Wala silang imikan na dalawa hanggang sa makarating sila sa hotel na sinasabi nito. Dire – diretso sila sa reservation na sinasabi nito. Agad itong tumawag ng waiter at umorder tapos ay tumingin sa kanya. “What do you want from me? Ano pa ang pag – uusapan natin?” seryosong tanong niya dito. Nakita niyang napalunok ito na para bang hindi alam kung paano magsisimula. “E – Emille, I – I know I screwed up. Big time. I took advantage of you. I cheated on you, not once but many times. I made myself believe that you will be there for me all the time,” panimula nito. Pinigil ni Emille ang sarili na umiyak. Ayaw niyang ipakita sa lalaking ito na naaapektuhan pa rin siya. Hindi dahil sa mahal pa niya ito. Naiiyak siya dahil sa galit na nararamdaman. Napakatagal na panahon pala talaga