Napatigil ako sa ginagawa nang makitang papalapit si manang Bel sa akin, huminto pa ako at humarap dito ng maayos.
"Claire idala mo ito sa kwarto ni sir Dame," sabi ni manang Bel, siya yong masungit kanina na parang menopause na ata. Ngumiti ako sa kaniya at tumango pero napatigil din ako.
"Opo, ay teka saan ho ba ang kwarto ni sir Dame? " tanong ko rito, tiyaka inabot ang dala dala nitong tray. Hindi ko alam ang kwarto ni sir Dame, siyempre bago lang naman ako rito kapag hindi ko tinanong panigurado ligaw ang abot ko sa laki ng bahay na 'to.
"Nag iisang white na pinto sa 2nd floor, pagka-bigay mo umalis ka na agad at itikom mo yang bunganga mo kong ayaw mo mapahamak." Talagang diniinan pa nito ang bawat bigkas. Umalis din ito sa harapan niya at nakita niyang tinuloy na nito ang iba pang ginagawa. Napailing na naman ako dahil narinig ko na naman ang mga katagang 'baka mapahamak ka', napaka over-acting talaga ng mga tao rito!
Umakyat na ako ng hagdan habang bitbit ang tray na may lamang pagkain, lahat ng pinto dito ay black pwera na lang sa kwarto ni sir Dame kaya ma-cu-curious ka talaga kong kaninong kwarto yong nag iisang pinto na iba ang kulay.
Di ko alam kong bakit takot sila kay sir Dame, dahil ba napakasungit ng itsura non? pero guwapo naman si sir ah! malay mo hindi lang naka tae kaya masama ang mukha o kaya naman masakit lang ang tiyan. Napaka judgemental naman ng mga kasambahay dito.
Nang makalapit ako sa tapat ng pinto kumatok ako pero walang sumasagot, kumatok pa ulit ako ng tatlong beses pero nang walan pa ring sumagot binuksan ko na ang pinto. Aba ngawit na ngawit na ako sa tray na hawak ko.
Sakto hindi naka-lock siguro iwan ko na lang ang pagkain sa loob.
Pumasok na ako at napamangha sa laki ng kwarto, may sarili itong tv at sofa sa dulo ng kaniyang malaking kama. May table rin ito at maliit na refrigerator, para sa akin puwedeng puwede ko na 'to maging bahay dahil halos kompleto naman na at malawak pa!
Mapapa sana all ka na lang talaga...
Nilagay ko ang pagkain sa table at inalis ito sa tray, nang natapos ko na ayusin napasigaw ako nang may kumalabog na malakas,
" AY BAKLA! " napahawak ako sa dibdib ko at napapikit pa bago lingunin ang pinto na kumalabog. Sumalubong sa paningin ko ang nagtatakang mukha ni sir Dame habang nagpupunas pa ng buhok gamit ang puting tuwalya.
"Bakit ka pumasok sa kwarto ko? " napalunok ako dahil mukhang galit na ito, oo na inaamin ko na nakakatakot talaga siya!
"S-sir Dame naghatid lang ho ako ng pagkain mo," napakamot pa ako sa ulo ko at nginuso ko ang tray na may pagkain.
"I don't want to eat, get out." sabi niya at umupo sa kaniyang kama na parang walang pakialam sa sinasabi ko at sa pagkain na dala ko.
Aba! sinasayang niya ang pagkain, hindi niya ba alam na maraming nagugutom na bata?!
"Hindi pwede sir Dame! madaming bata ang nagugutom at ikaw sasayangin mo lang iyan? nag-iisip ka ba?!" naasar na sambit ko sa kaniya , nakapamaywang pa ako at hinarap siya ng buong tapang, kahit ang totoo'y medyo nanginginig na ang tuhod ko sa tingin na binabato nito.
"I don't f*cking care about your opinion, just get out of my room!" madiin na sambit nito pero hindi ako nagpatinag at lumapit ako sa kaniya at hinampas siya sa braso.
Ako ata ang nasaktan dahil sa tigas ng braso niya, ano ba yan may bakal? Hmm... workout ata 'to ng workout.
Tiningnan niya ulit ako at mas dumilim na ang aura nito. Wala sa sariling napalunok ako dahil mukha na talaga siyang mangangain ng tao!
"H-hindi ho ako aalis dito sir dame kong hindi mo kakainin 'yan! bawal ang mag sayang nang pagkain."
"What the hell! do you fvcking know me?! " napaatras ako ng bigla siyang tumayo at lumapit sa akin kaya napaatras ako ng bahagya.
"Kilala kita, ikaw si Dame ang boss ko," baliw ata tong boss ko ah? siyempre aalamin ko kong sino ang amo ko, bakit niya pa ako tatanungin? mukha bang wala akong alam?
"Hindi mo ba kilala ang sarili mo at tinanong mo p-pa s-sa'kin sir, " dagdag ko pa, nagulat ako nang may ilabas siyang isang bagay na hindi ko ine-expect, ano 'to makikipaglaro ba siya sa akin? baka naman kasali siya sa laro ng guards? May hawak pa siyang baril akala niya matatakot niya ako-
"You don't want to get out? i'm not joking right now, i can shoot a bullet to your head," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya mabilis akong lumabas nang kwarto at napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa hingal.
"May props pa siyang baril! bahala siya pag di niya talaga kinain 'yon, kumulo sana ang tiyan nya at makarma siya!" hmmp. napakawalang modo! maaksaya sa pagkain!
Bumaba na ako dahil wala naman akong mapapala roon.
Nakasalubong ko si Lea na kakatapos lang ata mag hugas ng pinggan.
"Oh ba't ka nakasimangot diyan Claire? " tanong niya sa akin, napabuntong hininga na naman ako dahil sa badtrip sa lalaking 'yon. Oo boss namin siya pero nakaka-badtrip talaga siya promise!
"Kasi si sir Dame ayaw kumain kaya hinampas ko siya sa braso kasi nakakaini-- "
nagulat ako ng hinatak niya ako papuntang kwarto namin.
"Claire!!!! gusto mo na ba mamatay?" umiling naman ako, ano bang klaseng tanong yan, sino bang tao ang gustong mamatay? ano na ba ang nangyayari sa mga tao ngayon?!
"Hindi mo talaga kilala si sir Dame no?! "
"Kilala ko siya , siya si sir Dame ang boss natin, " nakangiting sambit ko sa kaniya napa face palm naman si Lea.
"Jusko, bahala ka na Claire sumasakit na ang ulo ko sayo basta binabalaan kita. UMIWAS KA KAY SIR DAME! WAG MO SYANG BWISITIN KUNG GUSTO MO PANG MABUHAY NG MATAGAL OKAY? "
Hindi na siya sumagot at nag isip, oo nga nakakatakot ito pero bakit puro sila mamatay? lason ba si sir? parang pag nilapitan mo at madikitan mo mamamatay ka?
Napailing nalang ako, mukhang mababaliw ata ako dito...
sana okay lang talaga kayo...
Parang ako lang ata ang matino dito?
'di ba?