Kristina's POV Natatawa pa rin ako. Bigla akong napaisip... Ibig sabihin pumasok siya sa silid ko. Para lang ibigay sa akin ang sobre na 'to. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, binuksan ko na kaagad ang sobre. Ganun na lang ang paglaki ng mata ko. Isang cheke ang bumungad sa akin. "Isang milyon!" hindi makapaniwala na sambit ko. Nanlaki ang mga mata ko. "I-isang milyon?" napanganga pa rin ako. Hindi makapaniwala. Akala ko ba hindi niya ako pahihiramin. Bakit isang milyon. Labis labis na ito. Kalahating milyon lang naman ang hinihiram ko. Tumayo ako kaagad sa kama. Inayos ko muna ang sarili bago lumabas ng kwarto. Hinanap ko si Dylan, wala siya sa kwarto niya, wala din siya sa sala, lalong wala siya sa kitchen. Nasaan siya? Umalis ba siya? Hanggang sa makita ko siya mula sa loob