Kristina's POV Napamulat ako nang mata. Sobrang ingay kasi ng tilaok ng manok. Unang - una nasaisip ko ay si Dylan. Nakatulog kaya siya kagabi? Naalala ko pa ang ginawa namin kagabi. Kung hindi nagising si Kyle, sigurado kung saan na aabot ang ginagawa namin. Baka titirik na naman ang mata ko. Napakagat ako sa kumot. Nasa isip ko pa rin ang bawat paghaplos ni Dylan sa kkatawan ko. Hindi ako makapaniwalang gagawin niya sa akin yun. Nasa katinuan siya at hindi naman nakainom pero bakit ganun ang inasta niya. Ayoko sana pag-isipan ng kung ano-ano ang nangyari kagabi pero ginugulo ako ng isip ko. Sinilip ko si Kyle. Mahimbing pa itong natutulog. Sa kabilang side naman, sinilip ko si Dylan. Ganun na lang ang pagbalikwas ko mula sa pagkakahiga nang makitang wala na si Dylan. Saan na siya?