CHAPTER: 21.2 Tumango na lang ako sa kaniya at bumalik na kami para puntahan si James pero nakasalubong namin si Ian. Marami siyang kasama. Yumuko ako para hindi niya ako makita pero nakilala niya yata ako. “Wohh, Maurice anong ginagawa mo dito? Gusto mo bang sumabay sa amin ni Shai, mamaya?” Napahawak tuloy ako sa leeg ko at umiling na lang. Ang dami niyang kasama at nakakahiya. Si Joann naman ay umarteng may tinitingnan sa ibang direksyon. “S-sige, mauna na kami.” Mabilis naman kaming umalis ni Joann. “Kaano-ano mo 'yon? Ang ganda ha, may boyfriend na ba 'yon? “Ireto mo naman kami sa kaniya Ian!” “Ilang taon na siya, Ian?” “Maurice ba 'yong pangalan niya 'di ba?” Hindi ko na narinig ang iba na lang pag-uusap. Kasama na namin si James at habang naglalakad kami palabas ay