Chapter 18 - His Secretary

2744 Words

Chapter 18 Kristina's POV Iminulat ko ang aking mga mata. Masakit ang katawan ko. Ramdam ko ang hapdi sa gitna ng aking mga hita. Napahilot na rin ako sa aking noo. Napabalikwas ako sa  pagbangon nang maalala ko ang nangyari kagabi. Sinilip ko ang sarili sa ilalim ng kumot. Hindi panaginip, kundi totoo. Wala akong saplot, walang bra, wala din panty. Pinasadahan ko nang tingin kung saan pabagsak na humiga kagabi si Dylan.  Nasaan na siya? Mas lalo akong napabalikwas nang masulyapan ko ang oras. Dali-dali akong tumayo. Nakalimutan ko na, ngayong nasa Manila na ako, kailangan ko ng pumasok bilang secretary ni Dylan. Nagmadali na akong maligo, may hapdi pero binalewala ko. Magbihis na rin ako pagkatapos. Pagkatapos kong maligo, nagtungo ako sa walk in closet. Dito lang ako magbibihis.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD