EPISODE 4
SARAH’S POINT OF VIEW.
Girlfriend ba talaga ni Matthias si Winter Griffin? Kung oo, wala na akong laban. Maganda si Winter, sa katunayan nga ay idol ko siya dahil nasa kanya na ang lahat. Pero ngayon hindi ko na siya idol dahil mas nananaig ang inggit na nararamdaman ko ngayon. Alam kong mali itong nararamdaman kong inis kay Winter dahil wala naman siyang ginagawa sa akin at sigurado akong mabait siyang tao dahil ilang ulit na niya itong napapakita sa iba.
“You look like you’re going to murder the woman who dated your crush, Sarah.”
Napatingin ako kay Adele nang sabihin niya iyon sa akin. Huminga ako ng malalim at kinuha ko ang aking milk tea at ininom ko ito at hindi na muling tinignan kung nasaan nakaupo ngayon si Matthias na kasama si Winter. Nasasaktan lang ako lalo na’t ngumingiti si Matthias kay Winter na para bang tuwang-tuwa ito sa sinasabi ng babae.
“Adele, umalis na tayo,” matamlay kong sabi habang nakatingin sa aking kaibigan.
Hindi nagsalita si Adele at tahimik siyang tumango at tumayo. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko upang makatago lang at hindi ako makita ni Matthias dahil kahit hindi kami close, kilala niya pa rin ako. Buti na lang at tinulungan ako ng aking kaibigan na makalabas kami nang hindi ako nakikita ni Matthias. Nang makalayo-layo na kami sa may cafe, muli akong nanghihina at napasandal ako sa may puno at napayuko.
“Hoy! Don’t tell me umiiyak ka diyan?” rinig kong sabi ni Adele sa akin.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at napakagat ako sa aking labi ngayon habang pinipigilan ko na hindi mapaiyak. Parang hinihiwa ang puso ko ngayon sa sobrang sakit. F*ck! Sobrang OA ko ngayon, pero ito ang nararamdaman ko—masama bang masaktan? Nasasaktan ako ngayon dahil mahal ko si Matthias.
“Sarah, what the hell?! Umiiyak ka ngayon nang dahil lang sa lalaking ‘yun? Girl, ang daming lalaki sa mundong ito! Hindi lang si Matthias Archer Coleman ang pogi at engineer sa lugar natin. Marami ka pang pagpipilian at maraming mga nagkakagusto sa ‘yo. Huwag mong sayangin ang sarili mo nang dahil lang sa lalaking hindi ka naman mahal!”
Tuluyan na akong naiyak sa sinabi sa akin ni Adele ngayon. Tagos sa puso ang masakit na salita na sinabi niya sa akin. Hindi ako galit sa kanya dahil alam ko naman na concern lang siya sa akin dahil best friend niya ako, pero hindi niya kasi ako naiintindihan eh—hindi pa kasi siya nagmamahal—hindi pa nila alam kung ano ang epekto kapag tinamaan ka na ng pana ni kupido.
“You don’t understand me, Adele. Mahal ko kasi siya—sa kanya ako tinamaan! Hindi basta-bastang nawawala ang pagmamahal kaya hindi mo alam kung gaano kahirap ang nararamdaman ko ngayon!” tinalikuran ko si Adele at naglakad na ako palayo sa kanya.
“Sarah! Saan ka pupunta?! Hoy!”
Hindi ko sinagot ang pagtawag ni Adele sa aking pangalan. Agad akong pumara ng isang taxi at sumaka na ako sa loob. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon, ang alam ko lang ay gusto kong mapalayo at gusto ko munang mapag-isa.
“Ma’am, saan ko po kayo dadalhin?”
Napatingin ako sa driver ng sinasakyan ko na taxi ngayon nang magsalita siya. Huminga ako ng malalim at napatingin ako sa labas ng bintana ng taxi.
“Dalhin niyo po ako sa may dagat… iyong pwede po akong makapag-isip ng maayos at walang maingay sa paligid,” mahina kong sabi.
“Sige po, Ma’am.”
Napasandal na ako sa aking kinauupuan at ipinikit ang aking mga mata.
Tinupad nga ni Manong driver ang sinabi ko, dinala niya ako sa lugar na malapit lang sa dagat. Doon ako dumiretso sa may seawall at umupo ako doon at pinagmamasdan ang dagat. Pinatay ko muna ang aking phone at nagmumuni-muni ako at minabuti na maging tahimik na muna at pakalmahin ang aking sarili.
Inaamin ko na ang mga galaw ko kanina ay mga galaw ng isang immature na p********e at ako na iyon. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon sa mga pangyayari dahil unang beses palang naman na nakaramdam ako ng ganito—makaramdam na magmahal ng isang tao. Bata palang ako ay crush ko na si Matthias. Akala ko ay simpleng paghanga lang ang nararamdaman ko sa kanya, pero mas lumalim ito ng tumuntong na ako sa high school at naging isang ganap na dalaga na ako.
Habang tumatagal ay mas lumalalim ang nararamdaman ko para kay Matthias kahit na hindi kami close sa isa’t isa. Matthias is five years older that me, pero hindi ito naging hadlang para patuloy ko siyang mahalin at pangarapin na maging akin siya.
Huminga ako ng malalim at hindi ko namalayan na dalawang oras na pala ako ritong nakatambang habang nakaupo sa gilid ng seawall. Lumilipad na ang buhok ko sa sobrang lakas ng hangin dito pero hindi ako nagpatinag at hindi ako gininaw. Napatingin ako sa aking suot na relo at nakita kong 5 PM na at sigurado akong naghahanap na sa akin ngayon ang aking mga magulang kaya kailangan ko ng makuwi sa aming bahay.
Sumakay ulit ako ng taxi at dumitso na ako pauwi sa aming bahay. Siguro ay tatawagan ko na lang mamaya ang aking kaibigan na si Adele bago ako matulog para makahingi ako ng tawad sa kanya. Inaamin kong mali ang ginawa kong pag walkout kanina at sigurado akong nag-aalala rin sa akin si Adele.
“Sarah! Where have you been?! Off ang cellphone mo at hindi kita matawagan! Napasugod dito si Adele at tinatanong sa akin kung nandito ka at sinabi ko na wala ka rito. Ano bang nangyari sa inyong mga bata kayo?! Nag-away ba kayo? Saan ka nagpunta?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Mommy. Sinalubong niya ako sa pagpasok sa aming bahay at halatang naghintay talaga siya sa aking pag-uwi.
“I’m sorry, Mom. Misunderstanding lang po ang nangyari kanina at nagpapalamig lang po ako kaya hindi ko masagot ang mga tawag ninyo at hindi ako macontact. Tatawagan ko na lang po si Adele mamaya at hihingi ako ng tawad dahil pinag-alala ko rin siya,” malumanay kong sabi kay Mommy at ngumiti.
Bumuntong-hininga siya at hinaplos ang aking pisngi.
“Kumain ka na ba? Gutom ka na ba? Maraming pagkain sa kusina, Sarah,” malambing na sabi ni Mommy.
Kumapit ako sa kanyang braso ay sumandal kay Mommy. Tumingala ako sa kanya at nginitian siya.
“I’m already busog, Mom. Kumain muna ako ng street foods bago ako makauwi rito sa bahay natin.”
Tumango si Mommy at hinalikan ako sa aking pisngi. Paakyat na sana kami sa may hagdan nang may makita kaming pababa at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang kasama ni Dad ngayon at kausap.
“Sarah! Buti na lang at nakauwi kana, Anak,” nakangiting sabi ni Dad. Nagmadali siyang bumaba sa hagdan at niyakap ako at hinalikan ang aking noo. Nginitian ko si Dad at nagmano rin ako sa kanya bilang paggalang.
Muli akong napatingin sa lalaking kausap kanina ni Dad at kasama niya ngayon. Nakababa na rin ito sa aming hagdanan at nasa may harapan ko siya ngayon kaya kitang-kita ko ang buo niyang katawan.
“Sarah, nandito pala ang Kuya Matt mo! Siya ang magiging head engineer sa bago nating building para sa new business,” nakangiting sabi ni Dad.
Napatingin ulit ako kay Matthias at muntik pa akong mapatalon sa gulat nang makita ko siyang nakatingin sa akin. Oh my Gosh! Para akong natutunaw sa kanyang mga titig ngayon—para akong nanghihina… hindi ko kaya ‘to!
“Hey, Sarah. Mukhang na-late ka ata ng uwi, ah? Hindi magandang umuwi ng late ang mga batang katulad mo, delikado na ang panahon ngayon,” sambit ni Matthias.
Hindi ko mapigilan na mapaismid nang sabihin iyon ni Matthias sa akin. Bata? Sinong bata ang tinutukoy niya? Ako? Malapit na akong mag birthday at 20 years old na ako sa susunod na buwan! Kapag nangyari na iyon, hindi na ako teenager at matatawag na akong woman at hindi bata.
“May pinuntahan lang ako na importante kaya ako na-late ng uwi,” pagtatanggol ko sa aking sarili.
Napailing siya habang nakatingin sa akin, para siyang disappointed. Disappointed para saan?
“You went to your boyfriend? You’re still young, Sarah. Mas mabuting mag focus ka muna sa pag-aaral mo, lalo na’t graduating ka na ngayon.”
Napaawang ang aking bibig at hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Magsasalita na sana ako nang maunahan na ako ni Mommy kaya napatingin ako sa kanya.
“Malapit ng mag 20 si Sarah, Hijo, hindi nga lang halata sa pagmumukha nitong unica hija namin dahil mukha pa siyang baby. Sa katunayan nga ay pinapahanap na namin ito ng mapapangasawa si Sarah dahil malapit na siyang grumaduate,” nakangiting sabi ni Mommy.
Nakita kong kumunot ang noo si Matthias at muli siyang napatingin sa akin ng seryoso.
“Ikakasal? She’s still young, Tita.”
Ano bang problema ng lalaking ‘to? Kanina pa ako naiirita sa pabalik-balik niyang pagsabi na bata pa ako! Hindi na nga ako bata!
Inunahan ko na si Mommy sa kanyang pagsasalita at ako na ang sumagot kay Matthias.
“Ano naman kung bata pa ako, Kuya Matthias? Ganito kasi ang tradisyon ng pamilya namin,” idiniin ko ang pagtawag ko sa kanya ng Kuya Matthias para marealize niya rin kung gaano na siya katanda.
Hindi siya nagsalita. Nakatitig lang siya ng seryoso sa akin na para bang binabasa niya ang nasa aking isipan ngayon. Nilabanan ko siya, tinitigan ko rin siya pabalik at hindi ako umiwas ng tingin sa kanya. Pero kahit anong pag pe-pretend ko na matapang ako ay nanghihina pa rin talaga ako nang dahil kay Matthias. Nagpaalam na muna si Dad sa amin ni Mom at dinala niya sa labas ng bahay si Matthias dahil may importante pa silang pag-uusapan tungkol sa business. Buti na lang at maganda ang naging tyempo ni Dad at nakaalis na sila ngayon sa aming harapan.
Woah! Muntik na ako doon, ah?
Buti nagawa kong kausapin si Matthias nang hindi nauutal at kinakabahan. Siguro ay naiinis lang ako sa paulit-ulit niya na pagsabi sa akin na bata pa ako? Hindi na nga kasi ako bata!
Tingnan lang natin… ipapakita ko sa kanya na hindi na talaga ako bata.
TO BE CONTINUED...