Chapter Two
Ang bait ng mga tao sa mansyon ng Chan. Maging ang mga maid ay alagang-alaga ako.
Tinuring ako ng mga ito na bisita. Dahil iyon ang sabi ng may-ari na si Misis Chan.
Hindi naman ako pinapayagan na kumilos dahil hindi pa naman daw nagsisimula ang araw ko.
Nakasunod lang ako kay Manang Fely, ang katiwala ng Chan. Ang mayordoma.
Hindi ko maiwasan na magtanong kay Manang Fely.
"Ah Manang, ano po ba ‘yon aalagaan ko bata pa po ba iyon?" ngumiti naman ang Ginang bago sumagot.
"Hindi anak, malaki na at binata na ang anak ni Ma'am Rein. Sana matagalan mo ang ugali niya," nakangiti na sabi ng Ginang.
Naisip ni Kristina kung bakit kailangan pa nito ng personal maid.
"Hindi ba niya kaya sarili niya?" sa isip isip ko.
Itinuro na lang ni Manang Fely, kung ano pa ang dapat kong gawin. At iniwan na niya ako. Napag-isip-isip ko kung, ano nga ba ang hitsura ng lalaking pagsisilbihan ko.
Naglinis na lamang ako at pagkatapos ay nagluto. Sinunod ko naman ang kwarto ng amo ko. Namangha ako sa ganda nito. Lalaking-lalaki ang kulay. Napatingin ako sa picture frame na nakapatong sa mesa. Isang babaeng mestisa na napakaganda at may kulay ang buhok. Wala sa sariling humanga ako sa kagandahan ng babaeng nasa picture frame.
"Ang ganda naman niya," napansin kong may sulat sa likod, hindi ko alam kung bakit nangialam ako basta tiningnan ko iyon. Nangangati ang kamay na buklatin iyon.
'I LOVE YOU ELIANA. YOU ARE MY LIFE'
Sino si Elianna? Siya kaya si Elianna? Sa tingin ko obsses ang amo ko sa babaeng ito.
Inilapag ko iyon at nagpatuloy na lang sa paglilinis.
Natapos na ako sa lahat ng gawain ko pero hindi ko pa rin nakikita ang magiging amo ko. Napaupo muna ako sa sofa habang hinihintay siya pero parang wala ata balak na umuwi.
Nagising ako nang maramdaman kong may yumuyugyog sa aking balikat. Naalala ko, naupo lang ako sa sofa saglit pero nakaidlip na pala ako. Paano na? Siya na kaya ang amo ko. Napapalunok ako nang wala sa oras dahil sa nagawa kong pagtulog. Ano na lang ang sasabihin nito sa akin. Ang bago ko pa lang pero masama na kaagad ang nakita niya sa akin.
"Hey, wake up! You idiot!" boses pa lang bossy na ang dating. Ramdam ko ang galit sa boses nito. Nakagat ko ang ibabang labi ko.
Dahan-dahan akong napatayo. Pero hindi tumitingin sa kaniya nanatili akong nakayuko, tanging sapatos niya lang ang nakikita ko.
"Who are you? Puwede ba tumingin ka sa akin ng diretso, kinakausap kita."
Nanatili akong nakayuko. Talaga pa lang susuko ka kaagad kapag siya ang naging amo mo dahil sa walang modo itong kausap. Kalaunan, unti-unti kong inangat ang aking paningin sa kaniya, ganoon na lang ang gulat ko nang makilala ko siya. Siya ang lalaking nam-bubully sa akin noong high school pa lang kami.
Nanlaki ang mga mata ko na nakatingin sa kaniya. Hindi ako makapaniwala sa dami-daming tao sa mundo siya pa, siya pa na walang ibang ginawa kung 'di ang asarin at bully-hin ako noon.
Crush ko na siya noon, kahit binu-bully niya ako. Nagawa ko pa rin humanga sa kaniya, sa kaguwapuhan niya. Hindi ko akalain na magkikita pa rin kami, hindi lang magkita, magsasama pa kami sa isang bubong because I'm now his personal maid. For pete's sake.
"Again, who the hell are you?" nakakunot ang noo na tanong nito.
Galit ang mukha niyang nakatingin sa akin. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang kaniyang ugali.
"Ako po ang bago mong personal maid, Mr. Chan."
Magalang kong sagot sa kaniya habang nakayuko. Gusto kong umalis at mag back out na lang pero, iniisip ko rin ang mga nagamit kong pera. Ang utang ko sa best friend ko kasabay pa ang iba pa namin utang na hindi nababayaran.
"Did my Mom hired you? How much do you want? Para iwan mo ang trabaho na 'to?" Nakita kong may kinuha siya na bagay sa loob ng kaniyang wallet.
"Lahat na sumubok maging maid ko ay binayaran ko. That's why they left me. And you?" Turo niya sa akin "How much? Name it!"
Ang yabang naman niya, puwes, ibahin naman niya ako sa mga ibang maid niya. Nandito ako para magtrabaho at paghirapan ang bawat pera na mapupunta sa mga kamay ko.
Hindi ko na lang siya sinagot, bagkus ay kinuha ko ang dala niyang bag. Mula sa kaniyang kamay.
"Nandito po ako para magtrabaho. Hindi ako nagpapabayad sa perang hindi ko pinaghihirapan,"
mahaba kong sabi sa kaniya, tiningnan niya ako ng masama at pinakatitigan. Tumaas ang kaniyang kilay.
"What do you mean? Hindi mo tatanggapin ang pera? Idiot!" Itinapon niya ang pera sa harapan ko at nagkalat ito sa sahig.
"Itapon mo, kung gusto mo. Linisin mo ang buong penthouse. Hanggang sa maisipan mong umalis dito. Ayaw mo sa madalian na pera. Then, magpakahirap ka!" singhal niya, at tuluyan nang tumalikod sa akin.
Hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon ganoon pa rin ang kaniyang ugali. Napakayabang pa rin niya, walang pinagbago.
Wala akong ibang ginawa kung 'di ang pulutin ang pera na kaniyang itinapon.
Gusto ko siyang sigawan at pagalitan dahil sa ginawa niya pero, sino ba naman ako isa lang naman akong hamak na personal maid.
"Sorry," agad kong sabi sa lalaking nakabanggaan ko. Kilala ko ang kaniyang mukha dahil famous siya sa school. Siya si Dylan ang lalaking ubod ng yabang at bully.
"What the f**k! Sorry? Matatanggal ba ng sorry mo ang mantsa sa uniform ko?" Bigla niyang tinanggal ang kaniyang uniform sa aking harapan at sa maraming estudyante.
Napalunok ako sa nakikita ko ang bata-bata ko pa para makakita ng ganoon. Nang hubad na katawan. I mean 'yong walang damit.
"Labahan mo!"
Hinagis niya iyon sa akin at buti nasalo ko naman.
"Kulang pa pambayad iyang katawan mo sa uniform ko na namantsahan mo. Do you know how much that uniform is?" Bigla siyang lumapit sa amin at mayabang akong tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Huwag mo nang alamin baka mangisay ka, tsk!"
Nagtawanan naman ang kaniyang mga kasama
"Ang yabang!" bulong ko, alam kong narinig niya iyon.
The next-day, kahit ayaw niyang nakasunod ako sa kaniya ay pinilit ko pa rin na pakisamahan siya kahit pinagtutulakan na niya akong umalis sa kaniyang penthouse. Pero dahil kailangan ko ng pera ay tiniis ko ang pangit niya na ugali kahit pa tinatapak-tapakan niya ang aking pagkatao.
"Mom, Ano 'to? I'm not a kid anymore. You know what? This is bullshit!"
Narinig ko mula sa nakaawang na pinto ng kaniyang silid. Ang masungit at mayabang kong amo.
"Gusto kong tanggalin niyo na ang babaeng pinadala niyo dito. Hindi siya aalis hangga't hindi kayo ang tumatanggal sa kaniya, so annoying!" galit na boses ng aking amo na si Dylan.
Alam ko si Ma'am Rein ang kausap niya sa kabilang linya. Grabe, kahit Mama niya ganoon pa rin ugali niya napaka walang manners.
Crush ko siya noon kahit ganiyan ugali niya, pero hanggang ngayon wala pa rin pinagbago sa ugali niya mas lalo pa atang pumangit ngayon.
"Okay, si Dad na lang kakausapin ko, atleast si Dad mas nakakaintindi sa 'kin" aniya.
Dali-dali akong umalis sa pinto nang makita kong pinatay na nito ang tawag at nagtungo sa pinto. Huli na para magtago ang bilis niyang nakarating sa pinto at nakita na niya ako.
"What are you doing? Are you listening to someone's call?"
Naghanap muna ako ng maisasagot sa kaniya bago nagsalita.
"A-ano po kasi, ahm...wala na po kasing itlog sa kusina kaya nagtungo ako sa kwarto niyo pero may kausap kayo sa phone kaya hindi ako tumuloy," palusot ko.
Ano bang palusot 'to?
Lumapit siya dahan-dahan sa akin. Para akong matutulala dahil parang nag-slow mo siya sa paningin ko.
"Anong gagawin ko kung walang itlog sa kusina? May itlog ba sa silid ko?" kunot-noo niyang tanong.
"Baka kasi puwedeng hiramin 'yong itlog niyo," nanlaki mata ko sa sinabi ko at napatakip ng bibig. Ano bang nasa isip ko at 'yon ang sinabi ko. Halatang nabigla siya sa sinabi ko.
"What?" he asked confused
"I mean, ahm...mag-grocery po ako kaya manghihingi po sana ako ng pambili. 'Yon po ibig kong sabihin," nahihiya kong paliwanag.
"Inuutusan ba kitang mag-grocery? Puwede kang umalis at huwag na magpakita pa. Hindi kita kailangan," anito.
Kahit anong paalis niya sa akin hindi pa rin ako aalis. Unless, si Ma'am Rein ang magsasabi. Si Ma'am Rein lang ang dapat na magpaalis sa akin dahil siya ang tumanggap sa 'kin.
"Hindi ako aalis. Unless, paalisin ako ni Ma'am Rein," matapang kong sagot.
"Damn it!" Binalibag nito ang remote na hawak at naglakad patungo sa terrace. Naghithit ng sigarilyo. Bad boy.
"Hoy, babae!"
Narinig kong sigaw niya mula sa terrace. Alam kong ako ang babaeng tinatawag niya. Walang iba kung 'di ako.
Nagmadali akong lumapit sa kaniya. Halos liparin ko na 'yon sa lakas ng boses niyang tumatawag sa akin.
"Ahm...yes sir," sagot ko nang marating ang terrace. Halos hingal ko siya na hinarap.
"Bakit ang daming kalat dito? Hindi mo ba nililinis ito?" Tinuro niya ang mga nakakalat na sigarilyo sa sahig.
"Wala pa po iyan kanina diyan. Dito po ako galing kanina," sagot ko
"So, pinagbibintangan mo ba ako? What is your name again?"
Bakit naman niya tinatanong pangalan ko?
"Kristina," tipid kong pakilala.
"You look familiar, hindi ko lang matandaan. Well, paano ko matatandaan ang ganiyan klase na pagmumukha." Sabay hithit na naman niya ng sigarilyo.
Alam ba ni Ma'am Rein 'to?
"Pagkatapos mo linisin dito, isunod mo ang kwarto ko!" utos niya, at naglakad na papasok.
Napakayabang niya talaga walang pinagbago. Sayang lang ang paghanga ko sa kaniya.
Natapos ang araw ko na pagod sa paglilinis, kapag kasi nandito si Dylan ay hindi mawawalan ng kalat, sa dami ng pinagkakaabalahan na mga gamit sa kwarto niya at maging sa salas. Kinakalkal niya lahat na parang sinasadya niya. Kahit magkalat pa siya na magkalat hindi pa rin ako aalis, kailangan ko ang trabaho kaya titiisin ko lang 'to.