Chapter 32: Happy “I don't want to see you! I will do everything to make your life as hell!” Just kidding:) - Phen Kumunot ang noo ko sa hinagis niyang nakalukot na papel sa akin. Kagat niya ang kaniyang ballpen. Mukhang tuloy siyang mabangis ng tiger at parang gusto na akong kainin. Tinapon ko na lang sa basurahan ang walang kwentang sulat niya nang hindi tumatayo. Napangiti naman ako nang nag-shoot ang hinagis ko. Siguro nakita niya iyon kaya naglukot siya ng papel at ginaya ang ginawa ko. Bahala siya kung maubos ang papel niya. “M-mauubos na ang papel mo, tama na nga!” suway ko sa kaniya dahil hindi siya tumitigil. Gusto niya bang punuin ang basurahan ng mga malilinis na papel? Hindi niya lang ako pi