Danica's POV Nang dahil sa flowershop, mas naging abala ako at madalas na ring nagkikikilos. Maaga akong gigising para makapaghanda at tutok na ako palagi sa harap ng laptop ko. Mas gusto ko ring may ginagawa ako kesa ang palagi na lang akong nakahilata rito sa mansyon namin. Pero kahit na ganon, hindi ko naman nakakalimutan ang aking tungkulin bilang asawa. "Babe, kumain ka muna bago umalis." Pag-aaya ko kay Noah nang makita ko na itong bumaba sa hagdan habang kinakabit ang huling butones ng kanyang suot na polo. "I'll just grab some coffee on my way," aniya habang hindi nakatingin sa akin. "Are you sure? Masyado pa namang maaga, mas mabuting may laman 'yang tiyan mo." Alas siete pa ng umaga kaya imposibleng mahuhuli ito sa meeting niya kung meron man. Ang pagkaka-alam ko kasi ay