Claire's POV
Gumising ako ng maaga para mag-ayos at maligo. Excited na ako dahil natanggap ako bilang katulong, salamat sa madaldal kong tita at may trabaho na ako.
'Yon nga lang kailangan kong tumira sa bahay ng magiging amo ko pero okay lang naman, sana libre ang masasarap na pagkain!
Ako si Claire Alvarez ulila na ako, 15 years old ako noong namatay sila mama at papa dahil sa isang pagsabog ng mall at saktong nandoon sila at ako naman ay nasa paaralan nang mangyari iyon.
Sobrang na mi-miss ko na sila at pina-pangako ko sa kanila na kahit anong mangyari ay magiging masaya ako at ipagpa-patuloy ang aking buhay.
"Tita nakasakay na ho ako ng bus," kausap ko ang tita ko ngayon at ihahatid niya ako sa mansyon kung saan ako mag t-trabaho
"Sige, mag-ingat ka, " sabi lang nito at biglang binaba ang tawag, alam nyo si tita nakakabadtrip minsan, lagi nya ako sinasabihan na mag-ingat eh lagi naman ako nag iingat tiyaka hindi kaya ako bingi bakit nya pa inuulit-ulit 'yon.
Napailing na lang ako sa kawalan.
Natanaw ko si tita nang huminto ang bus nandoon siya at nakaupo, agad ko itong nilapitan.
"Tita! " sigaw ko rito,
"Aba susmaryosep kang bata ka! ba't ka ba sumisigaw eh ang lapit mo na! " nakakunot ang noo nito sa akin at kinurot ang aking braso.
"Aray tita! tara na nga ho."
"Nako umayos-ayos ka roon sa mansyon! Hindi ko pa napupuntahan iyon pero masungit si Mr Clifford kaya umayos ka!" Sa iba kasi nag t-trabaho si tita, may agency lang siya at naipasok niya naman ako para maging katulong sa ibang bahay.
"Oho tita, mukha ba akong sira sa paningin niyo? maayos naman ako ah, " sambit ko at napatingin pa sa gawi na makikita ang repleksiyon ko. Napapikit ako ng batok ang inabot ko sa kaniya.
"Ikaw talagang bata ka! sumasakit ang ulo ko sa iyo! " kumamot pa ito dahil mukhang naiinis na sa akin. Ano naman kasing kinalaman ko? wala naman akong kasalanan kong bakit masakit ulo niya. Ito talaga si tita minsan hindi ko na rin siya maintindihan.
Nakarating na ako sa labas ng mansyon, napanganga pa ako dahil sa labas pa lang napakalaki na tingnan, at alam niyo ba bago ako makapasok sa village na 'to madami pang tanong ang mga guards at talagang chineck ang katawan ko, hindi na rin ako nasamahan ng madaldal kong tita dahil bawal daw siya roon, ang mga opisyal na katulong lang ang p-pwede roon dahil hindi naman siya nag ta-trabaho rito.
Sobrang higpit talaga nila...
May id ako na tina-tap para makapasok sa mansyon o diba ang angas talaga!
Tinap ko iyon sa may gilid ng gate at bumukas iyon.
Bumungad sa akin ang anim na guard na may hawak na baril. Wow, mag lalaro ba sila ng baril barilan?
Kong sumali kaya ako para maging close ko sila? Pero hindi ba kami papagalitan ng amo namin pag naglaro kami?
Hmmm... bahala na nga, sila naman ang may balak maglaro, pero mamaya na ako sasali.
Sinalubong ako ng isang matandang kasambahay, napaka-seryoso ng itsura nito.
"Hi po! maganda tanghali," sabi ko pero hindi ako pinansin.
Napakasungit naman pala at snobber pa, siguro menopause na siya. Napatango tango ako sa aking sarili nang maisip na bawal ko 'tong galitin dahil menopause na, kailangan ko siyang intindihin.
'Ang galing ko talaga! tama, tama!'
"Dito ang kwarto ng mga kasambahay," turo niya sa tatlong kwarto.
"Ang pangatlong kwarto ay sainyo ni leah, ayusin mo na ang gamit mo." Binuksan niya ang pinto at nakita ko ang double deck na kama, pumasok na ako dahil iniwan na rin naman ako ni manang.
Habang inaayos ko ang mga damit ko biglang may pumasok na babae kaya napatingin ako sa kaniya, sinalubong ako nito ng ngiti kaya tumigil muna ako sa ginagawa ko.
"Hi ako si Leah! ito nga pala ang susuotin mong damit," binigay niya sa akin ang apron na puti at dress na itim na hanggang tuhod ang haba.
"Kailangan din naka bun ang buhok mo at maayos ka," dugtong niya pa.
"Salamat Leah! ako nga pala si Claire, 20 years old from cebu," at tinaas ko pa ang kamay ko at ngumiti. Natawa naman siya sa akin. Napanguso na lang ako dahil tinawanan niya ako.
'Nakakatawa ba 'yon? hindi naman ako nag jo-joke ah!'
"Oh bakit ka sumimangot diyan Claire? " natatawa pa rin siya.
"Eh kasi, ano nakakatawa sa sinabi ko? eh hindi naman ako nag joke." Napatigil naman siya na parang nagulat pero bumalik rin ang ngiti sa labi nito.
"Ang cute mo kasi, sige na maglilinis pa ako magbihis ka na at tulungan mo maghanda si manang Bel ng hapunan,"
Cute talaga ako no!
Tumango na lang ako at nagbihis na. Natuwa naman ako dahil maganda ang damit ng mga kasambahay dito, presko sa pakiramdam at kahit pa dress siya, mahaba naman at komportable.
Lumabas na ako ng kwarto at dumeretso sa kitchen, napamangha ako sa laki ng kitchen nila napakaganda pero ang kulay halos puro itim. Ngayon ko lang napansin na ang kulay ng buong mansyon ay white black gray, buti na lang may mga halaman sa labas at hindi naging mukhang haunted house ito.
Nakita ko si Leah at sinenyasan ako na sumunod sa kanila.
"Nandito na si sir Dame, pumila kayo." Narinig kong sabi ni manang bel, yoong matandang snobber! nagtaka naman ako pero sumunod pa rin ako sa kanila.
Kinalabit ko si leah na nasatabi ko,
"Bakit kailangan pumila? may bigayan ba ng ayuda dito? " tanong ko
"Tumahimik ka na lang Claire kung ayaw mo mapahamak," yumuko naman sila lahat at bumukas na ang pinto ng bahay
napahanga ako sa pumasok, isang matangkad na lalaki na maputi at sobrang gwapo! grabe ngayon lang ata ako nakakita ng guwapong katulad niya nakasuot pa siya ng puting longsleeve na hapit sa katawan niya siguro ito si sir Dame? pero bat di nila binabati at nakayuko lang sila lahat?
Huminga ako ng malalim dahil medyo kinabahan ako pero kailangan ko siya batiin dahil bago lang ako rito,
" Good afternoon sir Dame! tama po ba ikaw ba ang boss dito? " ngiting sabi ko.
"Nako sabi ko sayo Claire manahimik ka," bulong ni leah at siniko pa ako, pero bat nanginginig ang boses niya? may sakit ba siya?
"Who are you?" napatingin ako sa nagsalita at si sir Dame 'yon, napaka seryoso naman din nito, mana ba siya kay manang bel?
"Ako po? ako po si Claire Alvarez, 20 years old from cebu , bago nyo po akong katulong," masayang sambit ko pero hindi niya ako pinansin at tumuloy na sa pag pasok sa loob ng mansyon.
Nang mawala na sa paningin namin si sir Dame agad agad naman akong hinatak ni Leah.
"Anong ginawa mo Claire! ba't mo siya nginitian at kinausap, nababaliw ka na ba?!" halata sa boses ni Leah ang takot kaya napakunot ang noo ko.
Takot na takot ba talaga sila don kay sir Dame? Guwapo naman, bakit sila natatakot?
"Bakit? nag pakilala lang ako, bago ako rito kaya kailangan ko magpakilala," sambit ko.
"Ayaw nyang kinakausap siya pwera na lang kong siya mismo ang kumausap sayo o may inutos siya. Pangalawa bawal ang madaldal at maingay dito at pangatlo umiwas ka sa kaniya gawin mo na lang ang trabaho mo at wag na wag kang lalapit sa kaniya kong hindi ka pinapatawag, okay? umiwas ka sa gulo kong ayaw mo mamatay ng maaga." Tinalikuran ako ni Leah pagkatapos niya sabihin ang mga 'yon. Nagkibit balikat na lang ako at sinundan ko na lang siya.
Hindi naman ako mapapahamak, at tiyaka bakit ako mamamatay? may lason ba si sir Dame pag lumapit ako? Oh baka naman may sakit si sir Dame na nakakahawa?!
Napailing naman ako sa naisip ko, imposibleng may sakin siya dahil ang ayos ayos naman tingnan ni sir Dame. Siguro overacting lang 'to si Leah.