala na lang po niya itong tinola ninyo."
"Now, leave it in my table and you may leave."
Agad naman siyang sinunod ng teaboy. Bigla siyang nanggigil na buksan ang supot at agad tinikman ang tinola na inorder pa sa mamahaling restaurant.
Hanggang sa nainis siya dahil hindi niya ito nagustohan. Tinaguriang pang best tinola iyon sa buong manila pero naisuka ng kanyang dila at nangasim ang kanyang mukha.
Hindi niya lubos maisipan na walang wala ito sa putaheng tinola ng kanyang asawa. Tinawagan na lang niya mga teaboy. Tatlong teaboy ang dumating.
"Now you three shtheads are here. Be honest with me at makakatanggap kayo ng bonus. Tikman niyo itong tinola which tanders Filimon bought. Be honest with your feedback."
Muling sumunod ang tatlong teaboy at pare-pareho sila ng sinabi patungkol sa lasa ng tinola na binili ni Filimon. Sobrang sarap daw kaya di maintindihan ni Gaspard bakit hindi siya nasasarapan. Ibinigay na lang niya ito sa tatlo.
Ibinagsak naman niya kanyang katawan sa swivel chair at napapikit. Tumutunog na ang kanyang kalamnan. Pakiramdam niya ay naglilihi din siya dahil tila wala siyang ganang kumain at gusto lang kainin ay ang lutong tinola ng kanyang asawa.
Alam niya kung ano schedule nito sa kolehiyo pero gusto niya ito tawagan at isturbohin. Para lang sa tinola. Hindi siya nakapagtiis at na-dayal niya ang number ni Madeline.
"Hello, Madeline. May school ka ba ngayon?"
Natuwa naman si Madeline matapos matanggap ang call ng asawa. Kakatapos lang ng subject niya, "Kakatapos lang. Bakit? May lakad ba tayo?"
"Wala naman. Ganito kasi iyon eh, nagustohan ng teaboy ko iyong tinola mo."
"Huh? Paanu? Diba wala pa sa mga katrabaho mo ang bumisita sa bahay para matikman iyon." Pagtataka ni Madeline.
"I mean noong isang araw. Iyong kalaplapan ko sa gym na daks. He tasted those juices of tinola in mah mouth! That's why he was requesting na kung pwede. Magdala ka ng tinola mo here! Dali na!"
"Sigurardo ka? Baka naman ikaw ang may gusto ng niluto ko." Kinilig si Madeline matapos niya iyon tanungin at halos magkulay pula ang mukha habang kausap ang asawa kaya natatawa si Luningning na katabi niyang nakaupo.
"Oo na, sige na! I love your tinola much! If may gayuma siya. P*tang ina ka! Kung wala. Hindi ka p*tang ina. Now hurry at dalhin mo na dito sa office kasi nagswimming na mga bulate me sa tyan."
Pagkatapos maibaba ni Gaspard ang cellphone ay parang niliyaban ang pwet ni Madeline at nagmadaling tumakbo at iniwan ang kaibigan.
Kahit masikip ay nakipag agawan pa rin siya ng mauupuan sa jeep makarating lang sa bahay.
Pagkarating niya sa condo ay agad niyang inilabas ang tinola sa ref at pinakuluan. Matapos ay inilagay sa tupperware at isinara ng mabuti at inilagay sa plastic.
Kahit pagod na pagod siya sa kakatakbo at pawisan ay tila hindi niya iyon naramdaman dahil sa sayang nadarama matapos niya marinig iyon sa asawa.
Walang pahi-pahinga ay dumiretso na siya sa malaking building ng Loyola Incorporation. Kahit nakasuot pa ng uniporme pang kolehiyo ay hindi niya ito pinansin. Kahit magulo pa ang buhok niya at sing gulo ng buhay ng kanyang buhay pag-ibig ay ayos lang. basta lang maihatid niya ang tinola ni Gaspard. Hindi man lang niya tinirhan ang sarili at hindi nakakain ng lunch. Basta lang makakakain ang kanyang asawa.
Pagkarating niya sa mga receptionist at iba makatingin sa kanya ang mga ito ay hindi niya pinansin. Nagtanong na siya sa ang mga ito.
"Mawalang galang, pwede magtanong saan opisina ni Gaspard. Pupunta kasi sana ako kaso wala iyong kaibigan ko. Gusto ko sana magpasama. Kasi ako iyong asawa niya."
Muli siya tiningnan ng receptionist na babae at isang bakla mula ulo hanggang paa at sumabog ang kanilang tawa.
"Excuse me, seryoso? Tingnan mo nga sarili mo? No, we can't allow you. Hindi kami naniniwala na kayo ang asawa niya. Tsaka hindi siya nagpapapasok ng sino man. Lalake lang na gwapo at bawal na daw ang babae."
Biglang dumating si Filimon at sumingit, "Hoy! Mga bwiset na Marisol at Marites, yan talaga ang asawa ni President Gaspard. Look at her tummy naman. Naiyot na niya iyan! Diyos ko! Kaloka kayo. Oh ikaw?"
Napatanga naman si Madeline at napasagot sa matandang bakla, "Ako po?"
"Ay! Hindi," sarkastiko ng matanda.
"Sige po. Ako nga."
"Bakit ba ganyan ang ayos mo? Gusto mo ba na samahan kita? Kaso tisay, may surprise meeting siya ngayon. Pero kung gusto mo. Dalhin ko na yang tinola na yan sa kanya kasi na shookt ako bb! Hindi yan mahilig sa ganyan pagkain at itinapon mga pina-order pero sa'yo, ano ba gayuma ang hinahalo mo. Babayaran kita kahit 1000 pesos?" Taas kilay nitong tanong kay Madeline.
"Wala po akong hinahalo. Saksi ang diyos, pero kaisa-isa itong itinuro ng inay ko sa akin. Kasi paborito daw na sangkap ito ni itay. Kung busy pa po siya. Uuwi na lang ako at iwanan ko na lang ito sa kanya kasi gutom na ako. Mahirap magpagutom kasi buntis ako."
Nanlaki naman ang mata ni Filimon, "Naku! Bata ka, hindi ka pa pala nakakatanghalian. Sige na, uwi ka na kasi bawal magpagutom ang juntis, tisay."
Ngumiti naman si Madeline at umalis na lang na malungkot ang mukha samantala nagpatuloy na nakipag chismisan na lang ni Filimon sa mga receptionist.
Pagkatapos ng mahalagang meeting ni Gaspard. Mabigat ang problema niya dahil bumababa ang sale reports nila. Kaya kailangan niya maghanap ng ibang kumpanya sa ibang bansa. Pagkarating niya sa opisina niya at nanlulumo ang mukha ay tila napalitan ito ng pagniningning matapos makita ang nakalagay na tinolang gawa ni Madeline.
Parang may spring ang kanyang mga paa na nagmadaling umupo sa kanyang swivel chair at parang matabang batang matakaw kung kainin ang tinola with rice ni Madeline.
~~~~
Lumipas muli ang dalawang buwan. Pitong buwan nang buntis si Madeline kaya malaki na ang kanyang tyan.
Medyo sila naging malapit na magkaibigan ni Gaspard dahil sa tinola at wala pa din napupusuan si Gaspard na lalake kaya wala siya nadadala sa condo na kinasanhi ng muling pagasa ni Madeline na maangkin muli nito ang puso niya.
*toktoktok*
Agad naman binuksan ito ni Gaspard. Magulo ang kanyang buhok at naka-bathrobe ng hello kitty at mukhang bagong gising pa ito na hindi maibuka-buka ang mata.
"Ano nanaman ba kailangan mong baklita ka! Can't you see the time ghorl! It's 5 pa in the morning." Sabay kamot nito sa ulo na iritang irita sa buntis na kaharap.
"Pasensya na Gaspard. Pero kailangan ko tulong mo. Dahil maliligo sana ako pero wala."
"Anong wala?" Agad naman siya nilagpasan nito at pumasok sa loob ng CR at pinaandar ang grepo at nagpatuloy ng pagsasalita, "Ghorl, may tubig naman? May shampoo, sabon at toothbrush."
Namula naman ang itsura ni Madeline, "Hindi yan ni Gaspard."
"So why do you have to wake me up this early?"
"Kasi male-late ako at need ko maligo pero...." nauutal pa rin si Madeline sa sasabihan at nagdadalawang isip na sabihan ang gustong sabihin.
"Pero ano? Gaga ka talaga, masasabunotan talaga kita pag di mo sinabi pagkatapos mo ko gisingin ng ganito kaaga. Hindi pa nakakita ng gintong bayag ng anghel ang mga manok ngayon kaya wala pang nagtititilaok na mga manok dahil sa ganito mo akong oras gisingan hinayupa kang bakling!!! ANO BA TALAGA GUSTO MO????"
Pumikit na lang si Madeline at itinuloy na lang ang sasabihin ng mabilis, "Gusto ko kasi Ranz na tulongan mo ako dahil wala tutulong sa akin na bunotin bolbol ko sa ibaba dahil malaki na tyan ko at hindi ko na makita. Iyon kasi nakita ko sa internet na madaling paraan na magpatulong sa asawa."
Biglang nag freeze si Gaspard ng limang minuto at pilit ma-sink in sa utak ang sinabi nito.
Hanggang sa hindi na makapaghintay si Madeline dahil bumibilis ang takbo ng oras at nang tatalikod na siya ay biglang may malamig na kamay na humawak sa kanyang balikat, "Ok, I'll do it."