Chapter 2

1564 Words
Nang umuwi kami, agad umalis si papa para magtrabaho. Isa siyang construction worker sa isang construction site sa lugar namin habang si mama ay may pasok din sa isang store. "Ate, dalhin mo na kaya lahat ng gamit mo?" Suhesyon ni Sunny habang nag-eempake ako ng gamit para sa flight ko sa makalawa. Kunot-nuo ko siyang tinignan habang nagtutupi ng damit. "Ha? Bakit?" "Eh kasi doon ka na rin naman titira, doon ka mag-aaral, 'wag ka na lang bumalik dito---" "Bwisit ka!" Agad kong pinulot ang malapit na hunger ay binato sa kaniya. Napatili siya sabay ilag at agad din akong ginantihan. Sobra pa! "Bwisit ka rin! Nakakaasar ka na!" "At bakit sa 'kin ka pa naasar? Ako nga dapat maasar sa'yo eh!" Naghampasan kami ng hunger, yung iba nabali na kaya agad akong kinabahan. Malalagot ako kay mama! "What the—tumigil nga kayo, mag-iigib na ako ng tubig, Ate, bantayan mo yung sinaing ko!" Si Levi na kakapasok lang sa kwarto namin. Gusto ko sanang tumigil pero si Sunny pinalo ako sa balikat. Sa sakit ginantihan ko siya pero hinampas niya na ako sa likuran. "Sunny!" Pinanlakihan ko siya ng mata. "Umalis ka na, doon ka na sa Maynila! 'Wag ka ng babalik!" sigaw niya habang naluluha, ewan ko ba pero habang pinaghahampas niya ako, nakikita ko ang lungkot sa mukha niya. "Masakit na, ano bang problema mo?" Awat ko. Pero patuloy pa rin siya. Malala na ang kapatid ko, sa mga oras na yun nagawa kong tumawa dahil sa saya. Matagal ng bayolente si Sunny, palagi kaming nag-aaway pero alam ko kung kailan siya totoong galit. "Levi, awatin mo muna." "Tss, Sunny…" Isang tawag lang, tumigil na agad si Sunny at napatungo lang. Grabe talaga power nitong si Levi! "Aray ko, namamaga na ang balikat ko," I complained. But she did not look at me, I just heard her sobbed and then she went to hug Levi who was in the doorframe. Nagbuntonghininga si Levi at hinaplos ang likuran niya habang ako ay napaupo sa kama ko. Naramdaman kong uminit ang mata ko pero pilit akong tumawa. Inaaway mo ako tapos iiyak-iyak ka? "Bakit ka umiiyak, may namatay ba, Sunny?" nakangisi kong tanong. Agad siyang suminghap at binato ako ng hunger. Putik, meron pa pala siya nun? Buti nakailag ako. Si Levi sinamaan ako ng tingin. Sige, magkampihan kayo. "Ikaw yung mamamatay! Bwisit ka!" "Sunny, ang bunganga mo," saway sa kaniya ni Levi sa malalim na boses. I arched my brows to my younger brother, with amusement dancing in my eyes. "Don't spoil it," but he added. Bwisit na bata! "Gago! Umalis ka na nga, sama mo na 'yang si Sunny. Iiyak-iyak pa, aawayin naman ako." "Bahala ka nga sa buhay mo, hindi kita maintindihan," si Levi at hinila na si Sunny palabas. Ilang minuto akong tulala habang nakaupo sa kama, thinking of my fate after I will leave our home to study somewhere far. It's odd because I feel both excitement and sadness, or maybe, it's really what I should feel. Goodbyes are always painful, but there's still beauty after it. Like the sunset, it's symbolic, fascinating, alluring and an amazing view. Perhaps, I'm destined to leave Negros. So, I could finally start my destiny, so I could finally fulfill my purpose in life. Maybe, it's there, in that place far from here. -- "Edcharl, ikaw na bahala sa pamangkin mo ah? H'wag mo pababayaan 'yang si Evergreen, tanga 'yan, bantayan mo. Siguraduhin mo maaga 'yang natutulog at hindi puro lakwatsa." Magtatatlong buwan na ako sa Manila, nakatira ako sa bahay ng Tito at Tita ko na kapatid ni papa sa Taguig at nag-aaral na rin ako sa college. Yung Tita ko matandang dalaga, pangalawa siya kay papa habang ang Tito Edcharl ko ay ang bunso sa kanilang lima. "Opo, ate. Ako po bahala kay Eve, isang ground lang po kami kaya hindi makakatago ng baho 'tong Si Evergreen Tulips," si Edcharl kay mama sa video call. Nasa likuran lang ako at kumakain habang sila nagchichika na parang hindi ko sila naririnig. "Mabuti, patulugin mo rin ng maaga, Ed, nagpupuyat 'yan palagi eh." "Opo, palagi pong late matulog 'yang si Eve dahil puro Hunter X po pinapanood. Ewan ko ba dun, ate." Nilingon pa niya ako habang nakanguso. Umirap ako sa kaniya at kumain ng tahimik habang si Mama, talak ng talak kay Ed. Lahat na ng old habits ko sinabi niya na at ‘yun namang si Ed, dugtong nang dugtong. Sarap ingudngod sa laptop niya. "H'wag mo palalabasin sa gabi ah, Ed, 'di baleng tanga, medyo bobo rin 'yang pamangkin mo. Kaya bantayan mo mabuti," Si Mama ulit. "No worries, Ate, I'll guard her from predators," Ed answered proudly. Kinindatan niya pa ako kaya binato ko siya ng buto ng isda. "Ew, Evergreen, stop! Kadiri ka!" maarte niyang sabi at lumayo sa'kin. "Tsismoso ka kasi." "Hindi yun chismis," banat niya at kinausap ulit si Mama. Hanggang sa natapos na ako kumain ayun pa rin siya sa harap ng laptop. Nasa second year college na siya at kumukuha ng Education. Dalawang taon lang ang tanda niya sa'kin kahit tyuhin ko siya kaya hindi ko siya tinatawag na tito. "Male-late na tayo, ungas. Si Mama pa ba 'yan?" sabi ko at umupo sa tabi niya. Akmang sisilipin ko 'yung pinapanuod niya pero agad niyang sinarado ang laptop. Agad kaming nagkatinginan. Nagtaas ako ng kilay habang siya tiningnan ako nang masama. Just by the look in his eyes and face, I could already tell what was he watching. Early in the morning and here he was, watching his so-called chemistry. "Walanghiya ka," mahina ang boses na wika ko. "Magte-teacher ka, nanonood ka ng p**n, nang ganito kaaga? Kung ako ang estudyante mo, ire-report kita." "Tss bakit ba? Chemistry ‘yun, saka kailangan ko rin ‘yun pag-aralan, eh. or future purposes," he reasoned out. "Chemistry mo mukha! Future purposes, anong major ka ulit? At pinag-aaralan mo kung paano 'yan?" "Major in math, tanga," banat niya at nagligpit na agad. Pinag-krus ko ang braso sa dibdib at tiningnan siya ng masama. Nasasanay na yata siyang tawagin akong tanga? Bakit tinatawag ako na ganun? Mukha ba akong tanga? Magad. "Major in math, sira ulo ka! Wala 'yan sa math!" "Pake mo ba?" "Inaaraw-araw mo na 'yan ah, nakakakain ka pa ba dahil diyan?" "Syempre. Maraming kain nga eh," nakangisi niyang sagot kaya binato ko siya ng throw pillow. He just tilted his head and let the pillow pass through him. Arching his brow, he walked toward the door with his bag and dear laptop. "Kapag ako estudyante mo at nahuli kitang ganyan, mawawala respeto ko sa'yo!" habol ko at sumunod sa kaniya. Hindi niya ako sinagot at pareho na kaming nagtungo sa garage para sa kotse. Isa pa nilang kapatid ay nasa Canada nagtatrabaho at yun ang nagpapa-aral sa kaniya habang ako ay nakakuha ng scholarship sa isang private school kung saan kami ngayon nag-aaral. Sumakay ako sa shotgun at siya ang nag-drive patungong school. And like the usual morning, nag-aasaran kami habang nasa kotse. I tried snatching his laptop to annoy him but to my disappointment, it has password. Ang talino ng lintik. "Don't even try," sabi niya na nakataas ang kilay. Umirap lang ako. "Nakakadiri kaya 'yon, tigilan mo na nga panonood nun." "Oo, ‘pag nagsawa na ako. H'wag mo na lang pakialam laptop ko, meron kang sa'yo, 'di ba?" Nang makarating ay nag-park din siya sa garage pero sa lumang garahe lang kami. Masyado kasing marami ang estudyante na may sariling kotse kaya dalawa ang garage pero kadalasan, mga mayayaman lang naman gumagamit sa bago. "Oh, sa'n ka pa?" tanong niya nang iba ang daan ko, agad akong sumimangot. "Ihahatid na kita, ungas. Maaga pa para mang-stalk." "H'wag mo na ako ihatid, hindi na ako bata, Ed!" ungot ko pero tiningnan niya lang ako. Hay buhay, bakit ba kung ituring nila ako parang bata? Every day, he's walking me to my building and he would fetch me after my class. He's so overprotective, na minsan, napagkakamalan na kaming magsyota. Like seriously? Sa ganda kong 'to, mukha ba akong papatol sa tyuhin ko?! God damn it, people! Ship n’yo na ako sa lahat, sa crush kong taga Monte Grande pero 'wag naman sa Tito ko. "Tumigil ka nga, maniniwala lang ako kung hindi ka na into Hunter X Hunter. So, freaking stop nagging and just follow me!" "Hindi naman kasi sa panunuod nun ang basehan, Ed! Alam mo bang iniisip ng mga kaklase kong hindi alam na magtito tayo na boyfriend kita? Like wtf? Hinding-hindi kita papatulan," natatawa kong sabi na nagpatawa rin sa kaniya. Tumatawa siyang umiling at inakbayan ako. "For real? Hindi rin ako papatol sa'yo, Tss. Lahat na lang 'wag lang ikaw. Nakakasuka," sabi niya. "Oo nga eh kaya 'wag mo na ako ihatid. I can handle myself, okay?" "It's my responsibility to make sure you're okay too, Eve. Baguhan ka pa lang dito, ako matagal na. People need to see you with me so they will not do pranks to you, uso ‘yun tanga." Here he goes again. Nakikigaya na siya kina mama. Sometimes, I see Sunny and Levi in him. The way he talks to me is like my sister, the way he treats me is like Levi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD