14

1496 Words
Umaga na pagkatapos magluto ni Madeline ng madaling araw ay tila may nagmamasid sa kanya kaya hinayaan na lang niya ito at dali-daling umakyat sa hagdan at kinain ang nilutong itlog at pancit canton. Pagkatapos ay natulog ulit. Nang 9 am ay nagising siya at pagkababa niya ay naabutan pa niya ang asawa na naka-suit and tie at handa na pumasok sa trabaho't kumakain sa dining area. Mas napangiti siya nang makita niya na nakaupo sa sofa sina Ivan at Luningning. "Oh, gising ka na pala. Tagal naghihintay sa'yo mga kaibigan mo. Aalis na ako dahil madami pang trabaho," anas ni Gaspard matapos tumayo at pumasok sa banyo upang magsipilyo. Umupo naman si Madeline sa sofa upang harapin ang mga kaibigan. "Naparito kayo, buti naman nahanap niyo ito." "Sinunod lang namin ang direksyon na sinabi mo tapos pagpasok namin dito sa building ay tinanong na namin pangalan niyong magasawa. Kaw, kamusta ka naman dito," anas ni Babalu. "Maayos lang naman ang kalagayan ko." "Sigurado ka, wag ka magsinungaling. Namamaga mata mo oh' kilala kita." Hindi naman makapagsalita si Madeline at tumungo nanaman ang ulo. "Naku! Bwiset na yan. Iyong asawa mong bakla noh?" Sumingit naman sa usapan si Ivan, "Pag ako napuno dyan sa asawa mong bakla. Pupuntahan ko talaga yan sa gym niya at makakatikim nanaman yan sa akin ng matinding suntok at sipa." Nagulat na lang silang tatlo nang may marinig silang bumababa sa hagdanan kaya natahimik sila. Si Ram iyon na nakasuot ng brief lang na bagong gising pero hubog na hubog ang katawan dahil sa gym. Umiwas na lang ng tingin si Luningning at pinakiusapan na lang ni Madeline na doon muna ang mga kaibigan sa kwarto niya dahil sa halos hubad na ang katawan ni Ram sa harapan nila na walang hiya. Hindi nag atubili si Madeline na ikwento lahat ng mapapait na karanasan niya patungkol kay Gaspard at sa bagong boyfriend nito. "Alam mo langga! Wala ako tiwala sa itsura ng boyfriend ng asawa mo. Baka kung ano pa ang gawin niya sa'yo promise." "Hindi naman siguro. Alam naman din niya na asawa ako ni Gaspard kaya hindi niya kaya lokohin si Gaspard." "Kahit na, concern lang naman ako sa'yo. Just be careful. Iba kasi mga tingin niya hindi ko gusto," Pagaalala ni Luningning kay Madeline. "Uy! Late na ako sa school ko." "Sama ka na namin ni Ivan. Nag enroll din kami para sabay sabay tayo. May mga dreams din kaya kami." Nagulat naman si Madeline at na-touch sa ginawa ng mga kaibigan. "Saan kayo kumuha ng pang tuition eh mamahalin kaya iyong university natin." "Good question. Hindi mo ba alam na may ari ng university na iyon ay tiyuhin ng asawa mo. Kaya nang mag apply kami nina mama sa canteen. Pinayagan kami agad. Ganyan kalakas ang mga Loyola. Tapos sa pamamagitan nun ay scholar na ako. So libre pa tayo sa canteen kasi parang working student ako." Tumingin naman si Madeline kay Ivan, "Ikaw naman." "Nag volunteer ako na Janitor para maging scholar din sa school mo. Kaya sa umaga estudyante at sa gabi naman ay naglilinis." Napangiti naman si Madeline. Si Ivan ay mestiso at walang magulang pero dahil madiskarteng tao ay nabubuhay magisa. Natuwa siya at nagawan nanaman ng paraan ng binata para makasama siya muli. Kaibigan niya ang dalawa mula pagkabata. Ilang beses nanligaw si Ivan sa kanya ngunit tila nabulag siya sa kagandahang loob ni Gaspard noong may amnesia pa ito kaya binusted niya si Ivan at mas pinili si Gaspard. Pero hindi pa rin ito sumuko at andyan pa rin sa tabi niya at si Ivan rin ang tumulong upang mahanap niya muli si Gaspard. Ganun ka martyr ang lalake. Pagbaba nilang tatlo ay wala na doon si Ram kaya diretso na silang pumunta sa kolehiyo. Masaya si Madeline sa unang pasukan. First time niya makaranas na ganoon. Iba't ibang suot mga kababaehan at kalalakehan, magkakasama, maiingay, talagang iba sa probensya kanyang kinalakihan kung saan kausap lang niya ay ang hampas ng alon at hangin bumubulong sa kanyang taenga. Mabuti na lang at nandoon ang mga kaibigan niya. Kaya hindi siya magisa at inalalayan siya dahil sa buntis nga siya. Madami pa namang tarantado na nambabastos pero hindi umalma sa mga kaibigan niya. Pagkatapos ng mahabang experience niya sa kanyang first day of school. Masaya siya na gusto niya magkwento sa asawa pag uwi ng bahay. Ngunit pagpasok na pagpasok niya ay bigla siya napasigaw at napatakip sa mata pagkatapos niya datnan si Ram na dino-dogstyle ng kanyang asawa nakahubo ang dalawa. Sa sobrang takot niya ay napaluhod siya at nagsorry sa dalawa habang nakatakip ng notebook ang kanyang mga mata. Aminado siya na naakit siya sa pawisan katawan ng asawa pero hindi niya masikmurang nakasisid ang ano nito sa bahay ebs ng isang lalake. Nahinto naman sila sa pagtatalik. Kinuha ni Gaspard ang tuwalya at isinuot pantapis at nagsalita, "Sorry if we forgot to lock the door. Kaw kasi gaga! Wala man lang katok katok and just entering. Istupida! Ugh" Di nakapagpigil at tumakbo ng mabilis si Madeline sa hagdan hanggang sa matipalok ang kanyang mga paa at nadapa. Nagulat naman si Ram at naawa kaya nang lalapitan niya ito ay pinigilan siya ni Gaspard, "Don't touch her. Hayaan mong bumangon siya sa sarili niyang mga paa dahil malaki na siya." "But babe, she is pregnant." "I don't care." Nanulo naman at nanlaki mga mata ni Madeline nang makita niya may dugo sa pagitan ng hita niya. Mabuti na lang at tumunog ang cellphone niya sa kanyang bag dahil tumatawag si Ivan at sinagot niya ito agad. "Pupuntahan sana kita at nandito ako sa harapan ng pinto ng bahay mo para isauli sana sa iyo iyong hiniram ko na ballpen." "Ivan, dalhin mo ako sa hospital. Dinugo ako." Nanlaki mata ni Gaspard nang marinig niya iyon at hindi siya makapagsalita. Nabuksan naman ang pinto ng condo at nagmadaling tumakbo si Ivan papunta kay Madeline at binuhat ito't dali daling dinala sa hospital habang tulala lang sila pinapanood ni Gaspard at Ram. Nanatiling freezed ang utak ni Gaspard sa pangyayari na tila hirap siyang iprocess. Mabuti na lang at katabi lang ng dorm ang hospital na pagmamay-ari ng mga Loyola at nandoon mismo si Sam. Halos mangiyak ngiyak si Ivan habang pawisan buhat buhat ang babae. ~~~ Lumipas ang mga ilang oras. Nandoon na din si Gaspard, hindi kasama ang magulang dahil out of the country ang mga ito at paniguradong magagalit ito sa ginawa niya kaya minarapat niya din sabihin sa ate niya na wag na ipaalam sa magulang ang masalimoot na pangyayari. Naghihintay sila sa labas ng ER. Umalis na din muna si Ivan dahil sa may trabaho pa siya. Pagkalabas na pagkalabas ni Sam ay tumayo naman si Gaspard na sinalubong ito. "How is she ate Sam?" "Thank god she is now okay. We even did a little chit-chat." "How about the baby? Is it fine?" Napangiti naman si Sam at napatingin sa mga mata nitong nagaalala, "It seems your very concern of your own child." Napangiti naman si Gaspard at medyo nanubig ang kanyang mga mata, "Ate naman, youre so kalerky. I admit naman na that child is mine. Just like Ogie Diaz yarn. Nakonsensya ako bigla ate." Huminga naman ito ng malalim. "Hindi ka na pwede magalala. Your baby is okay. Malungkot lang ako na ikaw ang dahilan bakit muntikan na siyang makunan. Please, wag mo naman itulad si Madeline kay Regina. Malayong malayo sila. Alam ko na mabait na bata si Madeline. Napakamasunorin at masipag, maganda pa." Nanlaki naman ang mga mata ni Gaspard,"What did she tell you, then?" "Nag iba na daw ugali mo and you keep on letting her clean the house kaya natapilok sa may hagdan." Natungo naman ang ulo ni Gaspard sa hindi pagsabi ni Madeline ng katotohanan upang pagtakpan siya sa pagiging bakla niya. "Gaspard, iba si Madeline kumpara sa ibang girl bestfriend mo. She is not that wild at walang experience sa mga lalake dahil probensyana. Your lucky enough na hindi siya marunong manlalalake. Kasi kung ako talaga yan. Hahanap ako ng iba lalo na't nalaman ko bakla pala asawa ko at hindi mo na makikita ang bata." "Sorry ate, hindi ko lang talaga sinasadya ang mga pangyayari. Na trauma lang talaga ako sa ginawa sakin ni Regina, napuno ng galit." Hindi napigilan ni Gaspard at napayakap sa kanyang kapatid at umiiyak. "I can understand. Don't worry, I explain to her what happened between you and Regina kaya naglagay ka ng walls to protect your self from her. Hope that this will be a lesson na. Go ahead ang visit her room so you two can talk privately. Don't worry about your baby, need lang niya ng bedrest that you have to send excuse letter sa mga professor niya." Agad naman nagbitaw sila ng yakap at pinunasan ni Gaspard ang kanyang mga luha at nilisan na siya ng kapatid na babae dahil sa may meeting pa ito doon sa hospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD