EPISODE 18 SARAH’S POINT OF VIEW. “Sarah Del Junco, what have you done?” Napatingin ako kay Adele nang magsalita siya. Tapos nang mag-usap ang mga magulang ko at ang magulang ni Matthias kasama kaming dalawa. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa kasal namin. Ang gusto ni Mommy at Daddy ay ang maikasal na kaagad kaming dalawa ni Matthias, pero ang sabi ni Tita Isabelle ay huwag na muna ngayon dahil pa ako nakaka-graduate. Kung ako lang naman ang magdedesisyon ay gusto ko munang makapagtapos ng pag-aaral bago kami makasal ni Matthias—ilang buwan na lang din naman ang hihintayin. Nagkasundo na ang mga magulang ko, sang-ayon din si Matthias at hindi na siya nagsalita pa sa mga naging desisyon nila Mommy. Ako naman ay tahimik lang sa aking kinauupuan at kapag may mga tanong sila sa akin ay sin