The Kidnappers

2833 Words
Chapter 2 Pinanuod lamang ng lalaking puti ang buhok ang babaeng lumipad paalis hanggang sa tuluyan siyang nawala sa tingin niya. “Bzzzt Jethro where are you? Over,” tunog mula sa isang gamit na nakakabit sa tainga ng lalaki. Nilagay ng lalaki ang kanyang hintuturo sa kanyang tainga at may pinindot. “Bzzzt at the back of the school. Over,” malamig niyang sabi. “Bzzzt have you found her? Over.” “Bzzzt Yes. She escaped. Over.” “Bzzzt...(no reply)...bzzzt.” “Bzzzt everyone assemble to where Jethro is. Over.” Mayamaya may anim na lalaki na dumating sa lugar mismo kung saan nakatayo ang lalaking may puting buhok na nagngangalang Jethro. “So what happened?” tanong ng lalaking kulay asul ang buhok sa kanya. “I found her classroom and trapped everybody inside including her,” malamig na sagot ni Jethro. “And you are telling us that she escaped?!” naiiritang tanong ng lalaking pula ang buhok. “Because she is strong,” walang emosyong sagot ni Jethro sa lalaking pula ang buhok. “She followed me until here and I tried to convince her but it was no use. She attacked me but I was able to shield myself.” “I see,” sabi ng lalaking kulay asul ang buhok sabay napahawak sa kanyang baba para mag-isip. “Well, there must be another way,” sabi naman ng lalaking kulay berde ang buhok. “Well, you saw how she escaped?” tanong ng lalaking blonde ang buhok. “She flew away,” sagot ni Jethro. “That’s a good thing,” sabi ng lalaking gray ang buhok kaya napatingin ang lahat sa kanya. “I can track her up the sky.” “Go ahead Turuki,” sabi naman ng lalaking kulay asul ang buhok. Kinontrol ng lalaking kulay abo ang buhok ang hangin, na ang pangalan ay Turuki at gumawa ng ulap para lumipad pataas at tumingin ng malayo para malaman kung saan pumunta ang tinutukoy nilang babae. Mayamaya lang, bumaba siya agad. “She went that way,” sabay turo kung saan. “Okay Turuki lead the way. Everyone, Bouger! (Move! in French)” utos ng lalaking kulay asul ang buhok at sinundan nga nila si Turuki. Dahil sa may mga kapangyarihan sila, si Jethro ay gumagawa ng daan gawa sa yelo habang nag-ska-skate. Si Eaux (pronounced as “Lou”) naman, ang lalaking kulay asul ang buhok, may malaking alon sa kanyang likod at nakasakay sa isang surfing board habang nag-su-surf. Si Edmondo, ang lalaking kulay kape ang buhok, tumatalon siya nang sobrang taas tapos gagawa ng maliit na hill kung saan siya mag-la-landing at tatalon ulit at si Feesy, ang lalaking kulay berde ang buhok, tumumbling siya sa bawat sanga ng puno. Ang natirang tatlo ay nasa himpapawid na sina Turuki, na nakasakay sa isang ulap, si Zoltar, ang lalaking blonde ang buhok na nakasakay sa isang platform at si Fuego naman, ang lalaking kulay pula ang buhok ay nagbubuga ng apoy mula sa kanyang kamay para makalipad. Mayamaya lang, tumigil at bumaba si Turuki. “Arret! (Stop! in French)” sabay taas ng kamay ni Eaux na ikinatigil nilang lahat. “We’re here,” sabi ni Turuki, sabay na hinawi niya ang mga sanga na nakaharang sa kanilang harap at may nakitang isang maliit na bahay sa gilid ng ilog. “Is this where she lived? Such a lonely place,” sabi ni Feesy. “Yup, you said it,” sang-ayon ni Edmondo. “So Eaux, anything in mind?” tanong ni Fuego. Hindi siya nakaimik at nagsimulang mag-isip. “Well, I suggest that we knock and talk to her nicely. Maybe that will convince her,” masayang sabi ni Feesy. “That could be,” pag-agree ni Eaux. “What do you think Zoltar? You must have an idea.” “Well, what Feesy said could be,” sagot ni Zoltar. “But still, if she refuses to come with us, I suggest we should use force because just like what Jethro said, she is hard-headed.” “I think that will do. So, who will knock and talk to her?” tanong ni Eaux. “Me! Me!” masayang tinaas ni Feesy ang kanyang kanang kamay. “Uhm wait. I suggest Jethro,” sabi bigla ni Fuego kaya napatahimik silang lahat at tumingin kay Fuego dahil sa sinabi niya sabay namang napabuntong hininga si Eaux. “What is it that you want to say Fuego?” sabi ni Eaux. “Since Jethro knows their language, he can talk straight to that girl and maybe he can convince her,” sagot ni Fuego. “But he already tried it earlier,” sabi ni Edmondo. “Then just like what Zoltar said, we are going to fight her back if she is that hard,” sabi ni Fuego. “He has a point,” pag-agree ni Turuki. “Well, what do you say Jethro?” tanong ni Eaux. Nakatingin lamang si Jethro sa bahay ng malamig. Hindi siya umimik at iniglapan lamang ang mga kumakausap sa kanya bago naglakad papunta sa bahay. “You know what, that guy is really weird no matter what the situation is,” sabi ni Fuego. “You said that so many times Fuego,” sabi ni Eaux. “Right now, you should have adopted that attitude of his for how many years we have been together.” “I will never.”   ~~~ Hay, nandito na rin ako sa bahay. Agad akong humilata sa upuan dahil sa pagod. Grabe. Ang daming nangyari ngayon. Ano na lang gagawin ko ngayong alam na nila ang tungkol sa sumpa na ito? Napabuntong hininga ako dahil doon. Saka isa pa yang nakaka bwiset na lalaki na yan. Panira ng araw. Sana hindi ko na siya makita. Knock, knock. Nagulat ako at lumingon sa pinto. Sandali, may kumatok sa pinto? Talaga?! As in?! Knock, knock. Imposible ito. Walang sino man ang nakakaalam ng lugar na ito. Nanigas muna ako sa aking kinauupuan at nag-isip kung bubuksan ko ba o hindi. Knock, knock. Okay, mukhang mapilit ang isang to. Hingang malalim… sabay naglakad ako papunta sa pinto. Kung sino ka man, malas ka ngayon. Binuksan ko ang pinto at tuluyang nagulat dahil nakatayo siya sa harap ng pinto ko ngayon. Not this guy again. Paano niya ako nahanap? “Ikaw na naman!” sigaw ko habang nakaturo sa kanya. Alam niyo naman ang sagot ng lalaking ito. Hindi iimik at babalikan ka lang ng tinging malamig. Hindi ko nga alam kung bakit ko pa siya kinakausap. “Bakit ka nandyan?” seryoso kong tanong. “To convince you,” malamig niyang sagot. Wow. Sumagot siya. “Huh? Convince me?” “Para kumbinsehin ka.” Okay, tinagalog niya lang. Ang galing. “Alam ko mag-English kuya. Kumbinsehin ba saan?” “Na sumama ka sa akin,” poker face niyang sagot. O tignan niyo? Hindi na nga minsan iimik tapos kung iimik, paulit-ulit pa. Sarap suntukin. “Kuya, ilang beses mo na ba yan sinabi sa akin at tatanungin kita muli, sumama ba saan?” Akala ko sasagot siya pero, bigla niya akong iniwasan ng tingin. The HELL! Kung andito siya para kumbensihin ako, bakit ganito ang mga kilos niya? Alam niya ba ibig sabihin ng “convince”? Sa tingin niya ba nakukumbensi ako sa sinasabi niya? Sadyang baliw ba talaga siya? “Sige ganito, white haired dude—” “Jethro,” singit niya kaya napatigil ako at tinaasan ko siya ng kilay. “Uhm okay, Jethro. Sagutin mo muna ako bago ako sasama sa iyo,” I crossed my arms right in front of him. “Saan tayo pupunta?” Tumahimik siya sandali bago, “Sa lugar kung saan ang mga tulad natin nabibilang.” Handa na dapat akong sasabat, pero napatigil ako bigla sa sinabi niya at nagulat habang nakatingin sa kanya. “Lugar kung saan tayo nabibilang?” bulong ko sapat para marinig niya. “Isa siyang lugar na puno ng mga taong kayang kumontrol ng iba’t ibang elemento at isa ka roon...” sagot niya. Hindi ako nakaimik pagkatapos nun. “...kaya sumama ka na dahil ang lugar na yun ay kung saan ka nabibilang,” dagdag niya. Yun naman pala eh. Maipapaliwanag niya naman pala. Anong mahirap na sabihin lang yun? Pero sandali lang. Marami pang mga katulad ko sa mundong ibabaw na ito bukod sa kanya? “All this time...” bulong ko sa sarili ko. All this time, iniisip ko na akala ko mag-isa lang ako at dito na talaga ako titira, sa lugar na ito na hindi naman ako nabibilang. Binalik ko ang tingin ko sa poker face niyang mukha na nakatitig sa akin. Ay sandali Yani. Mukhang may mali sa mukha nito ah. “Teka. Baka niloloko mo lang ako,” sabi ko sa kanya at tinaasan muli siya ng kilay. Binalikan niya lang ako ng tinging malamig. “Sa ilang taong pinagdaanan ko, wala pa akong naririnig na ganyan,” paliwanag ko naman. “Buong buhay ko, iniisip ko na ang isang tulad ko ay nag-iisa lang sa mundong ito tapos eto ka ngayon, taong nakakakontrol ng yelo na isang Pilipino na nag-aalok sa akin sumama sa lugar na sinasabi mo… hindi ko maintindihan.” Napaiwas siya muli ng tingin sa akin. “Tapos yang mukha mo pa, wala man lang emosyon. Sino naman ang makukumbinse sa ganyan?” dagdag ko. Binalik niya ang tingin sa akin at nagtitigan lang kami pagkatapos nun. Ano ito? Staring contest? Napabuntong hininga na lang ako na kinabasag ng katahimikan. “Siguro mas maganda umalis ka na lang—” “Kung ganun, may gusto akong sabihin,” singit niya kaya napatigil ako. Nabigla ako sa sumunod niyang sinabi pero mukhang nabingi ata ako at dumaan ang ilang minuto bago ako nakatanong. “Uhm ano ulit yun?” “Kalabanin mo ako.” Tuluyan akong nagulat. “Hah? Teka, teka, naririnig mo ba pinagsasabi mo?” “Isa itong hamon,” sagot niya. “Kung nanalo ako, sasama ka sa akin ng wala nang reklamo pero kung ikaw ang nanalo, hindi na kita papakialamanan buong buhay mo.” Ano raw? Saan niya nakuha yun? Mukhang ang lakas ng confidence niya sa sarili niya na mananalo siya. Kilala niya ba ang makakalaban niya? “Deal?” walang buhay niyang tanong. “Wait, wait. Dahan-dahan lang—” “If you dare to quit, you lose,” sabat niya. Aba nag-English. Magaling din itong lalaking ito ah. Nahuli niya ako nun. “Oo o hindi?” tanong niya muli. Hayst, ang pilit niya hah. “Uhm uhh si-sige ba. Game!” taas noo ko namang sagot. Pagkatapos niyang marinig ang sagot ko, naglakad siya sa open space na damuhan. Grabe. Bakit kailangan pang umabot sa ganito? Kinakabahan na ako sa mangyayari.   Tumayo ako mga ilang metro ang layo mula sa kanya. Okay. Hingang malalim muli. Kalma lang, Yani. “Sabihin mo lang kung magsisimula na,” sabi niya. “Okay. Uhm, ready na ako,” pero sa totoo lang medyo kinakabahan pa rin ako at hindi ko alam ang gagawin. “Ladies first.” Nabigla ako saglit. Ayan kasi Yani, nagsinungaling ka pa. Okay. Kaya mo yan. Focus lang. Tinignan ko siya ng mabuti at dahil sa nalaman kong nakokontrol niya ang yelo, gumawa agad ako ng bola na gawa sa apoy at binuga ito sa kanya pero agad siyang gumawa ng bakod na gawa sa yelo para harangin ito. Natunaw ito ngunit hindi siya natamaan. Mukhang sanay na ata siya sa kapangyarihan niya dahil nakatayo lang siya roon at hindi man lang gumalaw ni kahit anong bahagi ng katawan niya. Kung hindi gumagana ang apoy, sinuntok ko ang lupa at isa-isang umangat ang mga malalaking bato papunta sa kanya pero bigla siyang naglaho sa kinakatayuan niya. Oh shacks. Nasaan siya? Saan siya pupunta?! May nakita akong anino kaya napatingin ako sa taas. Nasa ere siya at bigla siyang umatake ng mga patalim na gawa sa yelo kaya tumalon ako agad para iwasan ito at gumawa ng bola na gawa sa hangin at sumakay dito. Tumingin ako mula sa taas kung nasaan siya. Nang nakita ko siya, inangat ko ang kanang braso ko na nakaturo sa gubat at gumawa ng mga baging na may mga matutulis na tinik at sinundan siya. Ginawa niyang yelo bawat isa habang papalapit ito sa kanya nang hindi man lang tumitingin sa mga ito. Tsk. Mula sa taas, tumalon ako pababa at gumawa ng sobrang laking alon ng tubig at sumakay sa tuktok nito. Gumawa ako ng mga patalim na gawa sa tubig at inatake sa kanya ngunit pagkalapit ng mga ito, bawat isa ay naging yelo at nahulog sa tabi niya na hindi man lang siya kumibo. Tsk. Tumalon ako mula sa tuktok at kinontrol ang alon papunta sa kanya at muli nung malapit na ito sa kanya, naging yelo din ang alon. May kwenta pala ang confidence niya. Tumalon ako ulit papunta sa tuktok ng alon na gawa sa yelo at tinignan siya sa baba. Tumingin siya sa akin pabalik ng malamig. Alam niyo, kung hindi lang ganyan ang mga tingin niya, baka sumama na ako sa kanya ng di oras. Pero nakakaasar eh. Mula sa aking mga daliri, naglabas ako ng kuryente at tinutok sa kanya. Muli gumawa siya ng harang kaya nag-teleport ako sa kanyang likod at umatake ulit ng kuryente pero may humarang ulit na yelo. Ano yun? May mata siya sa likod?! Naglaho ang yelo sa likod niya at humarap siya sa akin. Tinignan niya lang ako ng napakalamig. Grabe, wala pa akong nakalaban na ganito kalakas or should I say, siya ang una kong nakalaban sa buong buhay ko. “Yun lang ba kaya mo?” malamig niyang sabi. Aba ang hangin niya ah. Naglabas ako ng sobrang lakas na apoy mula sa aking mga braso muli. Wala akong pakialam kung gagawa siya ulit ng harang na gawa sa yelo. Tutunawin ko yan! May namuong pagkakapal na usok dahil sa ginawa ko ngunit mayamaya lang may tubig galing sa aking kanan dahilan kaya natamaan ang kanang braso ko. “Aray!” angal ko. Dahil dito, napatigil akong maglabas ng apoy sabay napaupo ako at hinawakan ang masakit kong braso. Saan nanggaling yung tubig na yun? Don’t tell me kaya niya ring kontrolin ang tubig? “Jethro, are you alright?” sabi ng isang lalaki na asul ang buhok at patakbong lumalapit kay Jethro kuno. Sino naman siya? Nang tuluyang nawala ang usok, nakita ko si white-haired dude na medyo nasunog ang kanang pisngi. Ibig sabihin, natamaan ko siya? Ironic na nasaktan ko siya pero napangisi ako. “Jethro, you’re hurt,” sabi ng blue-haired guy. Hindi niya pinansin ang lalaki at binigyan muna ako ng isang seryosong tingin sabay pinikit ang kanyang mga mata. Biglang nawala ang sunog sa kanyang pisngi na parang walang nangyari sa mukha niya sabay namang nawala ang ngiting tagumpay sa aking mukha. Tss. Ano ngayon kung natamaan ko siya? O di siya na. “Take a rest Jethro. We will take care of this,” sabi ng blue-haired guy sabay na tumingin din sa akin ng seryoso. Hindi umimik si Jethro. Ano to? Recruitment?! Ang daya hah! Wala kaming rules na pinag-usapan pero kahit na! Sa kahit anong laban, hindi yun patas. “Hey there miss.” Napalingon ako sa aking kanan kung saan ang nagsalita. May isang lalaki na pula ang buhok at mata na nakatayo na naka cross arms habang nakatingin sa akin. “That fire was really intense. Not bad I should say,” sabi ng lalaking ito at ngumiti pa ng nakakaloko. Okay at sino naman ito? “I never expect that you’re that strong.” Napalingon naman ako sa aking kaliwa at may nakita namang isang lalaki na kulay kape ang buhok at mata na nakapamulsa ang dalawa niyang kamay. “Si-sino kayo?” tanong ko sa kanila puno ng kaba. “Pardon?” sabi ng blue haired guy habang papalapit sa akin. Shacks. Umiba yung pakiramdam ko nung lumapit sila. Ano sila, foreigners? Tatawag na nga ng kasama, foreigners pa? Tapos ang dami pa nila. Wow hah. Ang galing ng plano mo white-haired dude. “Look Yani, we are not here to hurt you so calm down,” malumanay na sabi ng blue haired guy pero tuluyan lang akong nagulat at kinabahan. Sino ba talaga sila? Bakit niya ako kilala? Shacks! So totoo nga? Recruitment ito? Talagang may mga mag-ki-kidnap sa akin hindi lang si white haired dude?! Nakaramdam ako ng takot pero linabanan ko ito at sisiguraduhin kong hindi nila ako kukunin. Wala na akong pakialam kung sino sila basta sigurado akong kasama niya sila. Hindi ko hahayaang— Biglang bumigat ang katawan ko at unti-unting pumikit mata ko. Bakit ganito? Bakit bigla akong inantok? Tuluyang bumagsak ang katawan ko sa lupa. Anong nangyari?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD