Random guy

689 Words

“Girl, ikaw ha? Masyado kang malihim. Paano mo nakilala si hunky sa Baguio?” Iyon agad ang bungad sa kanya ni Cindy ng bumalik siya sa kitchen niya matapos ang kanyang baking class. “Random guy na nakilala ko sa lobby ng hotel,” tanging sagot niya. “Are you sure? Sabi mo sa akin ‘nun lasing na lasing ka,” pangungulit pa nito. “Yeah. That’s it. Saka ako ang gagawa ng cake nila ng fiancée niya,” sabi pa niya. Nakita niyang biglang nawala ang sigla sa mukha ni Cindy. “Ay? Taken na? Sayang naman. Ire – reto ko pa naman sa ‘yo,” napanguso pa ito dahil sa nalaman. “But wait, paano kayo nakulong sa walk – in?” May nakakalokong ngiti na sa mukha nito. “Ewan ko. Sumunod sa loob ayun biglang sumara ang pinto,” tanging sagot niya. Napakibit balikat ito at sumandal malapit sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD