Nasa sariling kwarto ako habang yakap ang larawan ng aking ina. Kanina lang ay inilibing ang labi nito. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ang mahal kong ina. I was alone, and lonely, my heart was full of agony and miseries. Namumugto na ang aking mga mata sa walang-patid kong pagluha. Paano na ngayon ako gayong wala na ang aking ina?
Bumukas ang pintuan ng aking kwarto at pumasok doon ang itinuturing kong pangalawang ina na si Aling Neri. Ang mayordoma ng mansion na matalik na kaibigan ng aking ina. Niyakap ako nito ng buong-higpit.
"Darating din ang araw na matatanggap mo ang pagkawala ng 'yong ina, hija. Lahat nang nangyayari sa buhay ng bawat tao ay may rason. Magtiwala ka lang sa Dios na s'yang nakakaalam sa lahat ng bagay." Malumanay na alo ni Aling Neri sa'kin habang ako'y humagulgol.
"Ang sakit nanay Neri. Hindi ko inaasahan na gano'n lang," tanging nasabi ko, pagdaka'y napayakap nang mahigpit sa naturang mayordoma.
"Ang buhay ng tao ay hindi kailanman natin alam kung hanggang saan lang tayo. Hindi natin alam ang bukas, kaya 'wag mo iyong ipaghambog sapagkat Dios ang may alam nang lahat ng mga bagay. Kaya, habang kumikilos tayo, humihinga, huwag nating kalimutang magpasalamat sa Dios araw at gabi, binigyan n'ya tayo ng buhay at lakas," makahulugang tugon ni Aling Neri sa'kin. Tila nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok at braso.
Muli, naiyak ako. Tama nga na ang lahat ng bagay sa mundo ay Dios ang s'yang nakakaalam. Hiling ko sana sa Dios na maibsan ang bigat ng aking dibdib. I need to move on. To face the reality.
"Ikaw lang din at kayo ng mama mo ang meron ako. Narito lang ako, hija. Handa kitang alagaan at ituring na anak." Nakangiting saad ni nanay Neri sa'kin.
"Salamat, nanay Neri. Bigyan sana ako nang lakas ng loob ng Dios para harapin ang panibagong hamon nang aking buhay. Hindi ko kakayanin ang lahat kung wala po ang tulong n'ya," sagot ko sa mabait na mayordoma.
Ngumiti si nanay Neri at muli ako nitong niyakap na may buong pagmamahal. "May awa ang Dios, at manalig ka lang sa kanya." Tugon nito sa'kin at masuyong hinaplos ang aking likuran. "Paano, iiwan na ulit muna kita. Magtatrabaho lang ako, matulog ka na muna at magpahinga." Si nanay Neri at pagdaka'y umalis ito ng aking kwarto. Naiwan ako na kayakap pa rin ang larawan ng pinakamamahal kong ina.
Doon naman nagkaro'n ng pagkakataon si Julia na kasambahay ding may lihim na inggit kay Beauty. Hinintay n'ya munang makatulog si Beauty bago s'ya tuluyang pumasok sa loob ng kwarto nito. Dala n'ya ang ilang mamahaling alahas ng ina ni Seth, na si Celina. Wala ang mag-asawang Montenegro. Umalis ang mga ito dahil sa isang unexpected business trip. Tamang-tama si Seth lang ang naroon. Pagkakataon na ni Julia na mapalayas ni Seth si Beauty sa mansion ng mga Montenegro. Lahat ng mga alahas ay inilagay n'ya sa pinakailalim kung saan naroon ang lalagyan ng mga damit ni Beauty. Napangiti si Julia nang matagumpay n'yang nailagay ang lahat ng mga alahas sa kabinet ni Beauty. Saka s'ya dali-daling umalis at ngumiti nang nakakaloka. Success! Goodbye, Beauty.
MATULING lumipas ang mga araw. Ipinagpatuloy ko pa rin ang aking buhay. Nag-aaral ako sa gabi. Nagtatrabaho naman ako sa umaga sa isang fastfood para lang maitaguyod ang aking pag-aaral sa kolehiyo. Ang kursong Photojournalism ang s'ya kong pangarap noon pa dahil sa mahilig ako sa pagkuha nang ilang larawan gamit ang isang camera na regalo pa sa'kin ng aking mahal na ina, ang Nikon D5. Sa mansion ay nagtatrabaho ako dalawa o tatlong oras dahil 'yon ang sinabi mismo ni ma'am Celina para hindi na raw ako masyadong mapagod at mahirapan pa na gumawa ng ilang mga assignments ko. Maswerte pa rin ako dahil mabait ang mag-asawang Montenegro. Maliban na lamang kay Seth.
Galing sa pinagtatrabahoang fastfood dumiretso agad ako sa mansion ng mga Montenegro. Naglinis ako sa malawak na hardin. Tumulong sa paglalaba, at sa ilang mga gawain sa looban ng mansion. Pagod na pagod ako pero kailangan kong magtiis.
"Hey, Beauty!"
Natigil ako sa aking pagwawalis nang mapalingon sa gawi ni Devon. Nahihiyang napangiti sa binata. Halos malaglag ang aking panga sa gwapong binata. He was wearing his navy blue polo shirts. Kung saan nakatupi ang manggas nito hanggang sa may siko. He was really a businessmen. A hot guy to be exact. Sa bagay, wala namang kaibigan si Seth na hindi hot. Ipinilig ko ang aking ulo sa naiisip. Trying to ignore those damn, nonsense thoughts.
"Hi, napasyal ka. Si Seth ba ang hinahanap mo?" tanong ko dito.
Napakamot ito sa batok. Pansin ko rin na may itinatago itong bulaklak sa likod at halatang obvious na obvious na nahihiya ito sa'kin. Napangiti ako at iminuwestra ang gawa sa metal na upuan. "Maupo ka muna, Devon. Para sa'kin ba 'yang mga bulaklak na nasa likuran mo?"
"Ha, a—e, ano, ah, oo! For you." Tarantang tugon nito sa'kin sabay bigay ng red roses na may kasama pang chocolates. How sweet!
Lumapad ang aking ngiti. "Salamat dito, ha? Ikaw ba'y balak na manligaw sa'kin?" diretsang tanong ko dito.
"Since tinanong mo na, yes ang sagot ko. May pag-asa ba ako sa'yo, Beauty?"
"Wala ka ng pag-asa sa kanya dahil naipagkasundo na kaming magpakasal in the near future."
Kumunot ang noo ko nang mapalingon sa kinaroroonan ni Seth sabay singhap. Hindi ako makapaniwala. Ba't hindi man lang ako na-inform? Gustuhin ko mang magsalita ngunit tila may pwersang nagpigil sa'kin na tumahimik at matamang nakatitig sa mapanudyong mukha ng binata. Damn it! This is not good.
"What do you mean by that, Seth? Hindi ba't nagpaalam ako sa'yo bilang kaibigan? And you said, yes. And here I am, maririnig ko na lamang na kayo pala ang ikakasal ni Beauty? Are you kidding me? This is not a good joke! Alam mo kung paano ko pinaglaban si Beauty kay Rico," mahabang saad ni Devon kay Seth.
"Then, simple. Back off!" simpleng sagot ni Seth kay Devon.
Nagtangis ang bagang ni Devon. Naikuyom nito ang dalawang kamao. Napapailing ito at mabilis na tinalikuran si Seth sabay alis. Naiwan kami ni Seth sa hardin. Hinarap ko si Seth.
"Tell me, Seth. Nagsisinungaling ka lang! I hate you!" asik ko dito sabay hampas ng mga bulaklak sa malapad nitong dibdib.
"I'm not! 'Yon ang narinig ko ng minsang narinig ko sina Papa at Mama. And for your information, hindi ikaw ang babaeng tipo ko. I'm not going to marry a slut!"
"Slut?! Wow! You already know me, bata pa lang tayo kilala mo na ako, then, here you are accusing me that bullsh-t kind of words?! You're just really a f-cking asshole! Damn you!" sigaw ko sa mukha mismo nito.
Inis na lumapit sa'kin si Seth at hinapit ako nito sa maliit kong bewang palapit sa matipuno nitong katawan. Maagap na itinukod ko ang aking dalawang palad sa matipuno nitong dibdib. Sinalubong ko ang galit nitong titig. "Hindi na ako lugi, maganda ka naman. Kaya lang, hindi bagay sa'yo ang seryosohin. Parausan, pwede p—!"
Hindi ko na pinatapos pa sa pagsasalita si Seth at inis na sinampal ko nang malakas ang kabila nitong pisngi at marahas na itinulak. Tumakbo ako nang mabilis at agad na tinungo ang kwarto ko sa baba malapit sa maid quarters. Doon ko inilabas ang lahat ng sakit sa aking dibdib. I hate Seth for being such a jerk! I hate him! Damn it!