Chapter 3

1302 Words
Nang maihatid ay agad din siyang umalis. ‘Yung mga lalaki kong kaklase na gustong kausapin ako, umatras na nang makita nila si Edcharl. Edcharl Elvis Saldivar was a known bad boy gangster, well, he said before in high school. Junior boys feared him, like duuh? 'Yang kinatatakutan niyo, minumura, binabato, binibigwasan at pinaghuhugas ko lang 'yan sa bahay. Gangster gangster, wala 'yan sa'kin. Mga pipitsugin lang ang mga 'yan. "Eve, nakapag-aral ka? May quiz daw tayo mamaya," my seatmate and my only friend, Yula Hernandez asked as soon as I sat on my chair. "Meron ba? Hindi eh, stored knowledge lang meron ako," sagot ko pero ang totoo ay buong gabi akong nagpuyat para dun. Hindi para manood ng hxh. Mangha niya akong tinignan at tumango-tango pa siya. Kita mo 'to, uto-uto rin eh. "Talino mo talaga, kaya kinaibigan kita eh," sabi niya bigla at agad nanlaki ang mga mata niya. My eyes turned into slits as I murdered her in my head. Huli ka ngayon, nadulas ka ng lintik ka. "What did you say?" "I said you're such a genius! Kaya maswerte ako kaibigan kita," sagot niya habang tatawa-tawa. Tumango-tango lang ako at sinabayan siya sa pagtawa. Pero syempre sa isip ko, noted ng fake siya. Pakikisamahan ko na lang 'tong babaeng 'to. "Of course, Evergreen Tulips pa ba? You're lucky I befriended you." "Yes, of course. That's why I love you," banat niya at pasimpling nginuso ang one half lengthwise na hawak ko. "May I have one? Wala kasi akong dala," dugtong niya. Alam kong ‘yun ang pakay niya pero dahil nakita niya na ang sangkatutak kong papel ay hindi na ako maka-ayaw. Baka sabihin niya madamot ako, ako pa madamot? Kung madamot ako hindi ko ise-share si Killua Zoldyck! Chos! Akala ko sa isang subject lang kami may quiz, sa lahat pala. Kaya buong araw akong nag-emergency study. Halos matuyo ang utak ko kakapiga sa answer. Kaya pagsapit ng hapon ay pagod na pagod ako. "Sama ka mamaya? sabi ni Terrence invited daw lahat tayo," si Yula at naupo sa katabi kong upuan. Hapon na at wala na kaming sched kaya naisipan namin kumain muna sa canteen. Napakunot ako ng noo. Nakita kong may sandwich siya kaya kinuha ko na agad bago ko hiningi. "Akin na'to ha." "Wait—akin 'yan——" Wala na siyang nagawa kasi nakagatan ko na. Malaki akong ngumiti sa kaniya to the point na ang peke na tingnan. "Ang bait-bait mo talaga, kaya kaibigan kita eh!" sabi ko sabay hampas sa likuran niya. She coughed blood, joke, she coughed when my hitting went too forceful. Little did she know, I'm planning of killing her through it. In a nice way. Dejk. "Ang lakas naman Eve, may pinag-huhugutan ka yata eh." "Wala naman, isip mo lang yun." Tinigil ko rin agad kasi baka malaglag na ang baga niya, yun pa ikamatay niya. "So, are you going tonight?" "Where? May pagkain ba dun?" She looked at me flatly and chuckled. For the past weeks, she knew half of me already. Maybe because since my first day, she's been there to guide and support me. Kaya alam niya paano ako papayagin. "Yeah, a lot of food." Duda ko siyang tinignan habang kumakain, hinihimay ko lang yung sandwich kasi paubos na. "Sama ka dali, hanggang twelve lang ‘yun. Masaya dun, 'di ka mabo-bore," pangungumbinse niya na para bang nagse-sales talk. "Really?" "Yeah." "Sino'ng may birthday? Bakit ako invited?" "Ungas, lahat nga ng kaklase eh, sinabi ko na 'di ba? Si Terrence. Nakikinig ka ba sa'kin?" Napakunot siya ng noo. "Oo naman, saan ba gaganapin?" "Party lang yun, sa penthouse. Tayo lang naman dun eh. Saka marami do’ng gwapo." I waved my hand to dismissed her. I'm not interested in handsome boys, I'm fine with hunter x hunter cast. Hehe. "I won't come, Ed won't allow me. Gabi pa naman, alam mo namang 24/7 bodyguard ko ‘yun." Ngumiti lang siya sa'kin. "So, it's just once in a blue moon. You're old enough, Eve. Dapat ma-experience mo rin 'to, part 'to ng puberty!" Dugtong niya na parang gigil na gigil. Matagal ko ng nalampasan 'yang puberty na 'yan, ulol. "Tinatamad ako." "Evergreen naman!" Tila disappointed niyang bulyaw. "It's for the nth time, Eve. You're always rejecting my offer, ngayon lang naman." Pinanlisikan ko siya ng mata. "Ikaw Yula, demonyo ka sa buhay ko eh. Hindi nga papayag si Ed, magagalit si mama at tinatamad ako. Ano mapapala ko dun? Naglalasing mga tao dun, ayokong malasing at baka ma-r**e pa ako!" "Ang advance naman ng utak mo, lasing agad? r**e agad? E ‘di isama mo ang tiyuhin mo." "Gusto mong mabigwasan ako nun? Mas gugustuhin ko pang manood ng hunter x hunter kaysa gumala," bwelta ko rin. Napasimangot siya at laglag balikat akong tiningnan. "You really won't come?" "My decision is final and irrevocable." "Talaga?" "Yes, so goodbye!" Tumayo na ako at aalis na dapat nang may sinabi pa siyang nagpatigil sa'kin. "I heard Aliston is coming, tonight in eight." Agad pumihit ang ulo ko paharap sa kaniya. Nagdududa ko siyang tiningnan. "Cruise Aliston Monte Grande?" "No other than," ngisi niyang sabi. "He's a fourth year, how come he would hang out with the juniors?" "Terrence's brother is his best friend. Maya pupunta ‘yun." "Source?" "Bwisit ka!" Agad niya akong binato ng C2 na walang laman. Mabilis ko ‘yung sinalo at binato siya pabalik. Ayun, sapol! "Ang hirap mong kausap, Eve!" "Naniniguro lang, malay ko ba kung pinagti-trip-an mo lang ako?" Umirap siya kaya umirap din ako. "Si Jenina na nagsabi, kilala mo ‘yun? ‘Yung super fan niyang malantod?" "Of course." "So, will you come?" I sighed heavily and dramatically walked near her. She was watching me with furrowed eyebrows while I'm having my grand entrance. "A'will but, how's ma'uncle?" maarte kong sabi. "Don't worry, ako'ng bahala!" She exclaimed with a grin and then the next thing I knew, we're both kneeling before Edcharl with puppy eyes. Habang ang tyuhin ko ay problemadong nakatingin sa'min at nakapameywang. Sa itsura niya parang hindi niya alam ang gagawin. "Sige na po Tito, ngayon lang naman po, uuwi po ako po pag-alas diyes po," pagmamakaawa ko sa tyuhin ko. Nakaluhod kaming dalawa ni Yula sa harapan niya habang nakadaop ang mga palad at nagpapa-cute. Napahawak siya sa batok niya at mas kinunot ang noo sa'min. "Kuya, Ed~pumayag na po kayo po, kasama naman po ako ni Evergreen. Hindi po kami maghihiwalay~" si Yula na naka-pout sa harap ng tyuhin kong gusot ang mukha. "Pag pumayag kayo Tito, hahayaan ko po kayo manuod ng p**n araw-araw—ah!" "Bwisit ka talaga, Evergreen!" Bigla niyang pinitik ang noo ko kaya halos mahimatay ako sa sakit. Si Yula, nanlaki ang mata at napayuko para magpigil ng tawa. "Tito naman, sige na naman oh! Ngayon lang naman ako nagpaalam ah?" He looked at me flatly. "Tito, Tito, kanina Edcharl lang tapos ngayon Tito? Kasi may kailangan, Eve?" "Ayaw mo naman tinatawag kita na Tito." "Tss…" "Please, kuya Ed. Payagan niyo na po si Evergreen, swear just until ten," si Yula. "Hindi, magagalit si ate. Okay sana kung araw pero gabi, Yula. Hindi siya sanay." Napaikot ako ng mata. "Kaya nga eh, para masanay ako!" "Will you just shut up?" baling niya sa'kin at napahawak ulit sa batok. Sumimangot ako sa harapan niya. Alam kong 'pag hindi na maiguhit ang mukha ko napapangitan siya sa'kin kahit maganda naman ako, kaya madalas pinapaalis niya ako. "Tito…" Pinukol niya ako ng masamang tingin. "Tumayo nga kayo, Eve, tumigil ka na kundi isusumbong kita. Yula, umuwi ka na rin," maawtoridad niyang sabi. Agad kaming tumayo at kumapit sa magkabilaan niyang braso nang paalis na siya. Agad siyang suminghap at pinandilatan kami ng mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD