ROSE POV
Sinundan ko si kuya hanggang sa makapasok kami sa office nya, padabog akong umupo sa upuan. Excited na akong mag mall pero ito kakausapin pa ako?
"I know you Rose, hindi ka nakikipag kaibigan kahit kanino," sabi niya sa akin at tinitigan pa ako, I rolled my eyes at him.
"Yes kuya, you're right! hindi ako nakikipag kaibigan sa mga plastic na tao." lalo na sa mga linta na may gusto kay kuya! kung pwede ko lang sila saksakin ng katana ko ginawa ko na, but yeah may kabaitan pa rin ang natitira sa katawan ko no.
"How about Claire?" napangisi ako ng marinig ko ang pangalan ng bago kong kaibigan. Kilalang kilala ko si kuya hindi nya sinasabi ang mga pangalan ng mga taga silbi nya, kung uutusan ka niya maririnig mo lang ang 'hey' 'do it' 'clean it' like what? hmm..
Interesting...
"Claire?! yes, friends na kami, i know na alam mo na iba siya kuya... ibang iba, pure and innocent." sabi ko at natawa na naman ng maalala ang pag uusap namin kanina.
She's really different! i like her. I know how to read peoples faces. Si Claire ay hindi katulad ng iba na makikipag kaibigan dahil mayaman ka. She's just so friendly and kind.
"Yes she's different... and crazy," natawa naman ako sa sinabi niya. Mukhang nakausap niya na ito at hindi lang basta pag-uusap. I just guess it because kuya Dame is not like this, yung mag sh-share ng ganito about sa maid niya? kung badtrip siya sa maid niya deretso fire agad. Grabe mukhang magiging masaya ang pag-stay niya sa mansyon dahil kay Claire.
CLAIRE's POV
Nagbihis muna ako ng pantalon at black na t-shirt, aalis na raw kasi kami sabi ni Ma'am Rose
paglabas ko sumalubong na sa akin si Ma'am Rose dala-dala nito ang bag sa isang kamay.
"Ma'am tara na po," nakangiting sambit ko rito.
"Don't call me 'Ma'am', Claire... we already friends," napatango naman ako at nginitian din siya, sobrang bait niya talaga parang anghel ang mukha kabaliktaran ni sir Dame.
Sumakay na kami sa kotse niya, siya lang din ang magda-drive kaya sa harapan na rin ako umupo.
"How old are you Claire? " tanong niya sa akin habang hindi inaalis ang tingin sa daan.
"20 na ako, ikaw?"
"Really? Magka-edad lang pala tayo!" sigaw nito na parang tuwang tuwa na malaman na magka-edad kami. Napanguso siya ng may maisip bigla.
"Buti pa ikaw mabait eh yung kuya mo napaka sungit," napa-cross arm ako habang kinkwento sa kaniya yung nangyari nung unang pasok ko dito, lahat kinwento ko lalo na yung pagiging maaksaya ni Dame sa pagkain,
"WHAT?! Ginawa mo talaga 'yon? buti na lang hindi niya pinutok 'yong baril," natatawa niyang sabi sa akin pero nakatutok pa rin ang mata nito sa daan.
"Eh, fake lang naman 'yon, masiyado lang siyang pabida at may props pa," sabi ko napansin ko naman nawala ang ngiti nya at sumeryoso.
"Hindi mo pa kilala ng lubusan ang kuya ko Claire, if he wants you to go to hell, you'll go to hell."
Natawa naman ako sa narinig ko,
"Aba! kaibigan niya pala si satanas? Wow, grabe ang yaman niyo talaga," biruin niyo pati ba naman si satanas kinaibigan ni sir Dame? iba ka sir Dame!
"Oh my gosh, can't believe what i am hearing right now. Sasakit na ang tiyan ko kakatawa dahil sa'yo!" tumawa lang ng tumawa si Rose siya naman ay nangiti lang at iniisip kung anong joke ang sinabi niya.
NARRATOR'S POV
pagkatapos nila mag park ay pumasok na sila sa mall. Dumeretso sila sa clothing section para bumili ng mga damit. Plano ni Rose na bilhan ng mga damit at sapatos si Claire. Sobrang gaan ng loob ng dalaga kay Claire, totoo at wala itong kaibigan na babae dahil lahat ng kilala niya ay lumalapit lang sa kaniya para malapitan ang kuya nito at 'yong iba naman dahil sa pera.
Madaming mapanggamit ngayon at iyon ang iniiwasan niya.
She's a mafia boss sister pero hindi sila pumapatay ng mga inosenteng tao, bagkus tinutulungan pa nila ito at pinapatay ang dapat mamatay. They want to help others, kahit sila pa ang maging masama sa paningin ng iba, sanay na sila sa ganito, At first Rose can't kill pero nang malaman nito ang nangyari sa magulang nito may namuong galit at suklam sa puso nito.
Kilala ang kuya nya bilang isang young billionaire at may ari ng isang sikat na hotels and airports.
Kaunti lang ang nakaka alam na isa itong mafia boss. They make sure that no one knows dahil mapapahamak sila at ang mga taong nasa paligid nila.
Madaming binili si Rose para sa kaniya at kay Claire, mga damit at sapatos pati makeup binilhan din niya si Claire. Gusto kasi nito na mag ayos si Claire, masyado itong simple pero nakita niyang maganda ito lalo na pag inayusan.
Pagkatapos mamili ng mga kung ano-ano, pumunta na sila sa isang restaurant para kumain.
"Two carbonara and two beef steak please, also two red iced tea." sabi ni Rose sa waiter,
"Mahal dito rose! sana sa karinderya nalang tayo," seryosong sabi ni Claire at nag aalala dahil sa presyo. tumingin kasi ito sa menu at sumakit ang ulo nito sa presyo.
"Wala ditong karinderya claire, nasa mall tayo no!" natatawang sabi ni Rose kay Claire.
"Pero madami ka ng nabili sa akin, wala na akong pera Rose, pano ko 'yan babayara?" parang naiiyak na si Claire dahil hindi nya alam kung saan sya kukuha ng pera pambayad kitang kita nya ang resibo kanina umabot ng 225 thousand pesos.
"Hey! don't cry, libre ko kaya iyon no! tsaka friends tayo,"
"Oo nga friends tayo pero hindi naman kita magulang para gumastos ng ganon kalaki para sa akin," naiiyak na sambit ni Claire. Natatawa na lang sa isip si Rose dahil napaka inosente at bait talaga nito.
"Oh sige ganito na lang! sasabihin ko sa kuya ko na bawasan ang sahod mo ng 1/4 para mabayaran mo 'to," nagliwanag naman ang mukha ni Claire at napaisip.
"Talaga? sige! Thank you Rose, ang bait mo talaga." nakangiting kumain si Claire ng na iserve na ang kanilang pagkain, maluwag ang pakiramdam niya dahil sa kasunduan nila. Para kay Claire kahit papaano mababayaran niya ang kaibigan.
"Nasaan pala ang parents mo? " tanong sa kaniya ni Rose habang kumakain sila.
"Nasa langit na sila," sambit ni Claire, napatigil siya sa pagsubo ng pagkain at nag-umpisang mag kwento kay Rose.
"Nasa school ako nong mangyari yoon, nasa mall sila dahil may trabaho daw sila, pero sumabog ang mall at hindi sila nakaligtas," natigilan si Rose sa narinig at parang may bumara sa lalamunan niya kaya napainom ito ng juice.
"S-sa venus mall ba ang s-sinasabi m-mo? " napatingin si Claire kay Rose na biglang namutla.
"Okay ka lang Rose?!" tumango sa kanya si Rose at uminom na naman ito ng juice.
"T-teka pano mo pala nalaman?" nag tatakang tanong ni Claire kay Rose. Bigla siyang nagtaka dahil alam ni Rose ang tungkol sa mall na 'yon.
Hindi sya sinagot ni Rose bagkus nag tanong pa ito,
"Anong trabaho ba ng parents mo?" lakas loob na tanong nito kay Claire.
"Hindi ko rin alam, pero lagi sila wala sa bahay, minsan madaling araw na umuwi kaya lagi akong nasa tita ko para may magbabantay sa akin."
"Can i ask your parents name?" tumango naman si Claire.
"Samantha claire alvarez at Jacob alvarez"
nabitawan agad ni Rose ang kaniyang tinidor kaya nagulat lalo si Claire sa inasta nito, mas lalong namutla si Rose at parang hindi siya makahinga, pinainom naman sya ni Claire ng tubig.
"Rose okay ka lang ba ? hindi ka ba nasasarapan sa pagkain? pangit ba lasa ng sayo?" natatarantang sabi sa kaniya ni Claire pero umiling lang sya at pilit umayos ng upo.
ROSE POV
Hindi ko akalain na siya ang anak nila tita Samantha at tito Jacob, pero bat hindi alam ni Claire ang trabaho nila...
tita Samantha is one of the best assasin in EXODUS MAFIA ... ang pinapamunuan ni daddy bago sya mawala, na ngayon si kuya Dame na ang namumuno dito.
si tito Jacob ang matalik na kaibigan ni daddy at ang kanang kamay niya, magalin ito humawak ng baril at makipag laban kahit walang weapon na gamit. They are the best among the best.
'yong nangyari sa venus mall, hindi lang ang magulang ni Claire ang nawala...
kasama na rin don sila mommy and daddy.