Gulat na napatingin si Alonzo sa nagsalita. Nakilala niyang si Jared iyon at madilim na madilim ang anyo na nakatingin sa kanya. Anong ginagawa nito dito? Halo – halong emosyon ang lumukob sa kanya. Mabilis siyang tumayo at sinugod ang lalaki at malakas itong sinuntok sa mukha. “You f*****g asshole! You killed my baby! I am going to kill you!” galit na galit na sigaw niya habang inuundayan ng suntok ang lalaki. Gumaganti din naman ito sa kanya pero dahil sa na off balance ito sa kanyang biglang pagsugod ay napailalim ito sa kanya. “f**k you too! Gago ka! May syota ka na, kumakalantari ka pa ng syota ng iba! Mas demonyo ka! Pinakaelaman mo pa!” ganting sigaw ni Jared. Wala namang magawa si Robine at parang estatwa lang na nanonood sa dalawang lalaking halos magpatayan na. “