Chapter 20 Kristina's POV Sumalubong kaagad sa akin ang puting kisame. Naniningkit pa ang aking mga mata na bumangon mula sa kama. Nakatulog na pala ako kagabi pagkatapos kong punasan ang aking singit. Loko, Sino ba nagsabi kay Dylan sa ganung paraan? Paano niya nalaman ang ganun. Naranasan na ba niya ang mapunasan sa singit. Bahagya akong natawa. Naiisip ko kung ano ang hitsura ni Dylan kapag pinunasan ang kaniyang singit. Saan niya kaya natutunan 'yon? "Tapos na?" tanong ni Dylan habang nakatalikod siya sa akin. Pinatalikod ko siya dahil tinanggal ko ang makapal na kumot na nakatakip sa akin para mapunasan ko nang maayos ang katawan ko. Tanging panty na lang ang suot ko at bra. Nangangamoy suka na nga ako. "Hindi pa," sagot ko dito. Patuloy kong pinupunasan ang katawan ko. "W