Chapter 7: Ian Alam kong magagalit talaga si Lola kapag nalaman niyang hindi ako pumasok. Bumuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Feeling ko ang layo ng room niya ngayon at mukhang mas lumalaki pa ang hospital na 'to. Sino kaya nagbabantay sa kaniya, ngayon? Wala man lang akong dinala para sa kaniya. Nandito na nga ako, ba't parang ang dali lang. Sumilip muna ako sa bintana at bigla akong napaatras sabay hawak sa dibdib ko. “Ay, sorry! Ikaw pala, tara pasok." Sobra akong nagulat kanina, sana pala hindi na ako sumilip pa. Sobrang laki ng mukha niya. Nakahawak pa rin ako sa aking dibdib at tinignan siya ng masama. “Hehe, sorry. Hindi ko alam na …" “O-okay lang, hindi naman ako nagulat," pagkukunwari ko. Inaya niya akong pumasok sa loob kaya sumunod na ako