CHAPTER 2

1928 Words
"Ayos ka lang ba?" Mahinahon pero may pang-aasar ang paraan ng pagtatanong nya sa 'kin. "Oo naman. Bakit hindi?" Tanong ko pabalik. "Why don't you ask yourself. Kanina pa 'ko nag-didiscuss dito habang ikaw, wala nang ginawa kundi ang tumunganga" taas kilay nyang sagot. "May bahid pa ng laway ang gilid ng labi mo." Dagdag pa nya. Agad akong napahawak don. Hala shitt, totoo nga! Nakakahiya! Agad ko 'tong pinunasan gamit ang kwelyo ng uniform ko. Dahil don ay 'di ko na magawang mag-angat ng tingin sakanya. s**t, ba't kasi!? Ramdam ko din ang halos matawang expression ng mga kaklase ko lalo na 'yong mga coloring book or haliparot. 'di ko alam kung anong babagay na itawag sakanila Pinagtatawanan nila ako not knowing na ako ang ex ng kinababaliwan nilang professor. Tss "Really!? Ganon ang nangyare!? Pfttt HAHHAAHAHA" "BWAHAHAHA" Agad kong tinapunan ng masamang tingin sina Gab at kyle na halos mawalan na ng hininga sa kakatawa. Ikwenento ko lang naman sakanila 'yong nangyare kanina na ikwenento lang din sa'kin ni carla. Ba't ba kasi!? Wala man lang akong kamalay-malay sa kung ano nang nangyayare sa paligid ko simula nung nag-simula akong mag day-dream s***h flashback. Naubos ko na pala ang oras ni sir kaka-tunganga tulad ng sinabi nya kanina. Hell? Ganon katagal 'yon? E, iisang scene nga lang ng hotty body ni sir 'yong scene na nag-flashback sa'kin e. May times pa nga raw na tinatanong ako ni sir tungkol sa naintindihan ko sa lesson kaso ako, walang imik parang naparalisado ang katawan na mula sa puting kisame ay bumababa ang paningin sa hotty tummy ni sir. "Arrrghh!!" Inis kong sambit. Halos mapatay ko na rin sa titig ang dalawang hayop este tao na nasa harapan ko. Nang sa wakas ay napansin na nila ang tingin ko, ay pinigilan nilang wag matawa kaso... "Pfttt... BWAHAHAHAHAH" "Yan nanaman sila. Isa pang tawa guys, papa-halik ko sa inyo 'yung pwet ng kalabaw ni Inday." Pagpaparinig ko. Pero tila wala silang narinig. "Ba't kasi may patulo laway effect pa? Okay sana 'yong pagtitig lang kaso 'yong tulo laway effect? Ayuko nalang magsalita! HAHAHAHA so damn embarrassing" tatawa tawang sambit ni Gab. Nahilot ko nalamang ang sintido ko dahil sa kanilang dalawa. Epal 'tong mga kaibigan na 'to . Mapapaisip ka nalang talaga nang 'kaibigan ko ba talaga sila?' Haysst, buti nalang matinong kaibigan si franz. And speaking of Franz! Susunduin nga pala namin sya ngayon sa airport. Agad kong binalingan ang dalawang tumatawa pa rin. Okay, hingang malalim. Timpi muna. Maya muna lang silang batukan. "Pwede bang tumigil na kayo? Susunduin pa natin si Franz." Agad naman silang tumigil at napatingin sa isa't isa bago magsalita si Gab. "Oonga pala! Ikaw kasi tawa ka nang tawa e. Muntik tuloy makalimutan!" Paninisi nya kay kyle. Kibit balikat namang binuhay ni kyle ang makina ng kotse nya at pina-andar 'yun. hininga ito. "Okay, 'di nako tatawa. Pero parang reverse revenge 'to ah" tumingin ito sa 'kin sa salamin sa kotse nya. " 'di ko alam ang tamang term pero parang ganon na nga." I rolled my eyes. "Like dzuhh, kasalanan ko bang hot si sir kaya pati 'yong mga nakaraan ay nabubungkal sa isipan ko." Sagot ko. "Ah, so di ka parin pala nakaka-mo----" "And no, naka-move on na 'ko sakanya." Pagputol ko sa dapat na sasabihin ni Gab. "HA HA HA" sarkastik na tawa ni Gab at bahagya pang nilingon ako dito sa likod ng kotse. "Anyway, wala ka paring nagagawa bukod sa katangahan 'no?" Tanong nya sa 'kin. 'di naman ako sumagot at nag-iwas lang ng tingin. "At dahil dyan, bibigyan kita ng Isang Jackpot na premyo!" Oh, no, mukhang alam ko na ang mangyayare ngayon. And i was right! Dahil Naramdaman ko nalang ang isang malakas na batok ni Gab sa 'kin. Agad akong napahawak sa ulo ko kung saan nya 'ko binatukan. "Sobra ka na!" Asik ko sakanya. "Next time ulit gawa ka nang katangahan para may kutong ka ulit sa 'kin. Hanggang sa uulitin..." Sabi nya habang tumataas baba ang kilay bago tumalikod. Kaibigan ko ba talaga sila!? Humanda talaga sila sa 'kin lalo na may kakampi na 'ko dahil andito na si Franz. Galing syang U.S at dito ipagpapatuloy ang pag-aaral para sa 4th semester nya. May araw din kayong dalawa sa 'kin. MGA isang oras bago kami makarating sa Airport at nung makarating pa kami, ay kinailangan naming mag-antay pa ng mga ilang minuto. Hindi pa kasi nakaka-baba si franz. Habang nag-aantay, ay inililibot ko muna ang paningin ko sa mga tao. 'yong iba ay naiiyak sa sobrang saya at 'yong iba naman, sa sobrang lungkot. Ganon rin ang naramdaman ko ng kinailangan ni papa magpunta ng Abroad para maipatayo ang Dream House nina mama. Six years syang nangibang bansa at umuuwi lang tuwing may special na okasyon na magaganap. Pero kahit na ganon, ay dapat akong magpasalamat dahil don. Kasi ang iba nga ay 'di pinapayagan maka-uwi ng mga amo nila e. Sadyang mababait lang daw talaga ang mga amo ni papa at may lahi ring pinoy ang mga 'yon. Sa loob ng six years, napagawa namin ang bahay at may naipatayo rin kaming maliit na negosyo. 'yon ang Coffee restaurant na minamanage nina mama ngayon. Ayon din ang sumusupurta sa pang-araw araw namin pero dahil nasa legal na edad na rin naman ako, tumutulong tulong narin ako. Kinakalabit ako ni Gab kaya tumingin ako sakanya. "Andyan na!?" Nakangiti at Excited kong tanong sakanya. Mas lalong lumawak ang mga ngiti ko ng itinuro nya si Franz Parang may sariling mga utak ang mga paa ko at agad na tumakbo patungo sa kanya. Agad ko syang niyakap. "Franzz! Na-miss kita! !" Sabi ko sa gitna ng mahigpit na yakap ko sakanya. Natatawa naman nitong tinapik ang ulo ko. "Halata nga. Sa higpit ba naman ng yakap mo, parang sampung taon tayong 'di nagkita" Tumingala ako sakanya "tatlong taon tayong nagkita at matagal na 'yon 'no!" Pagmamaktol ko sabay ngumuso. "Hahaha okay, okay. Asan sina Gab?" Kapangkuwan ay tanong nito. Humiwalay ako sa aming yakap at tinuro sina Gab na bahagyang kumakaway na habang nag-aantay. . Tumango naman ito at hinawakan ang kamay ko. "Okay, let's go." Sabi nya at naglakad na kami papunta kina Gab. "Wow, Glow up!" Sabi ni Gab at bahagya pang hinampas sa braso si Franz. "Iba na talaga ang aura ng taga-pagmana ng Ferrer!" Sabi naman ni Kyle at nakipag-apir kay franz. Iling nalang ang sinagot nito. "Anyway, have you all eaten?" Kapagkuwan ay tanong nya. "Of course not! Antagal mo kaya! At sempre dahil mabait kaming kaibigan, Inantay ka namin." Pag-mamalaki ni Gab na parang mabait talagang kaibigan. Napasimangot ako dahil don. "Okay. Let's eat. Treat ko." Sagot naman ni Franz. "Aba, dapat lang 'no. Ikaw ang pinaka mayaman sa 'ming lahat e!" Sabi naman ni Gab "Ako naman ang pinaka-gwapo." Maiksing tugon ni Kyle at nag-pogi sign pa. "Ay tara alis na tayo. Anlakas kasi ng aircon dito e. Nilalamig ako." Sabi ko naman at hinila na sila para umalis don. Naiwan naman si kyle "Ako ang pinaka-gwapo sa Lahat! PERIODT!" sigaw nito sa gitna ng maraming tao. Nagkatinginan naman kaming tatlo. Lah? Nyare don? Nasiraan na yata ng bait. "Buti nalang umalis na tayo don. Baka mamaya pag-kamalan tayong may kasamang takas mental. Mahirap na." Sabi ni Gab habang umiiling. Nagpatuloy naman kami sa pag-lalakad habang si kyle ay tumatakbo na para mahabol kami. "Ito, ito tsaka ito! Gusto ko lahat yan! Pakibilisan ang pag-serve ha? Nagwawala na 'yong halimaw ko sa tyan." Sabi ni Gab sa waiter. Tumango naman ito. Tapos na kaming omorder lahat. Si Gab lang talaga ang nahuli. Andami nya kasing gustong kainin. Akala naman nya sya mag-babayad. Tss. Patay gutom! Joke! Isa din kasi ako don. Kung tutuusin nga, mas-marami ang order ko kesa sakanya. "Anyway, alam mo na ba ang latest news?" Tanong ni Gab kay Franz. Agad namang napangiti si kyle at ibinaba ang basong may tubig na kanina ay iniinom nya. Napasimangot ako dahil don. Panigurado ako nanaman pagtri-tripan nila. Kung ba't kasi ang tanga ko kung minsan e. "It's about Keflin and Selene" sabi ni Gab Kunot-noo namang tumingin sa 'kin si Franz. "Nagbalikan kayo!?" Halos pasigaw nyang tanong. 'yong sigaw na kami kami lang ang makakarinig. Agad akong umiling. "Ofcourse not! 'di ako marupok 'no!" Sabi ko at tinarayan sya. Humarap naman ulit ito kina Gab na nasa harapan namin. Bale ang set-up kasi ng arrangement ng upuan ay ako at si Franz ang magkatabi at kaharap naman namin si Gabriella at Kyle. "So what about them?" Tanong nya. "Well, sya lang naman ang magiging teacher nyo sa history. And take note, binalak sanang maghiganti ni selene kaso wala na syang ibang ginawa kundi ang katangahan. Puro kagagahan. HAHAHAHHA" Grabe ah, kaibigan ko ba talaga sya? Sila? At 'yon na nga ikwenento na nang ikwenento nina Gab at Kyle ang katangahan ko kay Franz habang kumakain kami. Nakasimangot lang ako buong magdamag. Ah basta bukas pagbubutihin ko na. Babarahin ko si Sir. Humanda sya! Dalawang beses na 'kong napahiya 'no! 'di pwendeng maging tatlo. At lintek lang ang walang ganti! Selene kim Danatil. Motto : lintek lang ang walang ganti. *Evil smile.* "let me fix your room" presinta ko kay franz ng makarating kami sa tinutuluyan naming apartment ni Gab. Gabing-gabi na rin kasi ng makauwi kami sa bahay kaya nagpresinta kaming dito na patulugin si Franz since may isa pa kaming bakanteng kwarto dito sa apartment. Si kyle naman ay kinakailangang umuwi. "No, let me do it. Kaya ko naman." Pagtanggi nya habang nakaupo sa sofa sa sala. Bagsak ang buong katawan at bahagyang nakatakip ang braso sa mata. Halatang pagod na pagod. Nag-aya pa kasing gumala, e pwede namang sa susunod nalang na araw. "Tatanggi ka pa e halata namang pagod na pagod kana. Isa pa, hotel crew ako kaya simpleng trabaho lang 'to sa 'kin." Sagot ko at umakyat na sa taas. Isinama ko rin 'yong mga maleta nya para hindi makalat sa sala. Medyo maliit ang apartment na 'to pero may second floor naman at tatlong kwarto sa itaas. Tsaka dalawa lang kami ni Gab kaya malaki-laki na rin ang space. Nag-walis muna ako sa kwartong tutulugan nya at inayos ang hihigaan nya. Binuksan ko rin ang maleta nya para kumuha ng ipapang-palit nya pang-tulog. Nang maayos na ang lahat, binuksan ko ang pinto at dumungaw sa may hagdanan. Tinawag ko sya at agad naman syang tumayo at umakyat patungo dito. " 'yan na, matulog kana. Nag-handa na rin ako ng damit mong pantulog. Mag-bihis ka nalang." Sabi ko sakanya. Pumunta ito sa kama at umupo. Bahagya nya 'kong pinakatitigan. Nangunot naman ang noo ko. Tumikhim muna ako bago magsalita. "May kailangan ka pa ba?" Nagtataka kong tanong. "Do you still love him?" Diretso nyang tanong. 'di muna ako sumagot at bahagyang pinakiramdaman at sinuri ang mga ekspresyon nya. I shrugged. 'di ko alam ang sagot. Sinasabi kong wala na 'kong gusto sakanya pero may bahagi sa 'kin na parang meron pa rin. Hindi ko talaga alam. Napabuntong hininga sya. "Okay, goodnight selene. Anyway wala na 'kong kailangan." He let a weak smile. "Pwede ka nang matulog." Tumango naman ako. "Okay, goodnight franz." Sabi ko at lumabas na ng kwarto. Agad akong nagpunta sa sarili kong silid at humiga. Normal lang naman siguro na malungkot sya diba? Kasi kaibigan nya 'ko. Isa sya sa taong laging nandyan at saksi ng lovestory namin ni keflin. Sya ang sumusundo sa 'kin at nagmo-motivate nong panahong iniwan ako ni keflin. Sya ang naging sandalan ko sa lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD