EPISODE 5

2246 Words
EPISODE 5 SARAH’S POINT OF VIEW. “Matthias will be the head engineer of the business that we will collaborate with the Coleman family.” Atomatikong tumagilid ang ulo ko at tinignan si Dad ng seryoso nang sabihin niya iyon habang nandito kami sa hapag kainan. Noong isang araw lang ay muli kong makita si Matthias na pumunta dito sa bahay namin at ang ganda na naman ng araw ko na iyon, nilibre ko nga si Adele ng pagkain dahil tuwang-tuwa ako nang makita ko ang aking love of my life. “Really, Daddy? Si Kuya Matthias po talaga ang magiging head engineer ng business na ipapatayo ninyo?” tanong ko kay Dad, gusto ko lang naman makasigurado. Tumigil si Dad sa kanyang pag kain at tumingin siya sa akin at ngumiti. “Yes, Anak. Ang Kuya Matthias mo ang magiging head engineer ng business na ipapatayo natin kaya siguradong matatag ito at maganda,” sagot ni Dad na kitang-kita ang puno ng kasiyahan sa mukha. “Your Kuya Matthias volunteered to be the head engineer of the project, Hija. Ang swerte natin, ‘no? Ang rare na lang kumuha ng project ni Matthias ngayon dahil palagi na lang itong nasa office at busy rin sa pagbabanda kasama ang mga pinsan niya,” sabi ni Mommy. Yes, hindi lang isang magaling na engineer si Matthias Archer Coleman—isa rin siyang magaling na composer at guitarist. Nagsa-sideline si Matthias sa banda ng kanyang mga pinsan na The Band. Siya rin ang dating manager ng banda pero umalis din kaagad ito dahil hindi na kaya ni Matthias ang maraming trabaho. Hindi siya sumasali sa mga gigs ng kanyang mga pinsan, pero isa siya sa mga producers at composers ng mga kanta ng banda. Kaya tinagurian na Mr. Perfect Guy si Matthias dahil nasa kanya na ang lahat, lahat ng katangian ng lalaking gusto kong pakasalan ay nasa kanya na… siya lang ang gusto kong pakasalan. “Dahil si Kuya Matthias na ang magiging head engineer ng new project ng kompanya natin, palagi na po siyang pupunta dito sa bahay?” hindi ko maitago ang excitement sa boses ko habang tinatanong ko iyon sa aking mga magulang. Bago nila sagutin ang tanong ko, nagkatinginan muna si Mom at Dad na para bang may napapansin silang kakaiba sa akin. Nakaramdam ako ng kaba pero alam ko naman na hindi ako pipilitin ng mga magulang ko na sabihin ang totoo. “Yes and no, honey,” si Mommy ang sumagot sa tanong ko. Kumunot ang noo ko sa naging sagot ni Mommy. “What do you mean, Mommy?” “Pupunta lang dito si Kuya Matthias mo kapag nandito ang iyong Daddy. Magiging busy si Kuya Matthias mo sa site at doon na rin siya pupuntahan ng Daddy mo. Kilala naman natin ‘yang si Kuya mo sa pagiging engineer, masyado siyang seryoso at kailangan alam niya lahat ng nangyayari sa site,” sagot ni Mommy. Kanina pa ako nayayamot sa sunod-sunod na pagtawag kay Matthias na Kuya. Wala akong magawa kundi ang tawagin siyang kuya dahil mas matanda ito sa akin at kapag hindi ko siya tinawag na kuya, ako naman ang pagagalitan ni Mommy at Daddy—kailangan daw maging magalang ako sa mga nakakatanda sa akin. Paano kung ayaw kong maging Kuya si Matthias? Gusto ko siyang maging asawa! “Oh… okay, Mommy,” mahina kong sabi at bahagyang ngumiti bago muling ipinagpatuloy ang aking pag kain. Tumahimik na ako at hindi na ako nagtanong sa aking mga magulang. Sila na lang dalawa ang nag-usap tungkol sa mga negosyo namin at ako naman ay tahimik lang sa aking kinauupuan habang kumakain. Si Matthias nga ang magiging head engineer sa project collaboration ng mga pamilya namin, pero hindi ko naman siya laging makikita dahil palagi siyang nasa site—oh my… Tama! Bakit hindi ko naisip kaagad ‘yun? Pwede naman akong pumunta sa site, right? Napangiti ako nang maisip ko ‘yun at muli akong nag-angat ng tingin kay Daddy. “Dad, hindi naman po bawal na dumalaw sa construction site diba?” tanong ko. Bahagyang kumunot ang noo ni Dad at nagkatinginan silang dalawa ni Mommy bago tumingin sa akin. “Hindi naman, Anak. Bakit mo naman natanong iyan?” Ngumiti ako kay Dad. “Wala lang po. Gusto ko lang po kasi na dumalaw doon kapag may free time.” “Pwede naman, pero dapat mag ingat ka lang palagi lalo na’t delikado ang site, anak.” “Yes po, Daddy.” Napatingin ako kay Mommy at nakita ko siyang nakatingin ng seryoso sa akin na para bang pinag-aralan ang buo kong galaw. Nang mag salubong ang tingin namin ni Mom ay nginitian niya ako ng napakatamis, pero parang may something talaga eh. Alam na kaya ni Mommy ang tungkol sa pagkagusto ko kay Matthias? Masyado bang halata? Nakakakaba naman! Nang natapos na kami sa aming pagkain, nagpaalam na ako sa aking mga magulang na pumunta sa aking kwarto. Pagpasok ko sa loob ay agad kong kinuha ang aking phone at tinawagan ko ang aking bestfriend na si Adele at sinabi ko ang good news. Wala akong ibang mapagsabihan kundi si Adele lang at siya lang din naman ang nakakaalam sa kabaliwan ko kay Matthias. Nang masagot na ni Adele ang aking tawag, inunahan ko na siyang magsalita sa sobrang pananabik ko. “Oh my Gosh, Adele! Si Matthias ang head engineer ng pinapagawa na building ni Dad for our new business! Oh my gosh ulit! May reason na ako para makita ko palagi si Matthias!” masaya kong pagkukwento sa aking kaibigan at tumili ako. Nagpagulong-gulong ako dito sa aking kama sa sobrang tuwa habang sinasabi ko sa aking kaibigan ang good news. “Wow! Good news na good news talaga ‘yan sayo!” sabi ni Adele sa kabilang linya. “Diba? Ang tadhana na talaga ang naglalapit sa aming dalawa ni Matthias, Adele. Nafe-feel ko na talaga na magiging malapit na ako sa kanya. After of how many years na humanga sa kanya at mahalin siya malayo, mabibigyan na talaga ako ng pagkakataon na makalapit sa kanya, Adele. Ipaparamdam ko na kay Matthias kung gaano ko siya kamahal,” nakangiti kong sabi sa aking kaibigan. Narinig ko ang pag buntong hininga ni Adele sa kabilang linya. “Sarah, hindi sa hindi kita suportado sa kasiyahan mo ngayon, pero as a concern best friend lang naman—paano kung ang turing lang talaga sayo ni Matthias ay nakababatang kapatid? Anak ng ka-business partner ng mga magulang niya, paano kung malaman mo na may girlfriend talaga siya at si Winter Griffin ito, ano ang gagawin mo? Ipagpapatuloy mo pa ba iyang paghanga kay Matthias at aasa kahit alam naman nating talo na, o susuko na lang at maghihintay sa tamang lalaki para sayo?” Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi nang marinig ko ang sinabi ni Adele sa akin. Hindi ko mapigilan na masaktan kahit na hindi pa naman ito totoo, what ifs lang naman… pero masakit pa rin. Matagal akong hindi nakasagot sa sinabi ng best friend ko. Hindi rin nagsalita si Adele sa kabilang linya at parang pinapakiramdaman niya muna ako rito. Napakagat ako sa aking labi at pinipigilan ko na maging emosyonal ngayon. Huminga ako ng malalim bago ako magsalita. “A-Ano ka ba, Adele! Ang negatron mo talaga kahit ano! ‘Wag na muna natin isipin ‘yan, okay? Maging masaya ka na lang sa akin ngayon dahil masaya ako. Handa… handa na rin naman ako sa mga posibleng mangyari kapag pinagpatuloy ko itong kabaliwan ko kay Matthias,” wika ko sa aking kaibigan at bahagya akong napangiti ngayon habang nakatitig sa may kisame. Narinig ko ang muling pag buntong-hininga ni Adele. “Suportado kita dahil mahal kita, Sarah. Ang gusto ko lang na ‘wag mo sanang maisip na gawin ay maging desperada para lang makuha si Matthias Archer. Know your worth, Sarah. You’re an amazing person, and you deserve the love and care. All I want is your happiness, iyon lang ang gusto ko para sayo, Sarah.” Naramdaman ko ang pagtulo ng munting luha sa gilid ng aking mata at napangiti ako kahit na wala rito sa aking tabi si Adele habang kinakausap ako. “I know, Adele… I know. Hinding-hindi ako magiging desperada para lang makuha ko si Matt,” mahina kong sabi at napapikit ako sa aking mga mata. “Sana nga, Sarah. Aasahan ko ‘yang sinabi mo ngayon. Ayoko lang na magmukha kang tanga at masaktan nang paulit-ulit. Pero sa ngayon, enjoy-in mo muna ang opportunity na mapalapit ka sa iyong future husband!” Napahagikhik ako sa sinabi ni Adele. “Thank you, Adele!” Nang matapos naming mag-usap tungkol kay Matthias, mga chismis naman ang pinag-usapan namin ni Adele hanggang sa pareho na kaming dalawa na dinalaw ng antok at nagpaalam na kami sa isa’t isa na matulog. LUNES NA, kailangan ko na namang pumasok sa university. Pero hindi ako matamlay ngayon dahil excited na ako na matapos ang klase ko ngayong araw! Nabalitaan ko kay Daddy na nagsisimula na pala ang construction sa project na tinutukoy ni Dad at nandoon din sa site ngayon si Matthias para mag-utos at magbantay sa bawat galaw ng mga tauhan niya. Naisip ko kanina pagkagising ko na dalawin ko si Matthias doon sa site at ang gagawin ko na lang na rason kapag nagtanong siya sa akin kung bakit ako nandoon ay gusto kong makita ang pagsisimula ng construction sa building. Hindi naman siguro ako mahahalata ni Matt diba? I just want to see him! “Sarah?” Napatigil ako sa pag-aayos ng aking buhok ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng aking kwarto at nang nilingon ko kung sino ay pumasok ay nakita ko si Mommy. Agad akong napatayo at lumapit ako kay Mom upang mayakap ko siya. “Good morning, Mommy,” malambing kong bati sa kanya at hinalikan siya sa kanyang pisngi. Sa pagitan nilang dalawa ng Daddy ko, mas close ko si Mommy dahil siya palagi ang nakakasama ko sa bahay simula noong bata pa ako. Close rin naman kami ni Dad at wala akong nararamdaman na pagtatampo sa kanya kung bakit hindi namin siya nakakasama lagi ni Mommy noon dahil alam ko na busy lang si Dad sa trabaho niya at para rin naman iyon sa kinabukasan ko. Mahal na mahal ko ang aking mga magulang at nagpapasalamat ako na sila ang mga magulang ko. Nang matapos na kaming magkayakap ni Mommy, hinawakan niya ako sa aking pisngi at ngumiti siya sa akin na para bang naiiyak. “Dalagang-dalaga na talaga ang baby ko. Pwede bang wag ka na munang mag-asawa, baby ko?” naiiyak na sabi ni Mommy habang nakatingin siya sa akin at nakahawak pa rin siya sa aking pisngi. Mahina akong tumawa at hinawakan ko ang kamay ni Mom na nakahawak pa rin sa aking pisngi. “Mommy, kung makahanap na ako ng aking pakakasalan ay hinding-hindi ko pa rin kayo iiwan ni Daddy. Kahit magkaroon man ako ng sarili kong pamilya, ako pa rin ang baby ninyo ni Daddy,” malambing kong sabi kay Mommy at matamis siyang nginitian. Ngumiti pabalik si Mom sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit at naramdaman ko rin ang paghalik niya sa tuktok ng aking ulo. “Hmm, mukhang hindi ka na talaga baby dahil may pagtingin ka sa Kuya Matthias mo.” Nanlaki ang aking mga mata sa gulat sa sinabi ni Mommy. Napatingin naman ako sa kanya at nakita ko siya na nakangiti sa akin na para bang tuwang-tuwa pa siya. Hinaplos niya ang aking pisngi at nagsalita. “Sarah, kilalang-kilala na kita, anak. Sa mga simpleng mga galaw at pagtingin mo ay alam kong may gusto ka sa unang anak ng Tita Isabelle at Tito Luke mo. Siya ba ang gusto mong pakasalan kaya ayaw mo sa mga nirereto na mga lalaki sayo, Sarah?” Hindi ko mapigilan na pamulahan sa aking mukha sa sinabi ni Mommy sa akin. “M-Mommy, nakakahiya po,” mahina kong sabi at bahagyang napayuko. Narinig ko ang pag hagikhik ni Mom. “Sarah Del Junco, I’m your mom, okay? Makikinig ako sayo at hindi kita huhusgahan. Nandito ako para suportahan ka kung saan ka sasaya, baby ko.” Nag-angat ako ng tingin kay Mommy at bahagya akong napanguso. “Mommy, may gusto po ako kay Kuya Matt—kay Matthias po. Sana po hindi kayo magalit sa akin kasi sa dami ng lalaki ay si Matthias pa ang nagustuhan ko,” mahina kong sabi. Ngumiti si Mom at nagsalita. “Baby, gusto mo si Matthias? Hindi ako tututol. Mahal mo siya at siya ang gusto mong pakasalan? Susuportahan kita, anak.” Hinawakan ni Mom ang magkabila kong kamay at bahagya niya itong hinaplos. “You have my support, Sarah. Suportado ako na si Matthias ang lalaking pakakasalan mo. You have great taste in a man, Sarah! Matthias is a real catch, and I know he will love you and care for you.” Ngumiti ako kay Mommy at niyakap ko siya. “Thank you, Mommy!” “You’re always welcome, baby.” Napangiti ako at mas lalo pang hinigpitan ang pagyakap kay Mom. I have my full support of my mom! Ang gagawin ko na lang ngayon ay ang mapalapit ako kay Matthias. At gagawin ko ito mamaya dahil pupuntahan ko siya doon sa site kung saan sila nagtatrabaho ngayon. Wait for me, Engineer Matthias! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD