KABANATA 1

1215 Words
KABANATA 1:               HALOS tumigil ang mundo ko ng malamang buntis ulit si Mama sa pangwalong anak niya. Ibig sabihin magiging ate na naman ako.           “Patricia, siguraduhin mong totoo yang sinasabi mo, ha!” tanong ko sa ika-apat na kapatid.         Panay tango nito at tinaas pa ang kanang kamay na akala mo nanunumpa.       “Pramis, ate! Narinig ko si Mama na nagsusuka nung nakaraang araw. Tapos nagPT siya kanina. Buntis siya. Sabi pa nga niya wag ko daw sabihin sayo, e.” Ngumusi ito pagkatapos ay nilantakan ang putok na tinapay kong dala.           Siya si Patricia. Pang-apat sa aming magkakapatid. Walong taong gulang. Pito kaming magkakapatid pero mukhang magiging walo na nga dahil buntis daw ang aming Mama. Ako ang panganay at simula ng nagkamuang ako ay ako na ang nagaalalaga sa aking mga kapatid.         Ang bunso namin ay two years old pa lang si Quennie pagkatapos ay masusundan na naman. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Diba sabi nila blessing ang baby? Kung kaya niyong buhayin aba ay oo! Pero sakin hindi. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa mga nalaman ko.         Mukha namang nagsasabi ito ng totoo. Pinagmasdan ko ang anim kong mga kapatid na pare-parehong kumakain sa lamesa. Pinagsasaluhan ang anim na pirasong putok na tinapay na galing pa sa tubo ng aking tinitindang kakanin kanina.             Hindi ma-proseso ng utak ko iyong mga nalaman ko. Parang ayoko talagang paniwalaan. Alam naman ni Mama na hirap na kami bakit nagdagdag na naman?!         “Patricia kapag ‘yan hindi totoo tutuktukan kita,” banta ko sa kanya.           “Totoo nga, ate!” aniya habang sinasawsaw na ang tinapay sa mainit na kape.           “Oo, ate! Nakita ko din!” si Johan.           “Ako din!” si Diego.             “Opo!” si Esmeralda       “Mama!” si Quennie habang nilalapirot ang tinapay bago isubo sa bibig. Kandong siya ni Johan. Iyong fifteen years old ko ng kapatid na lalaki.           Napahilamos ako sa mukha. Gusto kong komprontahin agad si Mama kaso wala naman siya. Andoon pa sa kapitbahay naglalabada. Nagusap na kami na hindi na dapat magdagdag ng kapatid. Pero ano itong nangyayari?             Si Papa na tuwing isang beses sa isang buwan lang kung umuwi dahil palagi sa malayo nade-destino. Isa siyang construction worker. Once a month umuwi pero kada uwi palaging nagiiwan ng laman sa tiyan ni Mama! Parang ayoko na tuloy siyang pagtrabahuhin sa malayo kung ganito lang.         Hindi naman sila nagpapakahirap sa pag-aalaga kundi ako. Simula noon ako na nagbabantay sa kanila. Hanggang sa dumami kami. Naghihikahos na nga kami sa buhay nagdagdag pa! Naku naman talaga!           “Magagalit ka kasi ate kapag nalaman mo. Pero malalaman mo naman talaga kasi lalaki tiyan niya diba?” si Esmeralda. Pangatlo sa aming magkakapatid.           Marahas akong napabuga ng hangin. Parang ako iyong problemado sa lahat. Sinakripisyo ko na iyong paga-aral ko para lang sa mga kapatid ko. Kaya ako itong nagta-trabaho para lang makapag-aral sila. Kung ano-anong raket ang ginagawa ko para may maiabot ako at mapakain ko sila.     Simula limang taong gulang ako. Kasa-kasama ko na si Mama sa pagtitinda ng puto at kakanin tuwing umaga. Pagdating sa hapon ay nagbebenta kami ng meryenda habang nasa likod niya si Johan. Kapag walang tinda dahil maglalabada si Mama ako ang magbabantay kay Johan sa bahay.         Hanggang sa nadagdagan na kami ng isa pa. Si Johan malaki na noon kaya marunong ng utusang magbantay. Naglalako pa rin kami ng kakanin at meryenda kapag walang pasok. Tumutulong ako kay Mama. Natuto na din akong maglinis ng mga kuko ng kapitbahay makahanap lang ng pagkakakitaan.         Ilang taon na ang lumipas. Eighteen na ako at pito na ang kapatid ko. Hindi na ko nagaaral sa kakatrabaho at alaga sa kanila. Madadag-dagan pa kami ng isa. Biglang kumalam ang aking sikmura.         Gutom na ko. Kanina pa pala ako nakatulala kaka-isip. Tinignan ko ang mga kapatid ko na panay ang himas sa mga tiyan at unti-unti ng nagalisan sa upuan. Kinuha ko iyong plastic labo na naiwan sa lamesa.         “Wala na?! Hindi niyo ko tinirhan?” Mangiyak-ngiyak ako ng wala ng tinapay na naiwan. Maski kapiranggot ay wala talaga. Simot lahat pati kape nila!         Six pesos lang ang sobra ko kanina kaya anim na piraso ng tinapay lang ang nabili ko. Iyong iba kasing kita ibinigay ko na kay Mama para maipangbayad niya na sa utang namin sa tindahan ni Aling Pacita. Halos murahin na kasi kami ng matanda dahil sa lumu-lobong bayarin namin doon.           “Ambagal mo kasi ate, e. Alam mo naman dito paunahan ng kain. Kung sino iyong mabagal walang makakain,” si Esmeralda.         “Mga wala kayong konsiderasyon. Hindi pa ko nakain. Kagagaling ko lang sa pagtitinda. Iyon lang ang sobra nating pera. Naku naman talaga!” Inis na inis ako. Pero hindi ko din naman matiis ang mga kapatid ko.             Siguro gutom na gutom na talaga sila. Kaya hindi na ko natirhan. Pumasok ako sa kwarto naming magkakapatid. Magbibihis ako dahil pawis na pawis ako galing sa paglalako kanina. May nakapa ako sa bulsa ng daster ko.           Bumuntong hininga ako ng makitang chubby choco iyon. Bigay pa ng customer kanina dahil ayaw na ng anak niya. Pagtiya-tiyagaan ko na lang ito. Maghahapunan na rin naman na.         Kinain ko iyon pagkatapos ay nagbihis. Dumiretso agad ako sa kusina at tinawag si Johan at Esmeralda para magluto. Kanya kaming toka sa bahay. Iyong iba kong kapatid ay naglilinis ng bahay. May taga hugas ng plato at may taga saing. Ako naman iyong naglalaba at tumutulong din sa ginagawa nilang lahat.         Kahit ganito kami madami ay masasabi kong close kaming lahat. Paanong hindi? Maliit lang itong bahay namin na yari sa yero at kawayan. Pagpasok mo sala na isang hakbang kusina na. Dalawang hakbang banyo. Sa kabilang banda iyong dalawang kwarto.             Natapos na kami magluto ng ginataang kalabasa at luto na din ang kanin ay wala pa rin si Mama. Sinulyapan ko ang orasan na nakasabit sa dingding.       Ala-sais na ng gabi bakit wala pa rin siya?           “Ate, hindi pa ba tayo kakain? Ang tagal naman ni Mama. Gutom na kami,” si Wilbert. Apat na taong gulang. Panganim saming magkakapatid.         “Oo nga ate. Gutom na kami!” si Patricia.             Bumuntong hininga ako.         “Sige na maghain na kayo para makakain na. Tirhan niyo kami ni Mama, ha? Abangan ko lang siya sa labas,” sabi ko.         Nagunahan na silang umupo sa mahabang kawayan. Nakita kong nagsasandok na ng ulam si Johan at kanin naman kay Esmeralda.         “Yehey! Kakain na! Kakain na!” sabay-sabay na sabi ng mga nakababatang kapatid.           Tinalikuran ko sila at inabangan si Mama sa tapat ng kawayan naming bakuran.       Humalukipkip ako at bumaling sa kanan. Nakita ko siyang naglalakad at natigilan ng makita ako.           “Uh... Rica. Andyan ka pala!” si Mama ng makalapit pero hindi naman makatingin sakin.           Kumunot ang noo ko. Kanina niya pa ko nakita dito tapos ganyan ang ibubungad niya sakin?         “Ba’t ang tagal mo?” tanong ko habang nakahalukipkip at tinitignan ang supot na nasa kamay niya.         “Uh.. kasi birthday ni Mars! Ayan nga o, pinagtake-out niya ako ng menudo. Halika sa loob! Bakit ba inaantay mo ko dito sa labas?” Hindi siya makatingin sakin at nagmamadali niyang binuksan ang tarangkahan at nilagpasan ako.           Iniiwasan ata ako nito?                      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD