Chapter 11

2385 Words

Unang araw ng klase ng anak niya sa bago nitong paaralan. Tinitigan niya ang mukha ng bata at nakita niyang dumungaw sa mga mata nito ang saya na may halong kaba. "Megumi, ready ka na ba para sa bago mong classroom, classmates, at teachers?" "Oo, mommy. Medyo kinakabahan lang po ako pero masaya ako dahil wala na ang mga kaklase ko na mahilig manakit ng damdamin ng iba," tugon ng baya. Lumuhod si Greta upang malevel ang mukla niya sa mukha ng bata. Niyakap niya nang mahigpit ang anak niya. Nang niluwal niya ang bata ay inasam na niya na mapabuti ang lagay nito. "Pasensiya ka na, anak, kung palagi kang hinahabol ng pangit na nakaraan ni mommy mo. Sorry talaga, anak. Hindi na kasi mababago pa ni mommy ang past niya," malungkot niyang sabi subalit gumuhit ng ngiti ang kaniyang mga labi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD