20

1864 Words
Lumipas ang ilang araw ay hindi na nagpapansinan si Madeline at Gaspard. Ipinakita sa kanya ni Madeline na talagang seryoso ito sa sinabi niya at galit siya. Nanghihinayang naman si Gaspard dahil sa miss na miss na niya ang tinola nito. Mas lalong pinanghinaan ng loob si Gaspard sa dumating na kamalasan matapos malamang may isang taong traydor sa kumpanya na sinasabi sa kabila mga strategy. Pero di niya alam sino iyon kaya mas lalo siyang naging tutok sa trabaho. Masyado na siyang stress sa buhay. Lalo na't kinakailangan niya mangibang bansa palagi para makahanap ng mga bagong kumpanya na maging partner nila sa kada exhibition. Kaya naman sa loob ng dalawang buwang lumipas ay bihira lang makauwi sa pilipinas dahil sa ilang linggo ng kanyang kayod kalabaw na paglabas masok sa bansa para sa business trip upang maitaas muli ang ranko ng kanyang kumpanya dahil sa isang espiya na pilit pa rin niyang hinuhuli sino. Huminto din muna ng pagaaral si Madeline dahilsa umabot na ang kanyang pagbuntis ng siyam na buwan. Tanging karamay at umaalalay lamang sa kanya ay ang kanyang dalawang kaibigan na si Luningning at Ivan dahil sa laging wala sa bansa ang asawa at may hindi pa sila pagkakaintindihan. Ngunit hindi naman siya pinabayaan ng magulang ni Gaspard dahil dinadalaw nila itong dalawa tuwing tatlong linggo lalo na ang ate Sam niya na may libreng check up pa para sa pagbubuntis nito. Hanggang sa isang araw, habang excited na si Madeline na lumabas upang maglakad-lakad kasama ang mga kaibigan ay nagulat siyang pagbukas na pagbukas niya ng pinto ay nakatayo si Gaspard hila hila ang trolley bag at naka-suit and tie. Medyo tinubuan ng bigote. Na-shock siya kaya nagtanong, "Bakit ang aga mo ata umuwi? Diba sa susunod na linggo ka pa makakabalik dito sa pilipinas?" Tinaasan naman siya ng kilay ni Gaspard, "Ghorl, do you even watch news on the tv? Ghad!" Sabay dali-dali siya pumasok at binagsak ang katawan sa sofa. Isinara naman ni Madeline ang pinto at umupo habang sumusulyap sa asawa. Pinaandar naman ni Gaspard ang tv at inulat ang balita, "See that? Yan ang ibig kong sabihin. May lock down ang buong pilipinas. That's why theres a travel ban dahil sa covid 19 is spreading so fast, naka-drugs ka ba gaga at wala kang kaalam alam sa mga pangyayari. Buntis ka then magja-jogging? Okay ka lang? Buwang." Natahimik naman si Madeline at nagtimpi. Hindi niya sinagot si Gaspard at nilampasan na lang upang umakyat ng hagdanan ngunit pinigilan ulit siya ng asawa, "Ghorl, antipatikang to? San ka jujunta at wala ka man say sa sinabi ko?" Inikot naman ni Madeline ang ulo niya matapos huminto sa hagdan at sinagot siya, "Magpapalit ako dahil hindi na ako tutuloy. Ayan? Masaya ka na?" Pag akyat ni Madeline ay isinara niya ng malakas ang pinto ng kanyang kwarto at narinig iyon ni Gaspard na ikinasanhi ng kanyang pagsentindo sa ulo. Matapos ng iilang oras at nanood na si Madeline ng balita. Kinilig siya na lock down means magkukulong silang dalawa ni Gaspard sa condo na sila lang at bawal silang lumabas. Muli niyang ini-imagine ang itsura nito na mas lalong nagmukhang barako sa kunting bigote nito. Naalala nanaman niya si Ranz dahil ganoon ang porma ni Ranz. Medyo may kaunting bigote pero mahaba ang buhok na siya mismo ang tumatali nito, ganun siya ka-sweet dito.Hinimas na langniya ang tyan niya at kinausap, "Anak, patay na pala ang tatay mo, bakit iyong bakla pa rin iyon ang naiisip ko. Baliw na ata ako, hindi ko gusto si Gaspard. Kailangan ko protektahan sarili ko at ikaw sa baklang iyon. Hindi siya si Ranz at hinding hindi siya magiging si Ranz." Hanggang sa pagbaba niya ay wala na doon ang asawa. Malamang ay nagpapahinga na ito sa kanyang kwarto. Agad naisipan ni Madeline magluto ng tinola para surprisahin ito. Inaamin niya na kahit galit na siya dito. Alam niya na paborito ito ni Gaspard. Hindi niya ito tatanggihan. Makalipas ng 30 minutes at luto na. Tinawag niya si Gaspard na may tinola na inihain. Ngunit walang sumasagot sa taas. Nalungkot naman siya, "Mukhang galit ka talaga sa akin Gaspard. Pati itong tinola ko dinadamay mo na." Kinain na lang iyon magisa ni Madeline habang masama ang loob. Pagkatapos niyang ubosin ay masaya siya't ramdam niya pagsipa ng kanyang baby sa loob ng kanyang sinapupunan na nagpapahiwatig na masaya at busog silang dalawa kaya kahit nagpipighati si Madeline sa pagtatampo kay Gaspard ay gumaan ang loob dahil sa kanyang pinagbubuntis. Matapos niya magpahinga ng kaunti ay umakyat na siya sa hagdan upang dumiretso sa kwarto at matulog. Ngunit nang daanan niya ang kwarto ni Gaspard ay nagulat siyang nakabukas ito ng maliit. Dahan-dahan siya tumungo roon pagkatapos kumatok dahil sa kuryosidad dahil hindi naman nagbubukas si Gaspard ng pinto. "Gaspard, asan ka? May niluto man akong tinola do..." hindi naituloy ni Madeline ang kanyang sasabihin nang makita niya si Gaspard na nakatalukbong ng kumot habang nangingig sa lamig at namumutla. Napatakbo siya palapit sa asawa at agad hinawakan ang noo at leeg, "Hala! Gaspard mainit ka. Anong nangyari sa'yo." Umiyak naman si Gaspard, "Mads, help me. Pakiramdam me ay nahawaan me ng virus. Dami infected sa company." "Wag ka magisip ng ganyan. Siguro flu lang ito. Sandali at pupunasan kita ng bimpo. Isara muna natin ang aircon para hindi ka lamigin. Pagod ka lang." Napayakap naman ng mahigpit si Gaspard kay Madeline habang humahagolgol sa iyak at nanginginig sa lamig. Pagkatapos bumitaw ni Madeline ay dumiretso na siya sa banyo at nilagyan ang maliit na palanggana ng malamig na tubig at kinuha ang bimpo sabay nagdayal ng selpon kay Sam upang magtanong ano dapat niyang gawin. Tinanong din niya si Sam if pwede puntahan sila pero super humingi ng paumanhin ang kanyang inlaw dahil pati ang anak nito ay sinisinat. Lumapit naman siya kay Gaspard hawak ang palanggana at bimpo at hinubaran ito ng pang itaas at pang ibaba hanggang sa natira lang sa asawa ay ang kanyang boxershort. Muling napatitig si Madeline sa kakisigan ng katawan ng asawa at napalunok. Sino ba naman ang hindi maaakit sa pangangatawan ni Gaspard na kahit bakla ay napakaganda ng katawan na parang modelong may 8 packs. Kaya kahit pilitin ni Madeline na bakla si Gaspard ay naaalala pa rin niya rito si Ranz. Ang tanging lalake na ibinigay niya ang kanyang puri. Ganun pa rin ang katawan nito noon pero mas nagkahugis at nakakalaglag ng panty ang dating ng katawan nito ngayon sa kanyang mata. Mas mukhang malinis na ito. Tiniis na lang ni Madeline na wag maakit. Iniyak na lang niya at inisip na hindi na iisa si Ranz at Gaspard kaya isinantabi muna niya ang pagnanasa nito sa katawan at dahan dahan niya ito pinunasan ng bimpo ang buong katawan habang lumuluha matapos ay pinatulog matapos painumin ng gamot pang lagnat dahil sa utos ng ate Sam niya. Kinaumagahan, iminulat ni Gaspard kanyang mga mata at medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Nakonsensya siya nang maalala niyang si Madeline ang nagalaga sa kanya buong gabi at halos hindi na ito nakatulog. Pagkatalikod niya ay gulat siyang katabi niya ang buntis sa pagtulog. Dahan dahan niya pinagmasdan ito at tumibok ng mabilis muli ang puso niya dahil sa taglay na kagandahan ni Madeline kahit tulog. Muli niya sinulyapan ang malalambot nitong labi na pakiramdam niya ay dahan dahan siya nauuhaw na muli halikan ito. Muli tumungo ang mata ni Gaspard sa matambok nitong tyan at binalot ulit siya ng konsensya. Matapos ng iilang buwan na pandededma sa asawa ay hindi niya man lang napansin kung gaanu na kalaki ang tyan nito at malapit nang manganak. Kung bakit ba naman sa lahat ng lalake ay sa kanya pa ipinagkatiwala ng diyos ang babae na parang walang kamuwang muwang sa mundo at masyado bata sa kanyang edad na inosente. Ni hindi ma imagine ni Gaspard paanu niya ito nabuntis at para siyang craddle snatcher na nadidiri sa sarili. Pagtingin niya sa kabilang banda ay may nakahanda nang pagkain na nakatakip. Kinuha niya ito at itinabi ang takip matapos marinig ang ingay sa kanyang tyan at mas lalo siyang na excite nang makita niya na tinola ito. Malakasan siyang tumayo at bumaba sa hagdan dala dala ang tinola para lang i-microwave ito at pagkatapos ay kainin. Para siyang tagutom kung lamunin iyon dahil sa sobra niyang namiss ang luto ng kanyang asawa. Nang biglang bumaba si Madeline sa hagdanan at naabutan siya kakatapos kumain. Naging speechless si Gaspard at muling nag pause ang utak. Tila nautal, hanggang sa nginitian lang niya ito at nagsabi ng hi sabay kumaway. Ngunit natahamik siya nang walang reaction si Madeline at diretcho lang kumuha sa kaldero ng makakain. "Ay thank you! Ganda ng sagot niyarn!" Pagpaparinig muli ni Gaspard. Pero tila nagbibingi-bingihan pa rin si Madeline. Muli itong umupo sa upuan ng dining table na katabi niya at kumain ng tahimik. Ninanakawan naman siya ng tingin ni Gaspard. Gusto man niya magpasalamat pero binalotan siya ng hiya kaya hindi makapagsalita dahil alam niya kung gaanu kalaki ang atraso niya sa babae. Hanggang sa nag ring ang cellphone ni Madeline at sinagot niya ito. Walang iba kundi si Ivan. Ang tanging narinig lang ni Gaspard ay ang pagbilin ng asawa kay Ivan na wag na lang pumunta sa condo dahil sa lock down at mamultahan pa ng mga pulis. Hindi naman maikukubli ni Gaspard na madalas dumalaw si Ivan sa asawa nito at napapabayaan niya dahil sa bigat ng trabahong hinaharap niya. Ni hindi niya alam kung nagkakangkangan ang dalawa tuwing wala siya. Kaya naman ay muli niyang binasag ang katahimikan, “Why don’t you allow him to visit you, para naman madiligan ka niya.” Parang sinaniban naman si Madeline umingay ay kanyang malakas na hininga at nang sisigaw ito ay muli nagpakita ng peace sign si Gaspard at nakangiting mukhang nangaasar, “Di, Joke lang. Kaw naman, di ka na mabiro. Oo na, ako na nakaunang dumilig sa’yo. Happy ka na baklita ka?" Nakahinga naman ng malalim si Madeline matapos bawiin ni Gaspard ang sinabi. Muli naman tumayo si Gaspard na seryoso ang mukha, “Gusto ko palang mag thank you sa’yo dahil kahit alam ko na galit ka sa akin. Hindi mo ko pinabayaan. By the way, I miss your tinola, still bongga ang taste sa dila.” “Walang ano man, para lang sa ate mo kaya kita inaalagaan. Kasi kabilin-bilinan niya sa akin na wag ka daw pabayaan. Tinawagan ko kasi siya na may sakit ka kaya ginawa ko ang responsibilidad ko habang hindi pa tayo naghihiwalay.” Napalunok naman ng laway si Gaspard sa sinabi. Pakiramdam niya ay talagang nagbago nga ito at nagawa lang niya ang pagaalaga sa kanya dahil sa ate niya. “Nagpapaligaw ka na ba kay Ivan?” “Oo.” “Good for you, para pag naghiwalay na tayo. Happy ka.” Naglakad naman si Gaspard at umakyat sa hagdan na talagang nakikipagmatigasan din. Naiyak na lang si Mandaline. Hindi niya alam bakit patuloy siya nasasaktan. Akala niya ay magandang desisyon ang pandededma sa asawa pero mali siya. Huminga ulit siya ng malalim at hinayaan na lang ang mga nangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD