NARRATOR'S POV
"Movie marathon tayo!" yaya ni Rose kay Claire.
"Pasensya na Rose, may trabaho pa ako baka magalit ang kuya mo," napanguso naman si Rose at saktong bumaba ang kuya niya galing sa kwarto.
"Kuya, mag mo-movie marathon lang kami sa kwarto ko, hiramin ko muna si Claire ha,"
wala sa sariling napalunok si Claire habang nakatingin kay Dame na naka sando at gym shorts, mukhang nag wo-work out ito. Bigla naman bumilis ang t***k ng puso ni Claire at hindi niya alam kong bakit. Hindi naman siya nagkape para mag palpitate.
'May sakit na ba ako?!' kinakabahan na sambit nito sa isip nya, pinunasan nito ang pawis sa noo dahil sa hindi malaman na kabang nararamdaman.
Tiningnan ni Dame ang kapatid niya pati na rin ang katabi nito... si Claire na naka kunot ang noo habang nakayuko at parang may kung anong iniisip dahil napaka seryoso nito.
"Do whatever you want Rose. " 'yon lang ang sabi nito at dumeretso na sa kusina si Dame.
"Tara na Claire!" hinatak ni Rose si Claire papuntang taas at deretso silang pumasok sa kwarto nito. Nilibot ni Claire ang paningin niya at namangha dahil sa ganda at ayos ng kwarto ni Rose.
Napakaganda at maaliwalas ang kwarto ni Rose, white at beige ang kulay na makikita sa kwarto ng dalaga, napaka komportable din at nakakaantok sa pakiramdam.
Nagtaka si Claire ng inabutan siya ng towel at night dress ni Rose.
"Maligo ka muna para ma preskuhan ka at isuot mo ito, mag pi-picture tayo!" excited na sabi ni Rose kay Claire.
Napatitig naman si Claire sa damit na binigay nito napakaganda ng kulay at ang kintab pa, medyo sexy lang nga tingnan pag sinuot niya. Nakita niya na ito sa palabas eh, 'yong mga sinusuot ng mga mayayaman na babae at sexy.
"Bagay ba sa akin 'to? parang hindi Rose," nag-aalalang sambit ni Claire.
"Ano ka ba! wala ka bang tiwala sa akin? For sure bagay na bagay sa'yo 'yan! Sige na at maligo ka na sa bathroom ko, sa kabilang kwarto na ako maliligo." Tinulak ni Rose si Claire papuntang banyo bago ito lumabas para pumunta sa kabilang kwarto.
Wala nang nagawa si Claire at pumasok na lang sa banyo para maligo. Pagkatapos niya maligo tuwang tuwa siya sa suot niya dahil sobrang komportable. Akala niya hindi babagay pero bagay naman pala sa kaniya, ngayon lang siya naka suot ng ganitong damit, tiyak na mapapasarap ang tulog mo pag ito ang sinuot mo.
'sayang at wala si Leah hindi nya tuloy ako makikita na suot ang magandang pantulog na ito.' sa isip isip ni Claire. Tuwang tuwa kasi ito sa suot na damit.
Umuwi kasi si Leah kahapon dahil ang kanyang lola ay isinugod sa ospital.
Napanganga si Rose nang makita niya si Claire na gano'n ang ayos, hindi nya maitatanggi na sobrang ganda talaga ni Claire. Napakaputi nito at slim na makurba ang katawan. Hindi lang nga marunong mag-ayos pero may ipagmamalaki ito.
"Bagay na bagay sayo!" tili ni Rose at nilapitan si Claire, pinaupo niya ito sa harap ng salamin at tinulungan mag blower ng buhok.
Pareho silang naka night dress dahil mag pi-picture sila.
Nang natuyo na ang kanilang mga buhok nag handa naman sila para mag picture. Sunod sunod ang pag pose ni Claire dahil sinasabayan nito si Rose na magaling mag pose sa harap ng camera.
"You look like a model , claire! you're so pretty talaga," sabi ni Rose habang nakatitig sa mga pictures nila
hindi makapaniwala si Claire sa mga nakikita niya parang hindi sya 'yong nasa picture.
"Parang hindi ako! ang galing mo talaga mag turo ng mga i po-pose ko," nakangiti na sabi ni Claire.
"Nako, magaling ka rin kasi! Anyways, maghahanap lang ako ng movies, kuha ka muna ng mga chips sa kitchen and juice na rin para may makain at mainom tayo habang nanonood." sabi ni Rose, kaya ngumiti si Claire at tumango, tumayo naman ito agad at lumabas na ng kwarto.
CLAIRE'S POV
Lumabas na ako para kumuha ng pagkain, tuwang tuwa talaga ako sa damit ko ngayon presko ito at di na kailangan mag bra pa kasi may manipis naman na foam na nakalagay na sa damit.
Deretso ako pumunta sa kitchen at hinanap ang mga chips. Napatigil pa ako dahil nakita ko si Dame na may kausap sa telepono, pero nakatalikod ito, kaya di niya ako napansin.
"Hmm.. saan nga ba nakalagay ang chips?" binuksan ko ang mga cabinet sa baba at ref pero wala...
Ano ba 'yan wala kasi si Leah, wala akong matanungan..
Gabi na rin at nasa loob na ata ng kwarto ang ibang maid nakakahiya naman kung iistorbohin ko sila. Napanguso ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko, sa laki ba naman kasi ng kitchen hindi ko alam kung saan hahagilapin. Ito ang ayaw ko sa malaking bahay e masyadong malawak ang espasyo!
Napatigil ako sa pagkakalkal dahil wala pa rin naman akong mahanap. Bigla kong naalala si Dame, kong tanungin ko kaya ito?
hmm. mag tatanong lang naman ako 'di ba? Siguro naman okay lang naman 'yon.
Lumabas ako ng kitchen at nakita ko si Dame sa bar counter malapit sa living room na nakaupo, may sarili kasing bar counter ang bahay nila. Nakatalikod si Dame at nag la-laptop ito habang nakaupo sa high chair at nakapatong ang laptop sa bar counter, seryoso itong nakatingin sa laptop at mukhang malalim ang iniisip.
Dahan dahan akong lumakad para kalabitin siya pero...
"WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" nagulat ako ng hatakin niya bigla ang kamay ko at sinandal ako sa bar counter. Napapikit ako dahil sa impact ng pagkakatulak nito...