Mabilis na tumawag ng pulis si Gaspard at ang staff niya at mabilis naman siya na respondehan. Sinabihan siya ng mga staff niya na dalhin na lang si Regina sa mental dahil sa parang nawala na din ito sa katinuan. Sa ka gwapuhanmat kakisigan kasi ni Gaspard ay talagang nakakabaliw na sabihing hindi siya straight kundi isa siyang binabae. Lahat kasi ng hahanapin katangian sa isang lalake ay nasa kanya, gwapo, matangkad, mayaman, matalino, makisig at matipuno ang katawan dahil hasa sa gym at malinis dahil hindi lalabas ng bahay hangga't hindi nakakapaghugas ng mukha, nakakaligo at lotion. Mabait din siya dahil madalang siyang mamigay ng charity sa mahihirap kada sahod. Kaya naman kahit sinong babae ay mababaliw talaga.
Madalas din naman niya magawan ng paraan para umiwas sa mga babae pag alam niyang may malalim na pagtingin sa kanya. Isang beses ay may ipinapatay pa siya dahil sa naging pyschopath na sa kabaliwan ito.
Habang si Madeline naman ay nakadamit na at nakaupo sa sofa kasama ang kanyang inlaw.
Biglang nag ring ang cellphone ni Sam.
"Naku baka si Gaspard na ito Madeline. Excited ka na ba magaral ulit?"
"Opo, medyo kinakabahan lang," sagot ni Madeline sabay lumabas ang kanyang dimples.
Nang kausapin ni Sam si Gaspard sa cellphone ay medyo nalungkot ang mukha at nag excuse muna sa dalaga dahil parang may mahalagang mensahe si Gaspard sa kanya kaya lumayo muna siya sa dalawa.
"Ate, paanu po ninyo nakilala si Gaspard?" Nagpabasag naman ng katahimikan ang pamangkin ni Gaspard na si Romi.
"Sa isang Isla. Isang lalake na pinagkamalan naming hulog ng langit kaya kinupkop namin ng ama ko," sagot naman sa kanya ni Madeline sabay nginitian ang batang babae.
Bigla na lang bumalik si Sam na hindi masaya ang mukha. Saka ito umupo't kinausap ng masinsinan si Madeline.
"Mads iha, pasensya na pero hindi daw makakarating dito si Gaspard. Baka din daw na hindi siya makauwi dito ng isang gabi kasi madami daw siya aasikasuhin na trabaho."
Pilit itinago ni Madeline ang malungkot na balita lalo na't pangalawang araw pa lang nilang kasal ay hindi siya sinipot nito.
"Ok lang po iyon. Naiintindihan ko naman."
"Wag ka nang malungkot. Kahit di mo naman sabihin ay alam ko na nasasaktan ka. Baka may malalim lang na dahilan bakit hindi makakauwi si Gaspard. Pero ganito na lang, dahil buntis ka at day off ko naman at walang pasok ang anak ko. Dito na lang kami matutulog ng isang araw para may kasama ka."
Pilit naman ngumiti ni Madeline. Dahil sa kailalim-ilaliman ng kalooban niya ay nasasaktan pa rin siya sa paglilisan sa kanya ni Gaspard ng hindi man lang niya alam kung totoo mga dahilan ng asawa.
"Sige po, wala pong problema."
"Bukas din, kami na ang sasama sa iyo na mag enroll sa university. Don't worry, alam ko kung saan iyon at alam ko din kung ano ang kurso na papakuha sayo ng kapatid ko."
Medyo gumaan naman ang loob ni Madeline at pilit humingi ng pasensya si Sam sa kanya dahil sa kapalpakan ng kapatid.
Nang sumapit ang umaga ay naranasan ni Madeline ang matinding morning sickness dahil pag gising na pag gising niya ay napatakbo na lang siya sa banyo para magsuka.
Hindi naman nagkulang si Sam at kahit kakagising din ay inalalayan at ginabayan ito.
"I am sorry for my brother. Dapat siya ang nasa tabi mo ngayon naglilihi ka. Mahirap talaga yan kaya tiisin mo. Lahat ng kababaehan dumadaan sa ganyan."
Ngumiti muli si Madeline para ipakita sa kanyang in law na matatag siya kahit sa kaloob looban niya ay parang dinudurog ang kanyang puso. Gustong gusto niya makapilimg ang asawa niya sa araw ng paglilihi niya ngunit tila wala itong pakealam sa kanyang nararamdaman.
Nilaan na lang niya ang lahat sa pagluluto ng tinola. Sinamahan naman siya ni Romi kaya natutuwa siya't kahit laking mayaman sila ay pinalaki sila ng hindi maarte sa gawaing bahay. Lalo na si Romi na kahit sa edad na sampo ay tila sanay na ito sa mga gawaing bahay at magaling pa magluto at fast learner.
Nang tikman na nila ang tinolang niluto nito ay gulat na gulat sila.
"Wow! Sarap naman nito Madeline. Saan ka natuto magluto," ngiting pagtatanong ni Sam.
"Sa itay ko ho. Tsaka ito madalas ko lutuin dahil paboritong paborito ito ng kapatid mo."
Natawa naman si Sam, "Ang suwerte naman ni Gaspard at nakapagasawa siya ng gaya mo na maganda na nga ay magaling pa magluto. Ang alam ko hindi kumakain ng ganito si Gaspard, iyong lutong probensya pero salamat naman at mukhang nababago mo ang panlasa niya noon. I must admit ang sarap ng luto mo, perfect chef. Sayang at wala siya dito."
Matapos nilang kumain ay inihatid na niya ang dalaga sa university para mag enroll.
Ngunit pagsapit ng gabi ay saka nagsimula na ang malamig na gabi ni Madeline pagkatapos na siya iwan ng kanyang inlaw. Humingi sila ng pasensya ngunit iniwan nila ang malaking portrait wedding nina Madeline at Gaspard sa condo.
Habang sinasabit ito ni Madeline sa pader para takan ang malaking nakasabit din na agreement contract nila at pinagmasdan nang hindi namalayan pumapatak nanaman ng sunod sunod ang kanyang mga luha.
Ramdam na ramdam niya ang pagiisa sa condo at panlalamig. Madalas pa siya maglihi. Tinuruan naman siya ni Sam gumamit ng cellphone kaya masaya siya na araw araw ay tinatawagan siya nito upang kamustahin.
Madalang din niya i-dial ang number ni Gaspard pero binababaan lang siya. Sabi naman ni Sam ay wag siya malungkot dahil hindi lang talaga minsan sumasagot ng unknown number si Gaspard.
Makatapos ng tatlong araw ng pangungulila sa asawa. Habang nanonood siya sa tv ay biglang may sumaksak ng susi sa pinto kaya natuwa siya't baka si Gaspard iyon.
Nang magbukas ang pinto ay hindi siya nagkamali. Ito nga ang asawa niya. Agad siya lumapit dito at niyakap niya ito hanggang sa lumayo si Gaspard na parang diring diri sa kanya.
"Huwag mo nga akong yakapin nakakadiri you."
"Huh, hindi kita maintindihan. Ang tagal mong nawala kaya namiss kita," paliwanag ni Madeline habang nanunulo kanyang mga luha.
Umupo naman si Gaspard sa sofa at medyo may tama ng amats ito dahil amoy chico, "Kayo talagang mga babae kayo. Ang kakati ninyo noh?, tumabi ka dyan gaga at dadaan ang boyfriend ko na si Ram."
Agad naman nagulat si Madeline nang nasa likod na pala niya matangkad din na lalake at makisig ang pangangatawan at medyo may itsura itsura din ng kaunti, "Excuse me miss, padaan ako."
Pagkatapos naman tumabi si Madeline habang hindi maalis ang mata sa asawa ay biglang lumapit si Ram kay Gaspard at sinunggaban ito ng halik hanggang sa maglaplapan pa silang dalawa sa harap ni Madeline na parang wala siya doon.
Hindi natiis ni Madeline at bumuhos ng tuloy tuloy ang luha sa kanyang mga nakikita. Naniniwala na siyang bakla nga talaga ang kaisa-isang lalake na minahal niya at sineryoso sa buong buhay niya kaya nagmadali niyang kinuha mga kanin at ulam na niluto niya para kainin na lang sa kanyang kwarto dahil paagresibo ng paagresibo ang dalawang lalakeng naglalampungan sa harapan niya dahil naghuhubad na sila nakahiga sa sofa na parang mga hayop sa panggigil sa isa't isa na hirap na magtiis.
Pagkatapos niya kumain ay humagolgol ulit saka hinimas ang kanyang tyan.
"Kaya natin ito anak. Pagsubok lang ito ng panginoon sa atin. Babalik din ang memorya ng papa mo at sasaya ulit tayong buo ang pamilya." Pinunasan niya ang kanyang mga luha lumabasa muli sa kanyang kwarto at bumaba para hugasan ang kanyang pinagkainan ng manindig ang kanya balahibo nang marinig ang yapak ng asawa.
Lumapit ito sa kanya, kaya pagtalikod niya ay nagulat siyang wala itong suot kundi ang tapis lang at nanulo pa ang malamantikang pawisang katawan na nakakapang akit at may hawak na tray na puno ng mga plato at baso na pinagkainan nila.
"Hugasan mo tong plato na pinagkainan namin. Starting today. Tuwing dinadala ko ang boyfriend ko. I want this condo to be clean and organize, got it ghorl?"
"Ranz, bakit pati ang pinagkainan ng boyfriend mo ay ako pa maghuhugas. Diba hindi naman yan nakasulat sa contract na pinirmahan ko."
Nainis naman si Gaspard at bigla niya binagsak ang isang plato't nabasag ito. Tinakot niya ang asawa, "For fucksake gaga! Never ever fcking call me Ranz. This is my house. This is my rules. I don't care about the contract. If you want to leave then leave. Easy as that. Madali lang naman gumawa ng divorce papers. Kahit ngayon, pwedeng pwede na tayo maghiwalay. That will be the best decision to be made."
Hindi napigilan ni Madeline at nanulo naman ang kanyang mga luha at tumungo ang ulo, "Sige, ikaw ang masusunod. Ayaw kasi kitang hiwalayan kaya titiisin ko na lang lahat. Nasasaktan lang ako na ang laki ng pinagbago mo. Nawala ka na nga ng tatlong araw tapos bumalik ka, ibang iba ka na. Ni hindi mo kinamusta kung ayos ako o maayos ang anak natin."
"I don't care. Wala ko pakealam sa dinadala mo. Kung hirap ka na sa pinagbubuntis mo or maybe youre just using it as an aliby or gamitin mo pa yang alas mo for me to stay with you then that will never happened. I am willing to pay you for abortion and divorce."
Hindi na nakapagpigil si Madeline at nasampal niya ang lalake at nagkaroon ng musika ang kanyang iyak sa pandinig nito pagkatapos tamaan ng konsensya si Gaspard sa mga nasabi niya.
Agad napatakbo na lang si Madeline papalayo kay Gaspard at nagkulong na lang ulit sa kwarto para doon ilabas ang nararamdamang sakit.