NAKAKAMANGHA isipin na ang simpleng pagtawag mo lang sa pangalan ng isang tao sa palakaibigang paraan ay sapat na para may mawalang pader sa pagitan ninyo. Ganoon ang nangyari kina Charlene at Art nang simulan niyang tawagin sa pangalan ang binata. Nawala ang reservations. Mas naging kaswal at bukas ang usapan nila. Mas tunay at masigla ang mga ngiti at tawa. Iyon na yata ang pinakamasayang mga araw sa buhay ni Charlene. Pakiramdam niya ang close nila ni Art. Lalo siyang natuwa dahil palagi na itong nakangiti, palagi nang nakikipagbiruan sa kaniya. Sa tuwing may oras sila ay nasa hardin sila, nag-eensayo si Art maglakad. Desidido na talaga ang binata na makalakad ulit ng maayos. Katunayan ay sa ikatlong araw mula nang magsimula ang session nila ay nakakaya na nitong maglakad na hindi nak