CHAPTER 1

788 Words
"Basta, ha? 'yong sinabi ko sayo" pagpapa-alala sakin ni Gab. "Tama selene. Wala ka namang ginawang kasalanan sa relasyon nyo e. Kaya dapat 'di ka mahiya." Sabat naman ni Kyle habang tinataas baba ang kilay nya. Napabuntong hininga na lamang ako. Napagkasunduan kasi namin ang mangyayari ngayon na dapat akong maging palaban sa kanya. Dahil tama sila, wala akong ginawang mali sa relasyon namin noon dahil kung tutuusin sya ang nakipag-hiwalay at hindi ako. "O sige, alis na 'ko." Sabi ko at tumayo sa kinauupuan. Dinala ko na rin ang mga gamit ko. Malapit na 'ko sa building ng last class ko nang makasalubong ko si carla. "Hoyy, girl!" Tawag nya sa 'kin. Sabay na rin kaming naglakad papuntang room. "Kaloka ginawa mo kahapon ah. Pero nakakakilig 'yong paglapit ni sir! Sabihin mo nga sa 'kin kung anong binulong nya sayo, dali!" sabi nito at bahagya pakong tinutulak tulak halata sa mga mukha nya ang kilig. "Ewan ko sayo. Tigilan mo nga 'ko." Maiksi kong sagot. Ayuko ngang mag-open up sa sinabi ni Keflin. Like duhh "Hmp! Damot" pag-iinarte nya. Bahala ka dyan. Narating namin ang room nang si Keflin palang ang tao. Hayon sya sa table sa harapan at may kung anong inaasikaso sa laptop nya. Mukha syang seryoso sa ginagawa na parang hindi man lang naramdaman ang presensya ng pag-pasok namin ni carla. Tahimik akong umupo sa upuan ko sa may bandang gitna habang si carla naman ay bahagyang lumalapit sa 'kin habang may kung anong binubulong "Tignan mo si Sir , girl. Ang gwapo at ang hot. Tignan mo 'yong biceps nya oh, tsaka 'yong bandang tyan. Paniguradong may pandesal sa loob nyan. " "Letche, tigilan mo nga 'ko. Wala akong pake-alam kung anong meron sa loob nyan." Sagot ko sakanya. Bahagya akong napaisip at napatingin sa taas, sa may dingding. Noong kami pa, may anim nang pandesal sa loob nang tyan nya. Alam ko 'no? Sempre nakita ko na nang maraming beses yan lalo pag magkasama kami. Tas nong umuulan! Ang hot non ah! Intense! Habang nakatingin sa ceiling, bumalik ulit ang ala-ala namin no'ng umuulan. "Ay, wait, tumatawag pala si Keflin." Huminto ako sa waiting shed kung saan hindi ako mababasa nang ulan saka sinagot ang tawag nya. "Where are you?" Tanong nya sa kabilang linya. "Andito sa waiting shed. Wala akong payong kaya basa na 'ko." Sagot ko at tumayo sa pinaka-gitna nang waiting shed. Malakas ang hangin dahil may bagyo kaya pag nasa gilid ako, mas lalo akong mababasa. Nangiginig narin ako sa lamig. "Alright. Wait for me dahil malapit na 'ko." Sagot nya sa kabilang linya. "Okay. Sagot ko tsaka pinatay ang tawag." Basa narin pala ang cellphone ko dahil sa lakas ng ulan. Sana ay 'di 'to matuluyan. Ilang minuto pa ang nagdaan ay tsaka ko natanaw ang kulay itim na kotse. Halos magtatalon talon ako sa tuwa dahil andito na si Keflin at sigurado akong sya 'yon. Nang pumarada sya sa harapan ko, agad syang lumabas habang bitbit ang payong. "Damn, basang basa kana. Im sorry 'di ako nakarating agad. I was in the business meeting." Ani nya tsaka ako pinapasok sa kotse. Nang pumasok sya, agad nyang pinatay ang Aircon dahil nanlalamig na 'ko. "Do you have an extra clothes?" Tanong nya na ikinailing ako. "Oh, what? Kanina kapa nababasa at nilalamig tapos wala ka palang pamalit. Lalagnatin ka nyan." Ani nya tsaka hinubad ang suot nyang Black na jacket. "A-ayos lang naman ako." Ani ko habang nanginginig. Umiling sya. "Ofcourse not. Magkakasakit ka." Sagot nya tsaka biglang Hinubad iyong t-shirt nya. Halos manlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Hindi ko alam kung pipikit ako o ano. Pero walang pasabing pinikit ko nalang ang mga mata ko. Kasi bad 'yon 'di ba? "Here, wear this." Sabi nya tsaka binigay sa'kin 'yung jacket at damit. Dahan dahan akong dumilat. "P-paano ka?" Tanong ko. Ano 'yon? Mag dadrive syang nakahubad? Nagkibit balikat sya. "Don't mind me." Ani nya kaya wala na 'kong nagawa kundi magpalit din at suotin 'yon. Amoy na amoy ko pa ang pabango nyang sobrang manly ang amoy. GRABE talaga ang yummy ng abs ni sir. Ewan ba at tulad ni Carla ay nagtataka na rin ako kung ilang pandesal ang meron sa loob ng T-shirt nya. "Aray!" Agad akong napakurap ng pinitik ako sa noo ni carla. Agad akong napatingin sa kanya at sa mga kaklase ko. Hala wait!? "Pfffftt! Epic" "Nigagawa mue" "Sana okay ka lang, selene!" "HAHAHAHA" "Anong meron?" Tanong ko kay carla na halatang nagpipigil din ng tawa. "Ghorrll" sambit nya at ininguso ang harapan. Agad naman akong napatingin don. Andon si keflin habang hawak hawak ang isang hostory book. "A-anong meron?" Nauutal kong tanong. Hindi ko parin kasi ma-gets.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD