NAPATUTOP ni Delilah ang sarili nitong bibig nang ikwento ko rito ang lahat. Halatang nagulat sa balitang sinabi ko. "Alam mo bang umalis ako sa club ni Mamita at namasukan sa ibang club?" nagtatampong saad nito sa akin. "Hindi kita masisisi, pero mali pa rin iyong ginawa ni Mamita. Pero, aaminin ko sa iyo na wala akong naramdamang galit para sa kanya. By the way, kumusta na nga pala ang anak niyang may sakit?" "Iyon nga, awa ng Panginoon under chemotherapy," simpleng sagot ni Delilah sa tanong ko. "Gano'n ba? Kumusta naman ang club niya?" "Ang alam ko humihina na raw magmula nang umalis ako ro'n," saad nito sa akin. Nagpakawala ako ng isang marahas na hininga. "Bumalik ka na lang kaya ro'n," pagdakay tugon ko sa kaibigan. "Babalik naman talaga ako do'n, anytime pwede akong bumalik