“Are you sure you will be fine there? Puwede akong sumunod diyan para may makasama ka,” habang naghahalo ng icing ay iyon ang naririnig ni Emille na litanya ni Cindy mula sa telepono niyang ini – on ang speaker para kahit may ginagawa ay naririnig niya ang sinasabi nito. “Ano ka ba? Ginagawa mo naman akong bata. Anong akala mo sa akin, seven years old?” natatawang sagot niya. Inilagay niya sa piping bag ang icing at sinimulang lagyan ng frosting ang mga cupcakes na nasa kanyang harapan. “Eh, siyempre hindi ako sanay na wala ka dito. Wala akong partner sa pang – uuto sa mga estudyante dito,” sagot nito. “Ayaw mo ‘nun? Wala ng istorbo sa inyo ni Edgar. At least masosolo mo na siya diyan. Bumigay na ba sa mga advances mo?” tanong pa niya. Kahit paano ay okay na rin naman siya. “H