KABANATA 2

1152 Words
    KABANATA 2:             NAGKAGULO na ang mga kapatid ko ng dumating si Mama. Paano ay mas masarap ang ulam na dala niya. Karne bersus gulay ang labanan, e. Kahit ako karne ang kakainin ko dahil bihira lang kami makakain non.             “Wow! San galing ‘to ma?!”         “Ate, penge!”           “Huy! Kaunti lang kunin mo! Halos ubusin mo na Diego!”           “Hati-hati! Mamaya may hindi na naman makakain! Ako na nga maghahati! Walang gagalaw sa ulam!” si Johan.           Bumuntong-hininga ako. Kagulo na pagdating sa ulam. Hinanap ko si Mama pero nawala siyang bigla. Nasaan na naman nagpunta ‘yon? Magu-usap pa kami, ah!         “Nasaan si Mama? Andito lang kanina ‘yon, ah?” tanong ko kay Wilbert na halos maglaway na sa ulam at abang na abang sila sa paghahati ni Johan.           “Di ko alam, ate...” sagot niya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.           “Ma?” tawag ko sabay bukas ng kwarto. Naabutan ko siyang nagpapalit ng damit.           “Ay, ano ba ‘yan Rica! Bakit ba hanap ka ng hanap sakin? Kumain ka na doon.” Kinawag-kawag pa nito ang kamay habang nakatalikod. Gusto niya na ko palayasin agad.         “Hindi ka ba kakain?” tanong ko at tuluyan ng pumasok sa loob ng kwarto niya.           “Mamaya na ko. Magpapahinga pa ko. Napagod ako sa labada,” sagot niya at lumayo sakin muli at binuksan ang drawer niya. Naghahanap ng kung ano-ano pero panay lang naman ang bungkal.         Kumunot ang noo ko ng mapansin na parang tensyonado siya.           “Ano bang hinahanap mo?” Lumapit ako sa kanya at tinignan ang kinalkal niyang mga damit.             Nagulat pa siya sakin at mabilis na tumayo. Lalabas na ata ng kwarto. Nahanap na ba niya iyong binubungkal niya dito? Parang wala naman akong nakita.           “Ma!” sigaw ko at sinundan siya sa labas. Naabutan ko siyang naghuhugas ng kamay.           “Akala ko ba magpapahinga ka? O... kakain ka na?” takang tanong ko. Kanina pa ko sunod ng sunod sa kanya.             “Uh... oo! Hindi ko na pala kaya ang gutom ko. Tsaka baka mamaya hindi ako matirhan ng mga kapatid mo. Sige na kumain ka na din!” aniya at hindi pa rin ako tinitignan. Kumuha ito ng plato at sumama na sa mga kapatid ko sa pagkain.         Nanliit ang mga mata ko. Iniiwasan niya ko dahil alam niyang alam ko na. Hindi naman marunong magtago itong mga kapatid ko ng sikreto. Sinasabi din nila sakin agad.           Tahimik akong kumuha ng plato at umupo. Nasa magkabilang dulo kami ng lamesa. Inaasikaso na niya si Queenie habang kumakain. Kumuha ako ng kanin at ginataang kalabasa. Inabot sakin ni Johan ang parte kong menudo.         Dala ng gutom ay nakalimutan ko na iyong tungkol kay Mama. Sunod-sunod ang subo ko. Grabe ba naman ang gutom ko. Kaninang tanghali ay tinapay lang ang kinain ko. Kaya ang payat payat ko e. Walang makain.           Matapos ang hapunan ay si Patricia na ang naghugas ng plato habang ako ay nagpupunas ng lamesa. Si Johan ay pinapatulog na ang dalawang kapatid namin. Si Esmeralda ay nagwawalis ng sahig. Si Mama ay bitbit si Quennie para dalhin sa kwarto nila.         Nilinis at hinugasan ko muna ang mga bote ng gatas ni Queenie at pinakuluan. Dumedede pa kasi iyong two years old kong kapatid. Si Mama wala ng gatas kaya de bote na siya. Dati am ang pinapakain namin sa kanya kaso ng nakatikim ng bear brand na bitbit ni Tatay nung umuwi hindi na nakilala ang am. Ayan mas napamahal tuloy kami.         Bumuntong hininga ako ng makita ang garapon ng gatas ni Queenie. Dalawang timpla na lang at mauubos na iyon. Ang sahod ni Tatay ay next week pa. Uutang na naman kami kay Aling Pacing. Hindi pa nga ubos na bayaran ang utang doon ay madadagdagan na naman. Iyong sabi kong bayad sa kanya kanina ay kulang pa rin naman iyon, e.         Lampas tao na ata utang namin doon. Hindi ko na tinatanong at si Mama na ang umalam baka ako ang mahimatay sa dami.         Matapos sa lahat ng dapat gawin ay naligo muna ako para presko kapag matutulog.         “Ate! Bilisan mo naiihi na ko!” boses ni Patricia iyon.               “Saglit! Kapapasok ko pa lang, e!” yamot kong sabi.       Matagal talaga akong maligo. Kuntodo kuskos ako ng katawan akala mo naman ay puputi itong kayumanggi kong balat. Palagi akong sa initan pano ito pupusyaw. Pero atleast medyo makinis. Kaunti lang ang peklat gawa ng kagat ng lamok tuwing gabi kaya tinatrabaho ko sa cebo de macho. Ayan dagdag tuloy sa gastusin ko. Mahirap lang kami pero medyo maarte ako sa katawan.           Nagmamadali akong magbuhos. Wala pang limang minuto tapos na ko. Pakiramdam ko wala akong natanggal na libag! Hilig kasi nitong mga kapatid ko na sa oras na maliligo ako tsaka makakaramdam ng kung ano-ano. Kapag talaga ako yumaman magpapagawa ako ng dalawang banyo!         “O, ayan n-” hindi ko natapos ang sinasabi dahil binalya na ako ni Patricia at sinarado ang pinto.         Ihing-ihi na nga siyang talaga. Pumasok ako sa kwarto at nagsuklay muna. Natulog na ang mga kapatid kong maliliit. Iyong si Johan at Esmeralda lang ang hindi. Nagaaral pa kasi sila sa sala.           Kinatok ko ang kwarto ni Mama. Tahimik na siguro ay tulog na silang dalawa ni Queenie. Pero dahil hindi ako makakatulog ng may bumabagabag sakin. Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang pagakto niya ng biglang pagpikit!         “Ma, nahuli na kita. Kanina mo pa ko iniiwasan, ha!” mahina ngunit mariin kong sabi sa kanya. Umungol lang ito na kunwari ay natutulog siya at istorbo ako sa pagtulog nila. Sinulyapan ko si Queenie na tulog na sa kanyang tabi.           “Tss... Kunwari pa talaga ‘to! Iniiwasan mo ko kasi ayaw mong pagusapan natin iyong pangako mo na napako ano? Buntis ka na naman? Taon-taon ka na lang buntis ma! Ang hirap na nga ng buhay, e! Hindi kayo nagiingat ni Papa! Sabi mo ligate ka na! Ma, naman!” yamot kong sabi.           Parang mani na lang sa kanya magbuntis at manganak. Nakawalo ba naman! Sino magsasabing mahirap at masakit pala ang magluwal kung ganyan?             “Grabe ka, Rica! Mama mo pa rin ako, ha! Magasawa naman kami anong masama!” sita niya sakin. Hindi niya ko direktang sinagot pero parang ganon na din ‘yon.             “Sorry po... Pero kasi Ma! Haay! Nakakainis! Last niyo na ‘yan! Parang awa niyo na! May masama don! Gawa kayo ng gawa hindi niyo naman na kaya alagaan at buhayin yan, e! Hirap na hirap na tayo. Umisa pa kayo!” Inis kong sabi. Hindi ko na siya inantay na sumagot. Umalis ako doon at sinarado ang pinto.           Naiiyak ako sa sitwasyon ko pero anong magagawa ko andyan na ‘yan. Alagaan ulit at buhayin. Kakayod na lang ako ng triple para makapag-abot pa rin at mapakain sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD