CHAPTER 19

1160 Words

“HINDI ho ba masyadong revealing ang suot ko?” nakangiwing tanong ni Bianca kay Mrs. Charito. Nasa bahay sila ng ginang at tinutulungan siya nitong mag-ayos. Pupunta kasi siya sa charity event na dadaluhan ng kanyang ama at ng asawa nito. Sa kung paanong paraan, nagawa ni Mrs. Charito na makakuha ng imbitasyon para sa nasabing event. Ang sabi lang ng ginang ay marami raw itong contacts at huwag na raw niyang problemahin. “Ang plano mo ay makakuha ng atensiyon, hindi ba? Kailangang ganito ang suot mo,” sabi naman ni Mrs. Charito na iminuwestra pa si Bianca paharap sa full-length mirror. Pulang body-hugging dress ang ipinasuot nito sa kanya. Bagaman hanggang sakong ang damit ay mababa naman ang neckline kaya kita ang kanyang cleavage. Bukod doon, malaki ang uka ng damit sa likod kaya expose

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD