EPISODE 17 SARAH’S POINT OF VIEW. “M-Matthias, bitawan mo ako! Ano bang ginagawa mo? Pag-usapan muna natin ito ng mabuti,” kinakabahan kong sabi sa kanya. Paiba-iba ng desisyon si Matthias. Kanina ay ayaw niyang makasal sa akin, ngayon ay gusto niya naman! Kitang-kita ko ang galit sa mukha niya at mas lalo lang akong kinakabahan habang pinagmamasdan ang ekspresyon sa kanyang pagmumukha. “Matthias—” “Shut up, Sarah!” Napakagat ako sa aking labi at naiiyak na ako ngayon. Nakapasok na kami sa loob ng event hall habang hila-hila pa rin ako ngayon ni Matthias. Nakatingin na ang ibang mga bisita sa amin na para bang nagtataka sa aming dalawa ni Matthias. Nakita ko sa hindi kalayuan si Lucianna at nakita ko rin ang panlalaki sa kanyang mga mata habang nakatingin sa amin ng kanyang kapatid.