CHAPTER 16

2155 Words

DEAN’s POV Pasimple lang ang ginawa kong pag takas sa mga relatives namin dito sa bahay ni Tita Hannah. Nahihirapan akong tumakas dahil bawat taong nakikita ko ay kinaka usap ako at binabati. Hindi ko naman sila pwedeng hindi pansinin dahil mga nakakatanda sila at gaya nga nang sinabi ko-- mga relatives namin sila. Hanggang sa hindi rin naman nagtagal at naiwala ko na nga ang sarili ko sa kanilang lahat. Nakakuha na ako nang magandang tiyempo para umalis sa sala kung nasaan ang mga bisita. Nagpatuloy ako sa pag akyat sa taas-- I mean sa may second floor dahil kung hindi ako nagkakamali ay doon ang kwarto ni Jerick dati. Bago ako tumuloy ay pasimple ko ulit na sinilip ang mga tao sa baba kung saan nakita kong abalang-abala nga sila kaya naman nag dire-diretso na ako ulit sa pag akyat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD