Kristina's POV Pinaharurot ni Dylan ang kaniyang sasakyan. Basta na lang niya ako hinila palabas, pwersahan niya rin akong ipinasok sa kaniyang kotse. Nasa resort pa si Grace at Gina. Basta ko na lang sila naiwan doon. "Dylan, ihinto mo ito! Babalik ako sa resort!" inis kong sigaw sa kaniya. Wala akong pakialam kung magagalit siya o gagantihan niya ako ng sigaw dahil sinigawan ko siya. Nasa resort pa ang kaibigan ko. Basa din ang suot kong tanging roba lang ang nakatakip sa katawan ko. Suot ko pa rin ang two piece ko. Hindi man lang niya ako pinagbihis. Hinila niya na lang ako nang basta basta. Anong problema niya? Sinuntok pa niya si Marco. "Anong problema mo, Dylan? Bakit mo sinuntok si Marco? Kapatid siya ni Eliana! Ano na lang ang iisipin ni Eliana sa 'yo kapag nalaman niyang si