EPISODE 1
SARAH’S POINT OF VIEW.
“Sarah! Kanina pa naghihintay si Adele sa ‘yo rito sa labas! Baka ma late kayo sa klase ninyo!” rinig kong sigaw ni Mommy sa labas ng aking kwarto.
“Coming, Mom!”
Dala-dali kong kinuha ang aking bag at binuksan na ang aking kwarto at lumabas. Nakita ko si Mommy na nakasimangot na naghihintay sa akin sa labas. Napahagikhik ako at hinalikan ang kanyang pisngi at inakbayan siya para sabay na kami bumaba sa hagdan.
“Ano bang plano mo sa buhay mo, Sarah? Graduating ka na at kailangan mo nang mag isip kung ano talaga ang gusto mong mangyari sa buhay mo,” wika ni Mommy habang nakatingin sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at muling hinalikan ang kanyang pisngi.
“Don’t worry, Mommy. Sasabihin ko rin sa ‘yo kung sino ang lalaking gusto kong maging hubby,” natatawa kong sagot.
Bumuntong hininga si Mommy at tumango. Nakababa na kami ni Mommy sa hagdan at nang makatita ko na ang kaibigan ko na si Adele ay agad na rin kaming lumabas sa house dahil malapit na kaming ma late sa aming first class. Fourth year college na kami ng aking kaibigan na si Adele sa course na Bachelor of Fashion Design. Masyado kasi akong na inspired sa mga napapanood ko sa TV at sa internet and I want to make a design with my name in it kaya nagpupursigido ako na matupad ang aking pangarap. Cool naman ang parents ko sa aking kinuhang course at ang gusto lang nila ay makahanap ako ng lalaking makakatulong sa pagpapatakbo sa aming family business, ang Del Junco Company.
Our family is into an arranged marriage. My ancestors, grandparents, and also my parents are a product of arranged marriage. Wala naman akong problema sa ganoon na sistema dahil nasanay na rin ako at wala akong nakikitang problema lalo na at nakikita kong nagmamahalan talaga ang aking mga magulang. Yes, they are a product of arranged marriage but they learned how to love each other. Kaya nga may maganda silang unica hija at ako iyon. Sayang nga at hindi na ako nasundan nila Mommy at Daddy, nakailang miscarriage na rin kasi si Mommy at kapag nangyari ulit iyon, baka may masamang mangyari sa kanya kaya napagkasunduan na lang nila Mommy at Daddy na ititigil na nila ang pag ta-try na magkababy ulit.
Ang gusto ko sa mga magulang ko tungkol dito sa arrange marriage ay hinahayaan nila akong pumili ng papakasalan ko at syempre dapat may business din at kayang pnagalagaan ang business ng aming family. Hindi naman papayag ang mga parents ko kapag pinili ko ang isang lalaking walang kakayahan na patakbuhin ang aming negosyo and I’m cool with it.
“Nakapili ka na ba ng guy sa mga nireto sa ‘yo ng parents mo, Sarah?” tanong sa akin ng aking kaibigan na si Adele.
Napatigil ako sa aking pag kain ng chocolate cake at tumingin ako sa aking kaibigan na si Adele. Katatapos lang ng aming class ngayong araw at nandito kami sa pinakamalapit na café shop sa university kung saan kami nag-aaral. Alam din pala ni Adele ang tungkol sa arrange marriage na tradition sa aming family at malapit na rin ako mag 20 years old kaya kailangan ko na talagang humanap ng mapapangasawa dahil kapag umabot ako ng 25 at hindi pa ako nakahanap, mapipilitan ang parents ko na sila ang maghahanap ng ka pair para sa akin.
Napanguso ako. “Hindi pa eh. Wala kasi akong mga naging bet sa lahat ng nireto na lalaki nila Mommy sa akin,” sagot ko sa kanyang tanong.
“Huh? Why?! Diba nireto sa ‘yo si Ryker Saavedra? Ang pogi kaya nun tapos bad boy!”
Mas lalo akong sumimangot.
“Ayoko sa lalaking iyon. Nanligaw na ‘yun si Ryker sa akin last year pero agad ko rin na binasted kasi hindi ko siya like,” sambit ko.
Nanlaki ang kanyang mga mata at malakas akong pinalo sa aking balikat. Napahawak naman ako sa aking balikat at nag react sa kanyang pagpalo sa akin.
“Aray! Ang sakit ng palo mo sa akin ah! Totoo naman kasi eh. Walang thrill kaya ayoko kay Ryker,” nakasimangot kong sabi.
“Sino ba ang gusto mo?” tanong niya sa akin.
Hindi agad ako nakasagot sa kanyang tanong sa akin. Napatingin ako sa may pintuan ng café na pinuntahan namin ngayon ni Adele at hindi ko mapigilan ang mapangiti nang makita kong pumasok ang aking first love.
“Hoy! Makangiti naman ito parang tanga. Sino ba iyang tinitignan mo?” rinig kong sabi ni Adele. Natigilan na rin siya at alam kong tinignan niya na rin kung saan ako nakatitig ngayon.
“Oh my…” rinig kong reaksyon ni Adele.
Ngumisi ako at humarap sa aking kaibigan pagkatapos kong makita ang aking first love na umupo na sa kanyang favorite spot dito sa café at nilabas niya na rin ang kanyang laptop nag nag order na rin siya.
“Gusto mo malaman sino ang gusto ko, Adele? Siya ang gusto ko,” pagmamalaki ko sa aking kaibigan.
Kita pa rin sa kanyang mukha ang labis na gulat. Napakurap siya sa kanyang mga mata at humarap sa akin.
“G-Girl, he’s… he’s—”
Pinutol ko na ang sasabihin sa aking kaibigan at ako na ang tumapos.
“Engineer Matthias Archer Coleman.”
Muli akong napatingin sa aking first love at hindi ko na naman mapigilan na mapangiti. Seryoso siyang nakatingin sa kanyang laptop at may mga papel na rin sa kanyang table at may hawak siyang ballpen. Palaging pumupunta rito si Matthias every Tuesday at kaya rin inaaya ko palagi si Adele na pumunta rito dahil gusto kong masulyapan ang aking crush.a
Bata pa lang ako, gusto ko na si Matthias. 5 years ang age gap namin ni Matthias pero hindi ito naging hadlang para sa pagkagusto ko sa kanya. Masyado kasi siyang idealistic lalo na ang napakaresponsable niya sa kanyang trabaho at magalang siya sa kanyang mga magulang at pati na rin sa iba. Ang ama niyang si Luke Archer Coleman ang engineer ng isa sa mga building namin kaya magkakilala ang aming pamilya simula noong bata pa ako.
Kaya wala pa akong napipili na lalaking gusto kong pakasalan dahil may hinihintay ako at si Matthias iyon. Siya ang lalaking gusto kong pakasalan. Sa kanya lang ako magpapakasal dahil siya ang mahal ko.