THE CONTRACT MARRIAGE - COLEMAN BOYS SERIES
SIMULA
Pinunit ko ang kontrata sa kanyang harapan. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang labis na pagkagulat sa aking ginawa. Ito ang kontrata namin bago kami ikasal ng aking asawa. Ginawa niya ito dahil napilitan lang siyang maikasal sa akin dahil ito ang utos ng kanyang mga magulang. Pinikot ko ang aking asawa at sa pagiging desperada ko, kinarma rin ako kaagad at labis akong nasasaktan ngayon.
“W-What the hell, Sarah?! Why did you do that?!” gulat niyang tanong sa akin.
Hindi ko pinakita sa kanya na labis na akong nasasaktan ngayon. Kailangan kong maging matatag para sa sarili ko. Hindi pwedeng ganito na lang kami palagi, hindi pwedeng ako na lang palagi ang kawawa at ang maghahabol.
“Itigil na natin ito, Matt. Pagod na pagod na ako sa pag-intindi sa ‘yo. Puro na lang ikaw ang iniintindi ko! Paano na lang ako? Wala nang natira sa akin, Matt! Binigay mo na sa ‘yo lahat!” hindi ko na napigilan ang mga luha kong pumatak sa aking mga mata.
Seryoso niya akong tinitigan ngayon at hindi siya nagsalita. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ko at hindi niya rin ako kayang mahalin pabalik. Siya si Matthias Archer Coleman at asawa ko siya. Malaking kagagahan ang ginawa ko noon at iyon ang ikinagagalit niya sa akin. Masyado akong nabulag sa pagmamahal ko kay Matthias at naging desparada ako para mapansin niya lang ako at maging akin siya.
“What do you want, Sarah?” malamig na tanong ni Matt habang nakatingin pa rin sa akin.
Huminga na muna ako ng malalim bago sagutin ang kanyang tanong.
“Love me, Matthias. Love me the way I love you. Hindi na natin kailangan ng kontrata para lang maging perpektong mag-asawa tayo sa harapan ng ibang tao. Mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat para lang alagaan ka, mahalin ka nang buong-buo at ipagmamalaki kita sa lahat,” desperada kong sabi sa aking asawa.
Humakbang ako papalapit sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay at bahagya itong hinaplos. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili na mapaiyak sa sobrang sakit na aking nararamdaman.
“I have loved you since I first saw you, Matthias. Simula noon, ikaw lang ang gusto kong maging boyfriend at maging asawa… ngayon ay nangyari na, asawa na kita. Pero ang sakit pa rin pala? Akala ko magiging masaya na ako kapag naging asawa na kita, pero hindi pa rin pala. Ang sakit kapag napipilitan lang sa ‘yo ang lalaking mahal na mahal mo. Wala na ba talaga akong pag-asa diyan sa puso mo? Hindi ba ako pwedeng pumasok diyan?” umiiyak kong sabi habang nakatingin sa kanya.
Umiwas siya ng tingin sa akin at inalis niya ang mga kamay kong nakahawa sa kanyang kamay. Tumalikod siya sa akin at napahawak siya sa kanyang beywang.
“I’m sorry, Sarah. I can’t give what you want. Magpahinga ka na lang diyan at kumain. Gagawa ako ng bagong kontrata kapag natapos na ako sa trabaho ko mamaya. Kailangan ko nang pumunta sa may site at gabi na ako makakauwi,” malamig na sabi ni Matthias at nagsimula ng maglakad papalayo sa akin.
Lumabas siya sa aming bahay at narinig ko na lang ang pag andar ng kanyang sasakyan at umalis na.
Hina akong napaupo sa sahig at humagulgol. Hawak-hawak ko ang aking dibdib ngayon habang umiiyak.
Bata pa lang ako noong nakilala ko si Matthias. Magkakilala ang aming mga magulat at noong isinama ako ng aking mga magulang para sa isang dinner sa bahay ng mga Coleman, nakilala ko ang batang Coleman na nagngangalang Matthias Archer. Simula nang oras na iyon, pinapangako kong magiging asawa ko si Matt at sa kanya lang ako ikakasal.
Masyado akong nabulag sa pagmamahal ko para kay Matt at nakalimutan ko nang mahalin ang aking sarili. Binigay ko sa kanya lahat, pati ang aking sarili ay ibinigay ko rin sa kanya dahil mahal ko siya. Naging desperadang asawa ako kay Matthias at alam kong nagmumukha na akong kawawa kapag nalaman ng ibang tao ang totoong nangyayari sa relasyon naming dalawa ng aking asawa.
Walang nakakaalam sa totoong estado ng aming relasyon dahil masyado kaming mapagpanggap dalawa sa maraming tao. Ang akala nila ay nagmamahalan kaming dalawa ni Matt, pero ang totoo ay ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa at sinusuka ako ni Matthias nang dahil sa pagiging desperada ko.
Kailangan ko na itong tapusin. Sinisira ko lang ang buo kong pagkatao dahil lahat na ay binigay ko sa aking asawa. Wala nang natira sa akin, para na akong mababaliw kapag pinagpatuloy ko pa ito.
Tumayo ako at pinagpagan ang aking sarili. Napagpasyahan kong maglakad papunta sa aking kwarto at nang makapasok ako ay hindi ko mapigilan na mapatinginn sa aking sarili sa salamin. Hindi ko mapigilan na maawa sa aking sarili habang nakatingin sa aking ayos. Ang losyang ko nang tingnan. Ang layo-layo ko na sa aking dating ayos. Nakalimutan ko na rin talagang mag ayos ng aking sarili simula nang maikasal ako kay Matthias. Buong atensyon ko ay ibinigay ko sa kanya at ito ang malaking pagkakamali na ginawa ko sa buong buhay ko.
Wala ng natira sa akin.
“I need to stop being desperate.”
Naglakad ako papunta sa aking closet at kinuha ang bagay na nagpagulo sa aking buong linggo.
Hindi ko na naman mapigilan na maiyak habang tinitignan ito.
Dalawang linya…
Positive.
Buntis ako.
Buntis ako at si Matthias ang ama.
Gusto ko maging masaya dahil isang biyaya ito para sa akin, pero hindi ko kayang maging masaya nang sobra lalo na at ang gulo ng relasyon ko sa ama ng pinagbubuntis ko.
Hinaplos ko ang aking tiyan at napapikit sa aking mga mata.
“Anak, mahal na mahal ka ni Mama. Hinding-hindi kita pababayaan at gagawin ni Mama ang lahat para lang maalagaan kita ng maayos,” mahina kong sabi habang humihikbi.
I need to fix myself. I need to be strong, not just for me but also for my baby.
Ayokong makita ako ng anak ko na mahina at palagi na lang umiiyak. Kailangan kong maging matapang at kailangan kong bumangon ulit.
Alam kong ayaw pang matapos ni Matthias sa kontrata namin sa aming relasyon, pero ako, ayoko na. I want to end this contract marriage and I want to be free and to be myself again.
Kung ano man ang gagawin ko ngayon, para ito sa ikakabuti ng lahat at hindi lang para sa aking sarili.
You got this, Sarah Del Junco Coleman.